Barangay Simlong

Directions

Barangay Simlong Official Page of Sangguniang BARANGAY ng SIMLONG by HON. RUFO T. CARAIG

Imbitasyon sa Medical & Dental Mission ng JGSOC📆 Nobyembre 25, 2026🕗 8:00 AM - 3:00 PM📍Covered court, Brgy. Pinamucan Ib...
27/10/2026

Imbitasyon sa Medical & Dental
Mission ng JGSOC

📆 Nobyembre 25, 2026
🕗 8:00 AM - 3:00 PM
📍Covered court, Brgy. Pinamucan Ibaba,Batangas City

📍A Few minutes of your Time may save a Lifetime of Someone else♥️📆 November 4,2026🕗 8:00 AM - 4:00 PM📍Admin 2, JGSOC PLA...
27/10/2026

📍A Few minutes of your Time may save a Lifetime of Someone else♥️

📆 November 4,2026
🕗 8:00 AM - 4:00 PM
📍Admin 2, JGSOC PLANT

BE A HERO, DONATE BLOOD, SAVE LIVES

Taos-pusong nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay Simlong sa lahat ng ating mga kabarangay na nakiisa at dumalo sa nag...
25/10/2026

Taos-pusong nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay Simlong sa lahat ng ating mga kabarangay na nakiisa at dumalo sa naganap na Barangay Assembly Day – 2nd Semester ngayong araw, Oktubre 25, 2026.

Ang inyong pagdalo, pakikiisa, at aktibong pakikilahok ay patunay ng inyong malasakit at pagpapahalaga sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay. Ang Barangay Assembly ay mahalagang pagkakataon upang maibahagi ang mga programa, proyekto, gawain, at mahahalagang impormasyon para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Maraming salamat din sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagtitipong ito. Nawa'y patuloy nating panatilihin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at bukas na komunikasyon sa pagitan ng pamahalaang barangay at ng ating mga nasasakupan.

Sama-sama sa pagkakaisa, sama-sama sa pag-unlad!
Muli, maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at tiwala sa Sangguniang Barangay Simlong.

Magandang araw po.Inaanyayahan po ng Sangguniang Barangay ng Simlong ang bawat SIMLONGUEÑO na makiisa sa ating Barangay ...
23/10/2026

Magandang araw po.

Inaanyayahan po ng Sangguniang Barangay ng Simlong ang bawat SIMLONGUEÑO na makiisa sa ating Barangay Assembly Day na gaganapin ngayong darating na ika-25 ng October 2026 (LINGGO), ika-9:00 ng umaga ito po ay gaganapin sa ating Tanggapan ng Barangay Hall.

Ang inyong presensya at pakikilahok ay mahalaga upang patuloy nating maisulong ang mga programang tunay na makikinabang ang bawat Simlongueño.

Sama-sama tayong magtulungan para sa mas maayos, mas progresibo, at mas nagkakaisang komunidad 💚

Maraming Salamat po 💚

21/10/2026

Magandang araw po!

Baka po may makakapulot or makakakita ng pouch wallet na kulay brown pag mamay-ari po ni Mary Grace Mendoza! Mahalaga po ang mga nilalamang ID's (4P's ATM CARD at iba pang VALID IDs)! Mayroon din po lamang pera! Baka po may makakakita or makakapulot, pakicontact po ng # na eto 09066396374!

Salamat po!

SCHEDULE AND LIST OF DSWD SOCIAL PENSION 3RD QUARTER PAYOUT 2026📣📆 October 23,, 2026 (FRIDAY)🕗 8:00 am - 9:00 am📍Simlong...
21/10/2026

SCHEDULE AND LIST OF DSWD SOCIAL PENSION 3RD QUARTER PAYOUT 2026📣

📆 October 23,, 2026 (FRIDAY)
🕗 8:00 am - 9:00 am
📍Simlong Barangay Hall

Nakalagayy po sa baba ang mga requirements para sa mga representative.Maraming salamat po!

Magandang araw po..Kayo po ay malugod naming iniimbitahang dumalo sa gaganapin po na "Pre-Membership Education Seminar (...
21/10/2026

Magandang araw po..

Kayo po ay malugod naming iniimbitahang dumalo sa gaganapin po na "Pre-Membership Education Seminar (PMES)". Gaganapin po dito sa ating Brgy. Hall, sa October 23, 2026 (Araw ng Biyernes) sa ganap na 2:00 PM ng hapon!

