Durungao Elementary School

Directions

Durungao Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Durungao Elementary School, Government Organization, San Sebastian, Mataas Na Kahoy, Batangas City.

WARMEST BIRTHDAY GREETINGS, MRS. AURELIA A. AGUILA!  Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, good health...
12/11/2026

WARMEST BIRTHDAY GREETINGS, MRS. AURELIA A. AGUILA! Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, good health, and countless blessings. May your passion for education and dedicated leadership continue to inspire and make a difference in the lives of teachers and learners. Thank you for your guidance, support, and unwavering commitment to quality education. Happy Birthday, Ma'am Aurelia! May God bless you always! With love and gratitude, The Durungao Elementary School Family ❤️

Finally!! Successful SIP Validation. ☑️Big Congratulations to Dr. Narcita M. Ilao, for the guidance, support and leaders...
27/10/2026

Finally!! Successful SIP Validation. ☑️

Big Congratulations to Dr. Narcita M. Ilao, for the guidance, support and leadership. Sa ating Team SIP, Team MOV's, Ashley at sa lahat ng tumulong at nagshare ng time, effort at ideas para maging successful ang lahat,....maraming slamat.😍

Grabe ang pinagdaanan, yung akala mo tapos na, may pahabol pa. yung Saturdays and Sundays at laba day na nasakripisyo upang maging SIP Day.
Pero ngayon masasabi nating worth it lahat.

Hindi naging madali, pero dahil sa teamwork, cooperation at bayanihan, kinaya natin. Hindi ito tagumapay ng iilan kundi tagumpay nating lahat. Sa lahat ng nag adjust, nag over time, nag tiis ng puyat at nagbigay ng extra effort kahit pagod na...SALUDO KAMI Sa INYO....Congratulations!

SIP Validation: Done☑️
Congratulations DES Family!!!❣️

Isang Pagpupugay.... Ma'am MarinenSa ngalan ng buong pamilya ng Durungao Elementary School, taos-puso kaming nagpapasala...
27/10/2026

Isang Pagpupugay.... Ma'am Marinen

Sa ngalan ng buong pamilya ng Durungao Elementary School, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong ilang taong tapat, at buong pusong paglilingkod sa ating paaralan at sa komunidad.

Ang inyong mga taon ng paglilingkod ay nag iwan ng mahahalagang alaala, makabuluhang ambag, at mga aral na mananatili sa puso ng bawat taong inyong nakasama. Ang bawat araw na inyong inilaan sa pagtupad ng inyong tungkulin ay naging bahagi ng paghubog sa ating paaralan at sa buhay ng mga batang inyong tinuruan.

Mam..... Sa pagtatapos ng mahalagang yugto ng inyong paglilingkod, nais naming ipabatid na ang inyong mga sakripisyo, pagsisikap, at dedikasyon ay hindi malilimutan. Maaring magbago ang mga tungkulin at landas na ating tatahakin, ngunit ang mga kabutihang naibahagi at mga alaalang naiwan ay mananatiling bahagi ng kasasaysayan ng Durungao Elementary School.

Ang pamamaalam na ito ay hindi pagtatapos ng ating ugnayan, kundi pasasalamat sa isang makabuluhang kabanata ng inyong buhay paglilingkod. Dalangin namin ang inyong patuloy na tagumpay, mabuting kalusugan, kapayapaan at kaligayahan sa susunod na yugto ng inyong buhay. Nawa'y patuloy kayong maging inspirasyon sa marami, saanman kayo dalhin ng inyong bagong landas. Mahal namin kayo. Godbless po.

Maraming salamat po, LGU Bauan, sa pagkilala at pagpapahalaga sa aming mga g**o! Your support means so much to us.Happy ...
25/10/2026

Maraming salamat po, LGU Bauan, sa pagkilala at pagpapahalaga sa aming mga g**o! Your support means so much to us.

Happy Teachers’ Day! Mabuhay ang mga g**ong patuloy na humuhubog sa kinabukasan ng bawat batang Bauangueño!

SAFER SCHOOLS, STRONGER COMMUNITIES! TOGETHER, WE BUILD A CULTURE OF SAFETY! With unity and a shared commitment to safet...
12/10/2026

SAFER SCHOOLS, STRONGER COMMUNITIES! TOGETHER, WE BUILD A CULTURE OF SAFETY!

With unity and a shared commitment to safety, Durungao Elementary School proudly kicked off the National DepEd School Safety Week on October 12, 2026, during its Monday Flag Ceremony.

