Vice Mayor Ma. Ester Marin Catorce

Vice Mayor Ma. Ester Marin Catorce

Share

Official page of Vice Mayor Ma. Ester Marin Catorce of the City of Koronadal.

Presiding Officer of the Sangguniang Panlungsod, committed to honest leadership, transparent governance, and genuine serbisyo publiko for every Koronadaleรฑos.

01/06/2026

48th Regular Session of the 9th Sangguniang Panlungsod- City of Koronadal

01/06/2026

Hello, June! โœจ

A new month to embrace fresh opportunities, brighter days, and new beginnings.


Photos from Vice Mayor Ma. Ester Marin Catorce's post 31/05/2026

๐Œ๐€๐’ ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐€ ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž, ๐…๐‘๐„๐„ ๐‹๐„๐†๐€๐‹ ๐€๐“ ๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐‚๐Ž๐๐’๐”๐‹๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐‡๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐๐ˆ ๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹๐Ž๐‘ ๐Ž๐†๐„๐๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐’๐€๐‘๐€๐•๐ˆ๐€

Mas pinatatag at mas pinalakas na serbisyong legal at medikal ang naging handog ni Councilor Atty. Suellen C. Ogena para sa mga mamamayan ng Barangay Sarvia.

Ang Free Legal Consultation at Free Medical Consultations ay isinagawa sa Barangay Sarvia Gymnasium bilang pagdiriwang sa Motherโ€™s Day Special. Katuwang sa malaking programang ito ang mga abogado at doktor na nagbigay ng direktang tulong sa mga residente.

Bukod sa mga usaping legal at kalusugan, dinagsa din ang aktibidad dahil sa mga hatid na Free Haircut, Free Massage, at Free Manicure. Nagkaroon din ng raffle draw na naghatid ng karagdagang saya sa mga dumalo.

Nakiisa at nagpakita ng buong suporta sa programa si Vice Mayor Ma. Ester Marin Catorce. Binigyang-diin ng Bise Mayor na naniniwala siya na ang ganitong mga programa ay isa sa mga pinakaepektibong inisyatibong hakbang na ginawa ni Councilor Ogena upang mabigyan ng kaalaman sa batas at kalusugan ang bawat isa.

Katuwang din sa pagtataguyod ng matagumpay na aktibidad ang Pamahalaang Barangay sa pamumuno ni Punong Barangay Hon. Ruel U. Artil.


30/05/2026

๐Š๐Ž๐‘๐Ž๐๐€๐ƒ๐€๐‹ ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐„: ๐Š๐๐‚๐‡๐’ ๐–๐€๐‘๐‘๐ˆ๐Ž๐‘๐’, ๐๐€๐†๐ƒ๐€๐‹๐€ ๐๐† ๐Š๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐’๐€ ๐’๐Ž๐—

Ipinamalas ng mga atletang mula sa Koronadal National Comprehensive High School (KNCHS) ang kahanga-hangang husay matapos manatiling walang talo sa kanilang kampanya sa Sepak Takraw Boys Secondary Team Event ng Palarong Pambansa 2026, na naging mahalagang salik sa pagkakamit ng gintong medalya ng SOX Warriors.

Binubuo ang koponan nina Jan Gabriel R. Hidalgo (Brgy. Saravia), Jerald Owen Evangelio (Brgy. Concepcion), Lance Britos (Brgy. Carpenter Hill), at Efren Patrick Pinto (Brgy. Caloocan), na nagpakita ng matinding disiplina, teamwork, at consistency sa buong kompetisyon. Sa bawat laban, ipinamalas nila ang solidong koordinasyon at determinasyon upang manatiling dominante sa torneo.

Sa gabay ni Coach Mawe Adaniel, masusing hinasa ang kakayahan at diskarte ng mga atleta upang makasabay at mangibabaw sa matitinding laban sa national level competition.

Ang kanilang walang talong kampanya ay nagsilbing pundasyon ng tagumpay ng SOX Warriors na nagresulta sa gintong medalya sa team event, na nagbigay ng karangalan hindi lamang sa KNCHS kundi sa buong SOCCSKSARGEN Region XII.



Photos from Vice Mayor Ma. Ester Marin Catorce's post 30/05/2026

Bilang isang rehiyon, hindi na iba sa atin ang maging unang tagahanga at pinakamalaking tagasuporta ng ating mga atleta. Sa bawat laban, panalo man o pagkatalo, kasama nila tayo sa pagdiriwang, pananalangin, at paghanga sa kanilang ipinakitang husay, katatagan, at pagmamahal sa ating rehiyon.

