OWWA Hong Kong

Directions Website Contact the organization

OWWA Hong Kong Welcome to the OFFICIAL page of Overseas Workers Welfare Administration - Hong Kong. Government organisation
(227)

01/11/2026

📣READ : 𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐓𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐈𝐍 𝐇𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐎 𝐂𝐋𝐎𝐒𝐄 𝐎𝐍 𝟏, 𝟐 𝐚𝐧𝐝 𝟑𝟎 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐈𝐍 𝐎𝐁𝐒𝐄𝐑𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄 𝐇𝐎𝐋𝐈𝐃𝐀𝐘𝐒

🎄❤️ SAVE THE DATE, MGA KABABAYAN! ❤️🎄🇵🇭 2026 ALAGANG OWWA: SERBISYONG MAY PUSO AT SAYA NGAYONG PASKO — HONG KONG! 🇭🇰Ngay...
29/10/2026

🎄❤️ SAVE THE DATE, MGA KABABAYAN! ❤️🎄

🇵🇭 2026 ALAGANG OWWA: SERBISYONG MAY PUSO AT SAYA NGAYONG PASKO — HONG KONG! 🇭🇰

Ngayong Kapaskuhan, sama-sama nating damhin ang init ng pagmamahal, saya, at pagkakaisa ng pamilyang Pilipino sa Hong Kong! 🎅🎁

Inaanyayahan ang ating mga minamahal na Overseas Filipino Workers (OFWs) at ang buong Filipino community na makiisa sa isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ng Paskong Pinoy, hatid ng OWWA Hong Kong kasama ang mga katuwang na ahensya ng pamahalaan.

📅 Kailan: Disyembre 6, 2026 (Linggo)
⏰ Oras: 8:00 AM – 10:00 PM
📍 Saan: Wan Chai Harbourfront Event Space A, 3 Hung Hing Road, Wan Chai, Hong Kong

✨ ANO ANG AABANGAN?

🤝 Serbisyo Caravan ng mga ahensya ng pamahalaan
🎄 Christmas Tree na gawa sa mga balikbayan box
🌟 Christmas Village
🛍️ OWWA E-Card Merchants Fair
🍲 Migrants Brew at masasarap na pagkaing Pinoy
🎤 Live entertainment at mga pagtatanghal ng talento
💃 Mga paligsahan at aktibidad para sa komunidad
🎁 Papremyo, at marami pang sorpresa!
❤️ “Serbisyong May Puso, Paskong May Saya: Pamaskong Handog ng Pagkalinga at Pasasalamat para sa OFWs.”

Isang araw ng paglilingkod, pasasalamat, at sama-samang pagdiriwang para sa ating mga bayaning manggagawa sa Hong Kong!

📣 Kaya mga kababayan, markahan na ang inyong kalendaryo! Anyayahan ang mga kaibigan at kapwa OFW at makiisa sa pinakamasayang pagdiriwang ng Paskong Pinoy sa Hong Kong!

🎄✨ Kita-kits tayo! Ang Paskong may puso at saya ay para sa ating lahat! ❤️🇵🇭






Ang 𝐎𝐖𝐖𝐀 𝐇𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐧𝐠 ay magsasagawa ng Libreng 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔 𝗠𝗮𝘀𝘀𝗮𝗴𝗲 𝗧𝗵𝗲𝗿𝗮𝗽𝘆 𝗖𝗲𝗿𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗡𝗖 𝗜𝗜) sa ilalim ng 𝐎𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞𝐚𝐬 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧...
29/10/2026

Ang 𝐎𝐖𝐖𝐀 𝐇𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐧𝐠 ay magsasagawa ng Libreng 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔 𝗠𝗮𝘀𝘀𝗮𝗴𝗲 𝗧𝗵𝗲𝗿𝗮𝗽𝘆 𝗖𝗲𝗿𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗡𝗖 𝗜𝗜) sa ilalim ng 𝐎𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞𝐚𝐬 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐎𝐀𝐏) sa Nobyembre 21-22, 2026.

Detalye ng Programa
• 𝐒𝐢𝐧𝐨: Para lamang sa mga nakapagtapos ng Massage training/related to Massage Therapy
• 𝐀𝐧𝐨: Libreng Massage Therapy NC II Assessment
• 𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧: Nobyembre 21–22, 2026 (Sabado at Linggo) (pweding pumili ng Sabado o Linggo)
• 𝐒𝐚𝐚𝐧: DMW-OWWA OFW Centre, 18F, United Building Centre, Queensway, Admiralty, Hong Kong

Para sa iba pang detalye, tingnan ang poster.

