Batangas City Public Market Official

Batangas City Public Market Official

Share

Office of the City Market Administrator Batangas City

23/06/2026

π˜Ύπ™€π™£π™œπ™§π™–π™©π™ͺπ™‘π™–π™©π™žπ™€π™£π™¨!
Atty. Victor Reginald "RD" A. Dimacuha.

-OCMA

Congratulations!
Atty. Victor Reginald "RD" A. Dimacuha

Photos from Batangas City Public Market Official's post 18/06/2026

𝑩𝒖𝒐 π’‚π’π’ˆ 𝒔𝒖𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂 π’π’ˆ π‘·π’‚π’Žπ’Šπ’π’Šπ’‰π’‚π’π’ˆ π‘·π’‚π’π’π’–π’π’ˆπ’”π’π’… 𝒔𝒂 π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’‚π’Žπ’‚π’π’ˆ #π‘Ήπ’†π’…π’–π’„π’†π‘·π’π’‚π’”π’•π’Šπ’„ π’π’ˆ π‘Άπ’‡π’‡π’Šπ’„π’† 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 π‘ͺπ’Šπ’•π’š π‘¬π’π’—π’Šπ’“π’π’π’Žπ’†π’π’• 𝒂𝒏𝒅 𝑡𝒂𝒕𝒖𝒓𝒂𝒍 𝑹𝒆𝒔𝒐𝒖𝒓𝒄𝒆𝒔 π‘Άπ’‡π’‡π’Šπ’„π’†π’“ (OCENRO).

Sama-sama nating bawasan ang paggamit ng plastik at ugaliing magdala ng sariling eco bag para sa mas malinis at mas luntiang komunidad. πŸŒ±πŸ›οΈ



15/06/2026

Maligayang Pagbati, Batangas – Lungsod Kong Mahal!

Mabuhay ang Batangas City! Mabuhay ang mga BatangueΓ±o!


Congratulations!
Tingnan ang buong detalye sa comment section

Photos from Batangas City Public Market Official's post 07/06/2026

π˜Ύπ™Šπ™ˆπ™‹π™‡π™„π˜Όπ™‰π™!

Noong Hunyo 4, 2026, nagsagawa ng inspeksyon ang mga kinatawan ng π‘«π’†π’‘π’‚π’“π’•π’Žπ’†π’π’• 𝒐𝒇 π‘¨π’ˆπ’“π’Šπ’„π’–π’π’•π’–π’“π’† (𝑫𝑨) sa π‘·π’‚π’Žπ’Šπ’π’Šπ’‰π’‚π’π’ˆ π‘·π’‚π’π’π’–π’π’ˆπ’”π’π’… π’π’ˆ π‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ’‚π’” upang tiyakin ang pagpapatupad at pagsunod sa π‘¬π’™π’†π’„π’–π’•π’Šπ’—π’† 𝑢𝒓𝒅𝒆𝒓 𝑡𝒐. 118, na nagtatakda ng pansamantalang price ceiling na β‚±50 π’Œπ’‚π’…π’‚ π’Œπ’Šπ’π’ 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 π’Šπ’Žπ’‘π’π’“π’•π’†π’… π’“π’Šπ’„π’† 𝒏𝒂 π’Žπ’‚π’š 5% π’ƒπ’“π’π’Œπ’†π’ π’ˆπ’“π’‚π’Šπ’π’”. Ang kautusang ito ay ipinatupad upang mapigilan ang hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng bigas, maiwasan ang mapanlamang na gawain sa merkado, at matiyak na may sapat at abot-kayang suplay ng bigas para sa mga mamimili.

Sa isinagawang monitoring at validation, napatunayang sumusunod ang mga rice retailers at stall owners ng Batangas City Public Markets sa mga itinakdang probisyon ng EO 118, kabilang ang tamang pagpepresyo ng imported rice at maayos na pagpapakita ng mga presyo sa kanilang mga pwesto. Ang positibong resulta ng inspeksyon ay sumasalamin sa kooperasyon ng mga negosyante at ng Tanggapan ng Pamilihang Panlungsod sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan na naglalayong protektahan ang kapakanan ng mga mamimili at mapanatili ang katatagan ng presyo ng pangunahing bilihin.