The activity was graced by Barangay Captain Arnel E. Maranan, Barangay Councilors and functionaries, SGC and SPTA Officers, learners, and teachers, headed by Dr. Narcita M. Ilao.

Together, let us champion a school environment where every learner and teacher feels safe, prepared, and protected. Because school safety is everyone's responsibility!

Sa ngalan ng Durungao Elementary School, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aming paglahok ...
11/10/2026

Sa ngalan ng Durungao Elementary School, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aming paglahok sa ONE BAUAN MUNICIPAL MEET 2026!

Sa aming mga manlalaro-salamat sa inyong pagsisikap, disiplina, tapang, at pusong lumalaban. Panalo man o hindi, ipinagmamalaki namin ang bawat isa sa inyo. Kayo ang tunay na kampeon ng Durungao ES!

Sa mga magulang - maraming salamat po sa walang sawang suporta, pag-unawa, sakripisyo, at paghikayat sa inyong mga anak. Malaki po ang inyong naging bahagi sa kanilang paghahanda at paglahok.

Sa aming mga SPTA Officers, sa pamumuno ni G. Brydon Casapao, at sa aming SGC President, Gng. Hazel Reforsado, maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta sa mga programa ng ating paaralan.

Kay Brgy. Captain Arnel E. Maranan at sa mga kagalang-galang na Barangay Councilors, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong tulong, suporta, at malasakit sa ating mga batang atleta.

Sa aming School Head. Dr. Narcita M. Ilao, mga masisipag na teachers, coaches, at trainers.. Kay Kuya Ikong, Sir Roy, at Kuya Marvin— maraming salamat sa inyong oras, tiyaga, paggabay, at dedikasyon. Ang inyong pagsisikap ay naging mahalagang bahagi ng paghahanda ng ating mga manlalaro.

Sa lahat ng naglaan ng oras, lakas, talento, at suporta para sa ating mga atleta, HINDI PO KAYANG SUKATIN NG MGA SALITA ANG AMING PASASALAMAT!

Kiel John Lapitan- 2nd Place Single C- Mens Division
Aldren Victorio- 2nd Place Single D- Mens Division
Crizel Boongaling - 2nd Place Single D- Womens Division
Jhames Bautista - 3rd Place Badminton Boys
Sophia Athena Ada- 2nd Place Badminton Girls

Ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga medalya at tropeo, kundi sa pagkakaisa, pagkakaibigan, disiplina, at mga aral na natutuhan ng ating mga kabataan.

Sama-sama nating ipinakita na kapag ang paaralan, mga magulang, barangay, at komunidad ay nagkakaisa, mas maraming pangarap ang nagiging posible!

DURUNGAO ELEMENTARY SCHOOL — ISANG PAMILYA, ISANG PUSO, ISANG LAYUNIN!
Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat! Pagpalain po tayong lahat!





Lubos na nagpapasalamat ang Durungao Elementary School sa Batangas Varsitarian – Durungao Chapter, sa pangunguna ng kani...
08/10/2026

Lubos na nagpapasalamat ang Durungao Elementary School sa Batangas Varsitarian – Durungao Chapter, sa pangunguna ng kanilang butihing Pangulo na si Ginoong Mario Ilagan Jr., sa kanilang mahalagang tulong at suporta para sa Gulayan sa Paaralan.

Maraming salamat po sa inyong oras, malasakit, at patuloy na pakikipagtulungan sa Durungao Elementary School. Tunay na ang bayanihan at pagkakaisa ng paaralan at komunidad ay mahalaga sa paghubog ng mas malusog at mas magandang kinabukasan para sa ating mga anak.

Mula sa buong pamilya ng Durungao Elementary School, maraming-maraming salamat po!

Batangas Varsitarian – Durungao Chapter
Salamat po.

HAPPY TEACHERS’ DAY! A heartfelt thank you and appreciation to our amazing SPTA Officers, SGC Officers, dear parents, an...
06/10/2026

HAPPY TEACHERS’ DAY!

A heartfelt thank you and appreciation to our amazing SPTA Officers, SGC Officers, dear parents, and wonderful students for making the Teachers’ Day Celebration of Durungao Elementary School truly special and memorable.

Your thoughtful surprises, generous efforts, warm greetings, and heartfelt gestures reminded us teachers how meaningful and appreciated our work is. Every smile, gift, message, and act of kindness meant so much to us.

To our SPTA and SGC Officers, parents, and students, thank you for standing with us, supporting us, and being our partners in nurturing and inspiring our learners. Your love and appreciation give us even more reason to continue teaching with passion, dedication, and heart

Indeed, teaching is not just a profession—it is a shared journey made more meaningful through a supportive school community.

