13/10/2026
𝐌𝐀𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋𝐒 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐑𝐋𝐀𝐂 𝐂𝐈𝐓𝐘! 🩵💚
Sa pagtutulungan ng Tarlac City Sports, Tarlac City SK Federation, at Local Youth Development Office, matagumpay na naisagawa ang Linggo ng Kabataan: Tarlac City SK-Lympics 2026, kung saan nagpasiklaban ng galing ang ating mga SK officials sa iba’t ibang traditional Filipino games.
Ayon kay SK Federation President Hon. Erika Je-An Gozum, layunin din ng aktibidad na muling buhayin ang mga tradisyonal na larong Pilipino tulad ng Patintero, Chinese Garter, Touching Ball, at iba pa.
Bukod sa pag-uwi ng mga premyo, medalya, at giveaways, naging pagkakataon din ang SK-Lympics para magsama-sama, mag-bonding, at mas patatagin ang samahan ng mga SK officials mula sa 76 na barangay ng Tarlac City.
Maraming salamat sa lahat ng SK officials na nakiisa at naging bahagi ng aktibidad na ito! Congratulations sa lahat ng mga nagwagi sa ating mga palaro! 🏆