28/10/2026

🎙️ New to streaming or looking to level up? Check out StreamYard and get $10 discount! 😍

26/10/2026
26/10/2026

Stay tuned for our live on 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 28, 2026 at 4pm! Our Welfare Officer 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐋𝐎𝐔 𝐌. 𝐒𝐔𝐌𝐀𝐋𝐈𝐍𝐎𝐆 will be talking about 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐋𝐀𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌! Ready your questions, WelOf is ready to answer everyone! See you!

𝐊𝐚𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐫𝐚𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐮𝐤𝐮𝐲𝐚𝐧 𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐭𝐮𝐥𝐚𝐝 𝐧...
26/10/2026

𝐊𝐚𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐫𝐚𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐮𝐤𝐮𝐲𝐚𝐧 𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐭𝐮𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐂𝐲𝐛𝐞𝐫 𝐒𝐞𝐜𝐮𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠, 𝐊𝐧𝐨𝐰 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬, 𝐚𝐭 𝐑𝐞𝐩𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡.

Ang tagumpay ng mga programang ito ay naging posible kasama ang ating mga masisipag at magagaling na mga partners na walang sawang katuwang natin sa paggabay sa ating mga kababayan.

Ang bawat programa at pagsasanay na ito ay binuo hindi lamang para madagdagan ang inyong kaalaman, kundi para masigurong ligtas, protektado, at malusog kayo habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa pamamagitan ng cyber security, layunin nating protektahan kayo laban sa mga online scams. Sa 'Know Your Rights,' nais nating bigyan kayo ng lakas ng loob at tamang proteksyon sa batas. At sa Reproductive Health, inuuna natin ang inyong kabuuang kalusugan at kapakanan.

Patuloy na pagbubutihin ang serbisyo at mga programa para sa ating mga OFW. Deserve ninyo ang pinakamahusay na suporta dahil kayo ang mga makabagong bayani ng ating lahi. Manatili tayong ligtas, may alam, at malusog!

OWWA HONG KONG — Alagang OWWA, Serbisyong May Puso para sa mga OFW! ❤️🇵🇭



𝐎𝐖𝐖𝐀 𝐇𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐆, 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐊𝐀𝐘𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐎𝐅𝐖𝐇𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐑 | 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 25, 2026 — Isang makabuluhang pag...
26/10/2026

𝐎𝐖𝐖𝐀 𝐇𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐆, 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐊𝐀𝐘𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐎𝐅𝐖

𝐇𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐑 | 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 25, 2026 — Isang makabuluhang pagdiriwang ng tagumpay at bagong pag-asa ang isinagawa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Hong Kong sa Upskilling Program Completion Ceremony sa DMW-OWWA Global Centre, bilang pagkilala sa mga OFW na nagsikap na mapaunlad ang kanilang kaalaman at kakayahan.

Sa ilalim ng Upskilling Program, 15 kurso na may kabuuang 571 trainee completers ang naging bahagi ng programa. Layunin nitong bigyan ang mga OFW ng dagdag na kaalaman, praktikal na kasanayan, at mas malawak na oportunidad para sa kanilang kinabukasan.

Kabilang sa mga kursong inialok ang basic and advanced computer training, massage therapy, Cantonese language training, baking, meat processing, barista training, nail art, balloon shaping, dressmaking, fruit and vegetable carving, gumpaste flower making, elderly care, at hair and beauty.

Nagbigay ng pambungad na pananalita si Assistant Labor Attaché Karen Nemesis Arlan habang naghatid ng inspirasyonal na mensahe si Consul General Romulo Victor M. Israel, Jr. Samantala, sa kanyang closing message, binigyang-diin ni Welfare Officer Marilou M. Sumalinog ang kahalagahan ng patuloy na pagkatuto, pagpapaunlad ng kakayahan, at pagsisikap ng mga OFW na maghanda para sa mas magandang kinabukasan.

Higit pa sa mga sertipiko, ang programa ay simbolo ng pagsisikap, pag-asa, at determinasyon ng mga OFW na patuloy na matuto at maghanda para sa mas magandang kinabukasan para sa kanilang sarili at pamilya.

Congratulations sa lahat ng ating Upskilling Program Completers! Nawa’y maging simula ito ng mas marami pang oportunidad at tagumpay.

OWWA HONG KONG — Alagang OWWA, Serbisyong May Puso para sa mga OFW! ❤️🇵🇭


Address

18th Floor, United Centre , 95 Queensway, Admiralty
Hong Kong

Opening Hours

Monday 09:00 - 18:00
Tuesday 09:00 - 18:00
Wednesday 09:00 - 18:00
Thursday 09:00 - 18:00
Sunday 09:00 - 18:00

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OWWA Hong Kong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to OWWA Hong Kong:

Shortcuts

Share