Barangay Poblacion Gen.Nakar

Directions

Barangay Poblacion Gen.Nakar Sangguniang barangay-Poblacion

Mga kuhang larawan sa naganap na 2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY na ginanap ngayong araw ika-24 ng Oktubre 2026 na may te...
24/10/2026

Mga kuhang larawan sa naganap na 2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY na ginanap ngayong araw ika-24 ng Oktubre 2026 na may temang “MAKIALAM,MAKILAHOK,MAKIISA.”

Ito po ay pinangunahan ng ating butihing Punong Barangay Kgg. Andy P. Poblete kasama ang masisipag na Sangguniang Barangay ng Poblacion at ang suporta ng mga appointed official.

Nagpapasalamat po ang Sangguniang Barangay ng Barangay Poblacion unang una po sa ating Panginoong Diyos na gumabay sa atin upang maging matagumpay ang katatapos nating gawain pangalawa po sa ating mga kabarangay na laging nakasuporta sa mga ganitong gawain at sa pakikisangkot sa mga talakayan. Mahalaga po ang inyong mga suhistyon, komento at opinyon upang mas mapabuti pa po ang aming pamumuno para po sa kaayusan, kaunlaran at kapayapaan ng ating komunidad.

Pasasalamat din po sa ating mga naging panauhin, PMSG Maria Eleonor C. Purpura at PMSG Mateo T. Valera mula sa PNP-Gen. Nakar,ganun din po sa ating mga Sangguniang Bayan Members, Kgg. Brenda Rillion at Kgg. John Rey A. Calzado, salamat po sa inyong mensahe at ibinahagi para sa aming mga kabaranggay ganun din kay Kgg. Hero Juko Avellaneda na nagpaabot sa pamamagitan ni Gng. Norma J. Sebuc, Kgg. Win Villareal salamat po. Maraming salamat po MAO sir John Leo Tena sa napaka makabuluhang mensahe at impormasyon na inyo pong ibinahagi sa amin at sa aming mga kabaranggay.

Salamat po sa palagiang presensya ng dalawang naging ina ng Brgy.Poblacion, dating Kapitana Adoracion C. Luzano at dating Kapitana Alexia L. Marquez, salamat po sa inyong partisipasyon. At kay EA Efren J. Pujeda maraming salamat po sa inyong ipinaabot para sa ating mga kabarangay sa pamamagitan ni Kagawad Vince Floyd D. Pujeda. Pasasalamat din po sa ating minamahal na Punong Bayan Kgg. Alfredo J. Pujeda.

Sa kabuoan po ay maayos na nakapag-ulat ang ating Punong Barangay Kgg. Andy P. Poblete, ang ating SK Chairperson Kgg. Avery D. Pujeda at ang ating Ingat-Yaman Gng. Joan S. Evardome. Maraming salamat po sa matagumpay na Barangay Assembly ngayong ika-24 ng Oktobre 2026.

Mga kabaranggay patuloy po kaming humihingi ng inyong suporta at pakikiisa sa susunod pang dalawang taon ng aming panunungkulan. Mabuhay po tayong lahat sa isang maayos, maunlad at payapang komunidad.

Maraming salamat po.

PARA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY POBLACION GENERAL NAKAR QUEZON .Kayo ay malugod na inaanyayahan para sa isasagawa...
21/10/2026

PARA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY POBLACION GENERAL NAKAR QUEZON .

Kayo ay malugod na inaanyayahan para sa isasagawang 2nd ASSEMBLY 2026

Kailan: ika- 24 ng Oktobre 2026
Araw : SABADO
Oras: 1:00 ng hapon
Saan: Barangay Hall ng Barangay Poblacion General Nakar Quezon

HALINA AT MAKIISA MAKIGALAK SA GAGAWING ASSEMBLY!!!

Mosquito Fogging sa pangunguna ni kapitan Andy P. Poblete Kasama ang Sanggunian barangay na ginanap kanina ika -16 ng Ok...
16/10/2026

Mosquito Fogging sa pangunguna ni kapitan Andy P. Poblete Kasama ang Sanggunian barangay na ginanap kanina ika -16 ng Oktobre 2026 sa General Nakar Central Elementary School.

Taos pusong bumabati ang  Sanggunian ng Barangay Poblacion Gen.Nakar sa pangunguna ng aming Punong Barangay Kap. Andy Po...
12/10/2026

Taos pusong bumabati ang Sanggunian ng Barangay Poblacion Gen.Nakar sa pangunguna ng aming Punong Barangay Kap. Andy Poblete ng isang mapayapa, malusog at maligayang kaarawan sa aming minanahal na Punong Bayan Mayor Alfredo J. Pujedađź’śđź’śđź’ś

Happy Birthday Mayor! God bless you po!🎂🎉🎊

28/09/2026
Standard First Aid & Basic Life Support Training Day 3.Graduation day!
25/09/2026

Standard First Aid & Basic Life Support Training Day 3.
Graduation day!

Standard First Aid & Basic Life Support Training Day 2
25/09/2026

Standard First Aid & Basic Life Support Training Day 2

Standard First Aid & Basic Life Support Training Day 1
23/09/2026

Standard First Aid & Basic Life Support Training Day 1

Address

Brgy. Poblacion
General Nakar
4338

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Poblacion Gen.Nakar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share