27/10/2026
2026 Second Semester Barangay Assembly
“TAYO NA SA BARANGAY ASSEMBLY! NAGKAKAISANG TINIG, MAKABULUHANG USAPAN, AT SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA ATING KOMUNIDAD”
Nakiisa ang DILG – Los Baños sa pagdaraos ng Barangay Assembly Day noong Oktubre 24, 2026, sa mga Barangay ng San Antonio, Batong Malake, Timugan, Bambang, Lalakay, Malinta, at Maahas, sa Bayan ng Los Baños, Laguna.
Ang Barangay Assembly ay isang mahalagang pagkakataon upang maipabatid sa mga mamamayan ang mga programa, proyekto, serbisyong pampubliko, ulat pinansyal, at mga nagawa ng kanilang barangay. Higit pa rito, nagsisilbi itong bukas na talakayan kung saan malayang naipahahayag ng mga residente ang kanilang mga saloobin, mungkahi, at hinaing para sa ikabubuti ng kanilang komunidad.
Sa pamamagitan ng nagkakaisang tinig, makabuluhang usapan, at sama-samang pagkilos, napalalakas ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala at napagtitibay ang ugnayan ng mga opisyal ng barangay at ng kanilang nasasakupan tungo sa isang mas maunlad, mapayapa, at nagkakaisang pamayanan.