Isang taos-pusong pagpupugay at pasasalamat para sa ating mga minamahal na atleta ng Lungsod ng Koronadal at buong Rehiyon Dose na buong pusong lumaban at nagbigay ng karangalan sa Palarong Pambansa 2026.

Hindi man lahat ay umuwi na may medalya, ngunit bawat isa sa inyo ay tunay na kampeon sa ating mga mata. Ang inyong sakripisyo, dedikasyon, disiplina, at walang sawang pagsusumikap ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa inyong mga pamilya at paaralan kundi sa buong sambayanan ng SOCCSKSARGEN.

Your courage, discipline, and determination reflect the true spirit of a champion. Ang bawat laban na inyong hinarap, bawat pawis na inyong ibinuhos, at bawat hamong inyong nalampasan ay patunay ng katatagan, husay, at determinasyon ng kabataang Pilipino.

Lubos din ang ating pasasalamat sa mga coach, g**o, magulang, trainers, staff, at lahat ng mga taong naging bahagi ng paghubog, paggabay, at pagsuporta sa ating mga atleta. Kayo ang naging matatag na sandigan sa likod ng bawat laban, tagumpay, at pangarap na kanilang tinatahak.

The success of our athletes is also the success of our collective effort as one community.

Ang bawat medalya, bawat pagkilala, at bawat karangalang naiuuwi ng ating mga atleta ay bunga ng sama-samang sakripisyo, pagtutulungan, at pagmamahal ng buong komunidad. Ito ay tagumpay nating lahat bilang isang rehiyon na nagkakaisa sa pag-abot ng tagumpay.

Mabuhay ang ating mga atleta. Mabuhay ka, Rehiyon Dose!


30/05/2026

๐‡๐ˆ๐’๐“๐Ž๐‘๐˜ ๐Œ๐€๐Š๐„๐‘ ๐’๐“๐„๐•๐„๐ ๐Ž๐€๐†๐ƒ๐€๐, ๐๐€๐’๐”๐๐†๐Š๐ˆ๐“ ๐€๐๐† ๐’๐ˆ๐‹๐•๐„๐‘ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹ ๐’๐€ ๐–๐‘๐„๐’๐“๐‹๐ˆ๐๐† ๐„๐•๐„๐๐“!

Muling naghatid ng karangalan para sa Lungsod ng Koronadal at SOCCSKSARGEN Region XII si matapos masungkit ang silver medal sa Wrestling Event ng Palarong Pambansa 2026.

Sa pamamagitan ng kanyang husay, disiplina, at matinding determinasyon sa bawat laban, matagumpay na naitaas ni Oagdan ang bandera ng Lungsod ng Koronadal at ng rehiyon sa pambansang kompetisyon. Ang kanyang natamong medalya ay patunay ng kanyang dedikasyon at walang sawang pagsisikap sa larangan ng wrestling.

Ang makasaysayang tagumpay na ito ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang atleta ng Lungsod ng Koronadal at buong SOCCSKSARGEN na patuloy na mangarap, magsikap, at magbigay ng karangalan sa kanilang komunidad at rehiyon.



30/05/2026

๐๐š๐’๐Ž๐—! ๐Š๐Ž๐‘๐Ž๐๐€๐ƒ๐€๐‹ ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐„ ๐‰๐€๐‘๐„๐‹๐‹ ๐Œ๐€๐‘๐Š ๐€๐๐‚๐€๐‰๐€๐’, ๐๐€๐’๐”๐๐†๐Š๐ˆ๐“ ๐€๐๐† ๐†๐ˆ๐๐“๐Ž๐๐† ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹๐˜๐€ ๐’๐€ ๐๐Ž๐—๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Nasungkit ni Jarell Mark Ancajas ng SOX Warriors na kumakatawan sa SOCCSKSARGEN Region XII ang gintong medalya sa Boxing Boys 48โ€“50 kg category sa Palarong Pambansa 2026.

Ipinamalas ni Ancajas ang husay, disiplina, at tibay ng loob sa buong kompetisyon upang manaig sa kanyang mga kalaban sa loob ng ring at makuha ang pinakamataas na parangal. Ang kanyang panalo ay bunga ng matinding paghahanda at determinasyon sa laban.

