08/06/2026
𝘼𝙮𝙖 𝙡𝙖 𝙢𝙖𝙮 𝙞𝙗𝙖𝙗𝙖𝙜𝙖 𝙢𝙞, 𝙖𝙮𝙖 𝙡𝙖 𝙢𝙖𝙮 𝙖𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙧𝙚𝙣 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙖𝙮𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙣𝙜𝙞𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩 𝙚𝙙 𝙋𝙖𝙡𝙖𝙧𝙞𝙨𝙞𝙖𝙣𝙨 𝙣𝙖 𝙡𝙞𝙣𝙢𝙤𝙤𝙧 𝙚𝙙 𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙨𝙚𝙢𝙚𝙨𝙩𝙧𝙚 𝙖 𝙢𝙖𝙗𝙞𝙨𝙠𝙚𝙜.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa matataas na marka, kundi para sa tiyaga, disiplina, at katatagang ipinakita ninyo sa bawat hamon ng semestre. Sa kabila ng mga deadline, pagsusulit, pagod, at mga laban na hindi nakikita ng iba, pinili ninyong magpatuloy at bunuin ang semestre nang may husay at determinasyon.
Bilang mga Iskolar ng Bayan, patuloy ninyong pinatutunayan na ang tagumpay ay bunga ng sipag, sakripisyo, at malasakit sa pagkatuto.
𝐏𝐚𝐝𝐚𝐲𝐨𝐧, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐢𝐬𝐢𝐚𝐧𝐬! 🌻✨
𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐚𝐝𝐞𝐦𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐡𝐢𝐞𝐯𝐞𝐫𝐬! 🎉💖⭐️
Caption by: Judie Marie Gambito
Layout by: Micah Macalanda
05/06/2026
𝙍𝙚𝙖𝙙𝙮, 𝙎𝙚𝙩, 𝗕𝗟𝗔𝗦𝗧! 🎮💥
👾 Players, stack up! A transformative learning experience is loading to equip you with tools and knowledge for your upcoming college puzzle. 🧩🎓
🧠 Ready your mind.
⏰ Set your alarms.
⚡️ Brace for the blast!
𝙎𝙩𝙖𝙩𝙪𝙨: 𝙇𝙖𝙪𝙣𝙘𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙫𝙚𝙧𝙮 𝙨𝙤𝙤𝙣...
🟥🟥🟥🟥🟥🟥🟥🟥🟥⬜️ 90%
04/06/2026
𝙆𝙖𝙥𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙞𝙜 2026: 𝙂𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝘽𝙞𝙮𝙖𝙝𝙚 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣𝙞𝙝𝙖𝙣
Ang Kappanalig ay taunang programang inilulunsad ng 𝙐𝙋 𝙆𝙖𝙥𝙥𝙖 𝙋𝙝𝙞 𝙎𝙞𝙜𝙢𝙖 – 𝘾𝙤𝙣𝙨𝙚𝙧𝙫𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙙 𝘿𝙚𝙫𝙚𝙡𝙤𝙥𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙚𝙩𝙮 (UP KPS-CDS) na naglalayong mangalap ng pondo at materyal na tulong para sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan. Higit pa sa simpleng donasyon, ito ay isang panawagan ng pakikiisa. Isang paalala na sa gitna ng krisis, ang tunay na lakas ng bayan ay nagmumula sa sama-samang pagkilos at pagtindig para sa isa’t isa.
Ngayong taon, dala ng temang “Gulong ng Kabuhayan, Biyahe ng Bayanihan” na gaganapin sa Mayo 24, 2026, nakatuon ang Kappanalig 2026 sa isa sa mga sektor na lubhang naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis—ang ating mga tsuper. Sa Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna, 60 tsuper ng tricycle mula sa LBSTODA ang napiling maging pangunahing benepisyaryo ng programa.
Sa kasalukuyan, kapansin-pansin ang bigat ng kanilang kinakaharap: mula sa dating halos ₱1000 na kita sa isang araw, marami sa kanila ang kalahati na lamang o mas mababa pa ang naiuuwi. Kasabay nito, dumoble ang kanilang gastos sa gasolina. Mula sa humigit-kumulang ₱200 noon, umaabot na ito ngayon sa ₱450–₱500 kada araw. Sa kabila ng pangakong tulong mula sa gobyerno, sila ay hindi pa rin nakakatanggap ng ipinangakong subsidy. Dahil dito, napipilitan silang magsakripisyo, maging sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya tulad ng pagkain.
Sila ang araw-araw nating kasama sa biyahe. Sa pagpasok sa paaralan, sa trabaho, at sa bawat galaw ng ating komunidad. Ngunit sa likod ng kanilang serbisyo ay isang tahimik na pakikibaka para sa kabuhayan.
