02/06/2026
Nagtapos man ang buwan ng Mayo, tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo ngayong Hunyo!🤗✨
Muli nating balikan ang mga nag-uumapaw sa kalinga at dedikasyon na mga aktibidad na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, katuwang si Vice Governor Lita Aquino, para sa bawat Tarlaqueño nitong nakalipas na buwan ng Mayo.
Ang bawat aktibidad na naisagawa ay sumasalamin sa hindi nagmamaliw na pangarap ng pamahalaan upang mas mapaunlad ang lalawigan ng Tarlac.
02/06/2026
35th NLABC, Opisyal na Sinimulan sa Tarlac
Sinimulan ngayong araw, Hunyo 2, ang dalawang araw na 35th North Luzon Area Business Conference (NLABC) sa Bulwagang Kanlahi, Diwa ng Tarlac.
Sa temang “North Luzon Now: Stronger in Inclusivity and Sustainable Prosperity,” ang prestihiyosong aktibidad na ito ay nakatutok sa inklusibong paglago at pagpapanatiling kaunlaran ng rehiyon. Ito ay isang taunang kombensiyon na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na may layuning pagyamanin ang kolaborasyong pang-ekonomiya sa rehiyon, palakasin ang mga lokal na negosyante, at ihanay ang mga estratehiya ng publiko-pribado sa Rehiyon I, II, III, at ng Cordillera Administrative Region (CAR).
Ang alyansang ito ng pribadong sektor at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, ay isang katunayan sa pagpapalakas ng mga oportunidad sa negosyo at pamumuhunan habang binibigyang halaga ang pag-unlad ng bawat Tarlaqueño.
01/06/2026
Apat na Araw ng CBDRP Basic Training, Pormal na Inumpisahan
Pormal na inumpisahan ang apat na araw na pagsasanay sa "Roll-out of Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) Basic Training" na gaganapin hanggang Hunyo 4 sa Tarlac Capitol Center.
Ang unang araw ng aktibidad ay nakatutok sa KKDK Training o ang "Katatagan, Kalusugan at Damayan ng Komunidad" na naglalayong magbigay ng sapat na kaalaman sa mga tagapagsanay ng tamang pamamahala at pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin.
Bukod sa mahahalagang paksa ng talakayan para sa unang araw, naging bahagi sa unang araw ang mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Tarlac ukol sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) matters, at si Provincial Officer Jigger B. Juniller ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Tarlac para sa mga kinakailangan sa Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDR).
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng malawak na adbokasiya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, kaagapay si Vice Governor Lita Aquino, upang maisulong ang mas malakas na programang pangrehabilitasyon sa lalawigan.
01/06/2026
1,573 na Mag-aaral ng Day Care, Tumanggap ng Libreng School Supplies 🎒🌂
Personal na pinangunahan ni Governor Christian Yap ang pamamahagi ng mga kagamitang pampaaralan ngayong araw, Hunyo 1, sa Camiling Sports Complex.
May kabuuang 1,573 na mga mag-aaral ng day care mula sa iba't ibang barangay sa bayan ng Camiling ang napuno ng galak at taos-pusong pasasalamat sa mga kagamitang natanggap.
Nakiisa rin sa naturang aktibidad si Vice Governor Lita Aquino, kasama sina Board Members Pearl Pacada at Luke Corinth Pagarigan, na nagpakita ng kanilang buong suporta sa mga programang pangkabataan ng probinsya.
Ang mga kagamitang pampaaralan ay magiging kapaki-pakinabang upang mabawasan ang gastusin ng kanilang mga magulang at maipakita ang pamumuhunan sa kinabukasan ng mga kabataang Tarlaqueño.
01/06/2026
Unang Flag Raising Ceremony ngayong Hunyo 🇵🇭✨
Isinagawa ngayong araw ang unang Flag Raising Ceremony para sa buwan ng Hunyo sa Bulwagang Kanlahi.
Dinaluhan ito ng mga empleyado ng pamahalaan, kasama ang pinuno ng kanilang mga departamento, upang muling manupa sa serbisyong kanilang ihahandog sa bawat Tarlaqueño.
Ito ay lingguhang ginaganap bilang tanda ng dedikasyon ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, kaagapay si Vice Governor Lita Aquino, sa serbisyong panlipunan para sa mas ikalalago ng buong probinsya.