Ang kanyang tagumpay ay nagbigay ng karagdagang karangalan sa kampanya ng SOX Warriors at sa buong Region XII sa nasabing national sports event.

Si Ancajas ay mula sa Koronadal at isang atleta ng Koronadal National Comprehensive High School (KNCHS), na ginabayan ng kanyang mga coaches at SOX Warriors coaching staff sa kanyang paghahanda at paglahok sa kompetisyon.



Photos from Iskolar ng Koronadal- Kabugwason Paglaum Program's post 30/05/2026

๐’๐Š๐Ž ๐๐”๐€๐‹๐ˆ๐…๐˜๐ˆ๐๐† ๐„๐—๐€๐Œ๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โ€“ ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ

Kasalukuyang ginaganap ang Day 2 ng ISKO Qualifying Examination para sa School Year 2026โ€“2027 sa ๐Š๐จ๐ซ๐จ๐ง๐š๐๐š๐ฅ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ซ๐ž๐ก๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ž ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ โ€“ ๐’๐‡๐’ ๐’๐“๐„๐Œ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ .

Patuloy na isinasagawa ang pagsusulit habang sinisig**o ni ๐ˆ๐’๐Š๐Ž ๐’๐ž๐œ๐ซ๐ž๐ญ๐š๐ซ๐ฒ, ๐Œ๐ซ. ๐‘๐จ๐›๐ž๐ซ๐ญ ๐‰๐š๐ฒ ๐•๐š๐ฅ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐ž, kasama ang mga technical staff, ang maayos at organisadong implementasyon ng examination para sa lahat ng mga aplikante.

Bumisita rin si ๐Œ๐ซ. ๐๐ฒ๐ฅ๐›๐ข๐ง ๐๐š๐ฒ๐ฅ๐จ๐ง, ๐ˆ๐’๐Š๐Ž-๐Š๐๐ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐จ๐š๐ซ๐ ๐Œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ โ€“ ๐”๐ซ๐›๐š๐ง ๐๐จ๐จ๐ซ ๐‘๐ž๐ฉ๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž, sa venue upang magbigay ng suporta at personal na masaksihan ang maayos na pagpapatupad ng

Iskolar ng Koronadal โ€“ Kabugwason Paglaum Program.
Good luck sa lahat ng future ISKO Scholars!

30/05/2026

๐’๐Ž๐— ๐–๐€๐‘๐‘๐ˆ๐Ž๐‘๐’, ๐๐€๐’๐”๐๐†๐Š๐ˆ๐“ ๐€๐๐† ๐†๐ˆ๐๐“๐Ž๐๐† ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹๐˜๐€ ๐’๐€ ๐’๐„๐๐€๐Š ๐“๐€๐Š๐‘๐€๐– ๐๐Ž๐˜๐’ ๐’๐„๐‚๐Ž๐๐ƒ๐€๐‘๐˜ ๐“๐„๐€๐Œ ๐„๐•๐„๐๐“

Matagumpay na nasungkit ng SOX Warriors ng SOCCSKSARGEN Region XII ang gintong medalya at championship title sa Sepak Takraw Boys Secondary Team Event ng Palarong Pambansa 2026 matapos ang kanilang kahanga-hangang kampanya sa kompetisyon.

Sa laban para sa championship title, ipinakita ng SOX Warriors ang kanilang husay at matinding determinasyon nang talunin nila ang CARAGA Region sa iskor na 2-0. Kapwa nagwagi ang Regu A, na binubuo ng mga atleta mula sa Koronadal National Comprehensive High School (KNCHS), at ang Regu B, na binubuo ng mga atleta mula sa Tboli at Polomolok, upang tiyakin ang gintong medalya at championship title para sa Region XII.

Malaki rin ang naging ambag ng mga KNCHS Warriors sa matagumpay na kampanya ng koponan, na nagbigay ng karangalan hindi lamang sa kanilang paaralan kundi maging sa buong rehiyon.

Pinangunahan ang koponan ni Coach Jade Cesar M. Sulan sa tulong ni Assistant Coach Manuel R. Adaniel V.

Mabuhay ang atletang SOX! ๐Ÿฅ‡



Want your business to be the top-listed Government Service in Koronadal?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Room 408, 4th Floor City Hall Of Koronadal
Koronadal
9506