Kaugnay nito, taos-puso naming inaanyayahan ang mga organisasyon, kompanya, at indibidwal na maging aming partners at sponsors sa proyektong ito. Ang inyong suporta, maaaring pinansyal, in-kind, o sa anyo ng kolaborasyon ay direktang makatutulong sa pagbibigay ng makabuluhang tulong sa aming mga benepisyaryo at sa pagpapatibay ng diwa ng bayanihan sa komunidad.
Sa huli, ang Kappanalig ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay. Ito ay tungkol sa pakikiisa sa laban ng mga sektor na patuloy na nagsisilbi sa atin.
Dahil ang laban ng tsuper ay laban din ng komyuter.
📩 Para sa partnerships at sponsorships, makipag-ugnayan lamang sa amin sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected]
01/05/2026
PAKINGGAN AT SUMAMA SA PAKIKIBAKA NG URING MANGGAGAWA!
Ngayong Mayo Uno, buong pagkakaisa nating inilalahad na ang araw na ito ay para sa uring manggagawa, ang gulugod ng ating lipunan at pangunahing tagalikha ng yaman ng bansa. Sila ang patuloy na nagpapagalaw sa ekonomiya, subalit nananatiling api, pinagsasamantalahan, at ipinagkakait ang makataong kabuhayan dahil sa mga naghaharing uri.
Sa kabila ng kanilang mahalagang ambag, matindi pa rin ang kinakaharap nilang pang-aabuso sa pagawaan. Napakababa na nga ng minimum wage, kinakaltasan pa ito ng buwis buwan-buwan. Sa Southern Tagalog, nananatiling hindi sapat ang arawang sahod na hindi man lamang umaabot sa tunay na living wage na kinakailangan upang mabuhay nang marangal. Idagdag pa ang laganap na kontraktuwalisasyon, isang sistemang nagkakait ng seguridad sa trabaho, benepisyo, at karapatan ng milyun-milyong manggagawa.
Sa gitna pa ng lumalalang krisis sa langis dulot ng agresyon at giyera ng mga imperyalistang kapangyarihan tulad ng Estados Unidos at Israel sa Iran, lalong pinapasan ng mga manggagawa ang bigat ng krisis. Walang tigil ang pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin. Habang ang gobyerno ay nananatiling inutil at bulag sa paghihirap ng mamamayan, patuloy nitong ipinapataw ang mga pabigat tulad ng Value Added Tax (VAT) at excise tax na mga patakarang lalong nagpapalubog sa uring manggagawa sa kahirapan.
Sa harap ng ganitong kalagayan, buong lakas na nakikiisa ang Alliance of Varsitarian Organizations (AVO) sa laban ng mga manggagawa. Kinikilala natin na sila ang tunay na puwersang nagpapatakbo sa lipunan. Panahon na upang pakinggan ang kanilang hinaing at tugunan ito sa pamamagitan ng kongkretong aksyon tulad ng makabuluhang pagtaas ng sahod, pagpapababa ng presyo ng mga bilihin, pagwawakas sa kontraktuwalisasyon, at pagpapatupad ng tunay na proteksyon sa karapatan ng manggagawa!
URING MANGGAGAWA, HUKBONG MAPAGPALAYA!
SAHOD ITAAS! PRESYO IBABA!
25/04/2026
𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗿𝗼𝗻𝘁 𝗗𝗮𝗺 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁𝘀 𝗧𝗵𝗿𝗲𝗮𝘁𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗲𝗿𝗶𝘁𝗮𝗴𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱𝘀
Communities are standing up against dam projects that endanger rivers, forests, and their cultural heritage. These protests are not mere symbolic act; they are proactive measures to safeguard essential resources that provide food, water, and a sense of identity. Demonstrators challenge corporations and government entities, insisting on accountability for initiatives that favor profits over the well-being of people.
The movement highlights the dangers of displacement and environmental degradation. Dams do more than change landscapes; they displace families, disrupt ecosystems, and obliterate cultural sites that have existed for generations. By voicing their concerns, communities affirm their right to shape the future of their environment and heritage.
At the heart of these demonstrations is a call for development that honors human rights and maintains ecological integrity. Activists stress that advancement should be evaluated not solely on infrastructure, but on its ability to protect livelihoods, biodiversity, and cultural heritage. Their actions confront the idea that communities should be sacrificed for projects implemented without their agreement.
This fight carries both local and national importance. It echoes a wider demand for transparency, responsibility, and sustainable solutions. By defending their land and water, these communities are crafting a vision of progress that nurtures rather than harms, asserting that genuine development must benefit both nature and humanity.
Caption By: Wyngard Venz B. Tomas