Patuloy namang makikipagtulungan ang Tanggapan ng Pamilihang Panlungsod sa Department of Agriculture at iba pang kinauukulang ahensya upang masiguro ang mahigpit na pagsunod sa mga umiiral na regulasyon at mapanatili ang patas, maayos, at makatarungang kalakalan sa loob ng pamilihan.

Photos from Batangas City Public Market Official's post 05/06/2026

Sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating Pamilihang Panlungsod, lubos na nagpapasalamat ang Office of the City Market Administrator sa Batangas Varsitarian sa kanilang patuloy na pakikiisa, pagtulong, at suporta sa mga programa at gawain ng pamilihan sa pamamagitan ni Pangulong Bhoy Catipon at ang bumubuo ng Batangas City Old Public Market Vendors Association.

Kahapon, Hunyo 4, 2026, naging katuwang sila ng tanggapan sa pagsasagawa ng β€œGeneral Cleaning” sa Old Public Market. Sa pamamagitan ng kanilang boluntaryong serbisyo at malasakit sa komunidad, higit na napapanatili ang kalinisan at kaayusan ng pamilihan para sa kapakinabangan ng mga mamimili, tindero, at iba pang stakeholders nito.

01/06/2026

Lagi pong available ang fresh Sharmaine kasama ng kanyang mga kaibigang prutas sa ating Pamilihang Panlungsod. 🧑🍊

Photos from Batangas City Public Market Official's post 01/06/2026

Malugod na tinanggap ng Tanggapan ng Pamilihang Panlungsod ng Batangas sa pangunguna ni City Market Administrator Ms. Marie Shanttelle C. Antenor katuwang ang butihing Punong Lungsod Mayor Marvey A. MariΓ±o at Congresswoman Beverley Rose A. Dimacuha ang mga kinatawan mula sa Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas noong ika-28 ng Mayo 2026 para sa isang benchmarking activity na isinagawa sa mga pampublikong pamilihan ng Batangas City.

Layunin ng aktibidad na ito na maibahagi at matalakay ang mga polisiya at pinakamahuhusay na pamamaraan sa pamamahala ng pamilihan, kabilang ang pagpapatupad ng Batangas City Revenue Code na nagsisilbing batayan sa wastong paniningil ng mga bayarin sa pamilihan.

Bukod dito, nagkaroon din ng market tour upang personal na makita ng mga delegado ang aktwal na operasyon ng Luma at Bagong Palengke sa lungsod. Sa pamamagitan nito, nabigyan sila ng pagkakataong masuri ang mga proseso, serbisyo, at mga programang ipinatutupad para sa kapakanan ng mga stallholders at mamimili.

Ang benchmarking activity na ito ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang makapagbahaginan ng kaalaman, karanasan, at mga pinakamahusay na kasanayan sa pamamahala ng pamilihan na maaaring makatulong sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo publiko sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan. Isa ang delegasyon ng Lungsod ng Sto. Tomas sa ilan ng mga delegasyon ng iba’t-ibang bayan at lungsod na nagsagawa ng Benchmarking activity sa ating mga pamilihang panlungsod ng Batangas.

Photos from Batangas City Public Market Official's post 26/05/2026

Ang Tanggapan ng Pamilihang Panlungsod ay nagsagawa ng masusing monitoring, inspection, at calibration ng mga timbangan sa mga talipapa sa Batangas City. Layunin ng aktibidad na ito na matiyak na ang lahat ng ginagamit na timbangan ng mga tindera at mangangalakal ay tama at naaayon sa itinakdang standard na timbang. Sa pamamagitan nito, masisiguro ang patas na transaksyon sa pagitan ng mga nagbebenta at mamimili, at mapoprotektahan ang interes ng mga konsyumer laban sa kulang o maling timbang ng mga produkto. Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang kaayusan, tiwala, at transparency sa operasyon ng mga pamilihan sa lungsod.

Photos from Office of the City Agriculturist, Batangas City - FITS Center's post 21/05/2026
09/05/2026

Batangas City Public Markets never goes out of style! ✨

Want your business to be the top-listed Government Service in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Batangas City
4200