Maraming Salamat po.

Halika na at kilalanin ang pinaka-malaking Agri-based Cooperative sa buong Pilipinas!

Be a SIDC Member, Join Now!
https://emembership.sidc.coop/
𝐷𝑖𝑠𝑐𝑙𝑎𝑖𝑚𝑒𝑟: 𝑃𝑢𝑟𝑠𝑢𝑎𝑛𝑡 𝑡𝑜 𝐷𝑎𝑡𝑎 𝑃𝑟𝑖𝑣𝑎𝑐𝑦 𝐴𝑐𝑡 𝑜𝑓 2012, 𝑡ℎ𝑒 𝑟𝑖𝑔ℎ𝑡𝑓𝑢𝑙 𝑜𝑤𝑛𝑒𝑟 𝑜𝑓 𝑡ℎ𝑒 𝑝ℎ𝑜𝑡𝑜(𝑠) 𝑐𝑜𝑛𝑠𝑒𝑛𝑡𝑒𝑑 𝑡𝑜 𝑡ℎ𝑒 𝑝𝑢𝑏𝑙𝑖𝑐 𝑝𝑜𝑠𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑜𝑓 𝑡ℎ𝑒 𝑝𝑖𝑐𝑡𝑢𝑟𝑒(𝑠). 𝐿𝑖𝑘𝑒𝑤𝑖𝑠𝑒, 𝑡ℎ𝑖𝑠 𝑝𝑜𝑠𝑡 𝑖𝑠 𝑖𝑛𝑡𝑒𝑛𝑑𝑒𝑑 𝑜𝑛𝑙𝑦 𝑓𝑜𝑟 𝑆𝐼𝐷𝐶 𝑎𝑑𝑣𝑒𝑟𝑡𝑖𝑠𝑒𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑎𝑛𝑑 𝑚𝑎𝑟𝑘𝑒𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑟𝑝𝑜𝑠𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝑛𝑜𝑡 𝑓𝑜𝑟 𝑎𝑛𝑦 𝑜𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑝𝑢𝑟𝑝𝑜𝑠𝑒

FYI🔊🔊
15/10/2026

FYI🔊🔊

📢 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐉𝐔𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐀𝐓 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐀𝐏𝐏𝐋𝐈𝐂𝐀𝐍𝐓𝐒 𝐍𝐆 𝐄𝐁𝐃 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐋𝐀𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌! 💚🎓

Bukas, October 16, 2026, ang huling araw ng application para sa EBD Scholarship Program. Paalala na wala nang extension sa application period.

Upang maiwasan ang kalituhan, narito ang mahahalagang paglilinaw tungkol sa inyong application status:
✅ Para sa mga nakapagpasa na ng application bago matapos ang October 16, 2026, patuloy pa ring ie-evaluate ang inyong application kahit sarado na ang application period. Hindi nangangahulugang rejected na ang inyong application kung ang status ay “Under Evaluation” o hindi pa ito approved.
✅ Kung ang inyong application ay naka under compliance ang status ay maaari pa rin kayong magpasa ng mga ito kahit tapos na ang deadline.

⚠️ 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀:
Para sa mga hindi pa nakagagawa ng account o hindi pa nakakapag-register, siguraduhing gawin ito at makapagsumite ng application bago matapos ang application period sa October 16, 2026. Ang mga magrerehistro o gagawa ng account pagkatapos ng deadline ay hindi na tatanggapin, at ang kanilang application ay mare-reject.

🌐 𝐄𝐁𝐃 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐏𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥:
https://ebdscholarshipprogram.com/

🕗 Bukas ang portal tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Huwag nang hintayin ang huling oras! Para sa mga hindi pa nakakapag-apply, samantalahin ang natitirang oras upang makapag-register at makapagsumite ng requirements.

14/10/2026

PAALALA📢

Para po sa mga SENIOR na magpapay out bukas, paki-DOBLE (2) po ng kopya ng inyong dadalhing requirements!

Salamat po!

14/10/2026

Magandang araw, mga Ilihano!

Narito po ang schedule ng ating LTO E-Patrol Caravan simula October 17–21, 2026, sa Barangay Ilihan Multipurpose Sports Complex.

Tingnan po ang poster para sa detalye ng mga serbisyo. Maraming salamat po!

Address

Brgy. Simlong
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Simlong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share