23/10/2026
GENERAL NAKAR DISTRICT JAIL, NAKIKIISA SA PUBLIC HEARING PARA SA JAIL PERIMETER SMOKE-FREE AND VAPE-FREE ZONE ORDINANCE OF 2026
Matagumpay na lumahok ang General Nakar District Jail sa isinagawang Public Hearing kaugnay ng panukalang “Jail Perimeter Smoke-Free and Vape-Free Zone Ordinance of 2026” noong Oktubre 23, 2026, sa Sangguniang Bayan ng General Nakar, Quezon.
Pinangunahan ni Honorable Winnie Villareal, Chairman ng Committee on Peace and Order, kasama si Honorable Abegail S. Astejada, ang pagdinig na naglalayong talakayin ang panukalang ordinansa para sa pagpapatupad ng smoke-free at v**e-free zone sa paligid ng pasilidad ng piitan.
Layunin din ng panukalang ordinansa na maipaalam nang maaga sa mga kinauukulan ang mga alituntunin at posibleng ipatupad na pagbabawal sa paninigarilyo at paggamit ng v**e sa itinakdang lugar, lalo na sa mga kamag-anak at iba pang dumadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay na kasalukuyang nakapiit. Sa pamamagitan nito, mabibigyan sila ng sapat na kaalaman upang makapaghanda at makasunod sa mga patakarang naglalayong mapanatili ang kaligtasan, kalinisan, at kaayusan sa paligid ng piitan.
Kinatawan ng General Nakar District Jail si Jail Chief Inspector HARRY C BALLON, kasama ang walong (8) tauhan, bilang pagpapakita ng patuloy na pakikiisa ng tanggapan sa mga programang nagtataguyod ng kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng komunidad.
Sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan ng General Nakar District Jail, sa ilalim ng pamumuno ni Jail Chief Inspector HARRY C BALLON, inaasahang maipagpapatuloy ang pagtalakay sa panukalang ordinansa sa susunod na Committee Hearing na nakatakda sa Lunes, Oktubre 26, 2026, bilang bahagi ng proseso tungo sa posibleng pagpapatibay nito.
Patuloy ang General Nakar District Jail sa pakikiisa at pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang maisulong ang mga hakbang na naglalayong mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL), kanilang mga pamilya, at ng buong komunidad.