Maraming salamat, Durungao ES famil
You made our Teachers’ Day celebration one to remember! 🌷

Happy Teachers’ Day to all our amazing teachers! 👩‍🏫👨‍🏫
Mabuhay ang mga g**o! Mabuhay ang Durungao Elementary School! 💙💛

TALENT. PASSION. EXCELLENCE.  Durungao Elementary School  proudly showcased their talents at the Bauan West Festival of ...
03/10/2026

TALENT. PASSION. EXCELLENCE.

Durungao Elementary School proudly showcased their talents at the Bauan West Festival of Talent 2026, held at Centex Batangas on October 3, 2026!

From solving challenging problems to exploring the world of STEM and expressing creativity through art, our learners proved that every talent deserves a moment to shine!

Mhaezel Joy E. Reforsado – Math Quiz Bee
Sherynna Jhoyce P. Cruz & Renzo Antonio B. Reyes – STEMazing
Lhaura Craeven M. Calvendra – Pinta Husay – 3rd Place Winner 🥉

Congratulations to our talented learners for representing Durungao Elementary School with pride, confidence, and determination! Your achievements make the entire DES Family proud.

A heartfelt appreciation to our very supportive school head Dr. Narcita Ilao dedicated teachers, coaches, parents, and school leaders whose unwavering support continues to inspire our learners to dream, discover, and shine.

Keep shining, young talents! The stage may end, but your journey to excellence continues!








BACKYARD CAMP 2026 - DURUNGAO ELEMENTARY SCHOOL Isang masaya, makabuluhan, at puno ng learning experiences ang Backyard ...
27/09/2026

BACKYARD CAMP 2026 - DURUNGAO ELEMENTARY SCHOOL

Isang masaya, makabuluhan, at puno ng learning experiences ang Backyard Camp ng Durungao Elementary School na ginanap noong September 25–26, 2026!

Sa loob ng dalawang araw, naging makulay ang bawat sandali sa pamamagitan ng iba’t ibang scouting activities, station challenges, games, yells, team-building activities, at iba pang gawaing humubog sa disiplina, leadership, teamwork, pagiging responsable, at camaraderie ng ating mga batang Scouts.

Ang Backyard Camp ay hindi lamang tungkol sa saya at adventure—ito ay pagkakataon upang matutunan ng ating mga Scouts ang kahalagahan ng pagtutulungan, paglilingkod, pagkakaisa, at pagiging handang tumulong sa kapwa.

💚 TAOS-PUSONG PASASALAMAT MULA SA DES FAMILY 💚

Hindi magiging matagumpay ang gawaing ito kung wala ang mga taong bukas-palad na naglaan ng kanilang oras, lakas, suporta, at serbisyo.

Maraming salamat po sa:

-SPTA , sa pamumuno ni Pres. Brydon Casapao, sa patuloy na suporta at pakikiisa;

-School Governance Council (SGC), sa pangunguna ni Pres. Hazel Joy Reforsado, sa walang sawang pakikipagtulungan;

-Pamunuan ng Barangay, sa pangunguna ni Pang. Arnel Maranan, kasama ang mga Konsehal ng Barangay, lalo na si Education Chairman Lamberto De Roxas, at SK Chairperson John Mark Garcia, sa mga Brgy. Tanod na buong gabing nagbantay upang siguruhin ang siguridad ng bawat isa...salamat inyong suporta at presensya;

-BSP Senior Scouts, sa pangunguna ni Ivan Mortel, na naging katuwang sa mga gawain at naging inspirasyon sa ating mga batang Scouts;

-Barangay Health Workers (BHW), sa inyong mahalagang serbisyo at pag-aalaga sa ating mga kalahok;

- At higit sa lahat, sa ating utility na walang pagod na laging handang tumulong—“Tatay IPE”—maraming salamat po sa inyong sipag, tiyaga, at malasakit sa Durungao ES!

Sa lahat ng teachers, parents, stakeholders, volunteers, at iba pang tumulong nang tahimik man o hayagan, MARAMING MARAMING SALAMAT PO! ❤️

Ang inyong oras, suporta, at kabutihan ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating GSP & BSP Backyard Camp 2026.

Sama-sama nating ipinakita na kapag ang komunidad ay nagkakaisa, mas nagiging makabuluhan at matagumpay ang bawat gawain para sa ating mga bata.

“One Patrol • One Goal • Stronger Together!”

— From your DES Family, MARAMING MARAMING SALAMAT PO! ❤️








Address

San Sebastian, Mataas Na Kahoy
Batangas City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Durungao Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share