Bulacan Police Provincial Office

Call Directions Website

Bulacan Police Provincial Office This is the Official page of the Bulacan Police Provincial Office

𝗔𝗖𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗦 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗗𝗘𝗦𝗞 𝗔𝗧 𝗣𝗘𝗧𝗥𝗢𝗡 𝗕𝗢𝗖𝗔𝗨𝗘 𝗡𝗟𝗘𝗫Camp General Alejo S. Santos, City of Ma...
30/10/2026

𝗔𝗖𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗦 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗗𝗘𝗦𝗞 𝗔𝗧 𝗣𝗘𝗧𝗥𝗢𝗡 𝗕𝗢𝗖𝗔𝗨𝗘 𝗡𝗟𝗘𝗫

Camp General Alejo S. Santos, City of Malolos, Bulacan — Reinforcing police visibility and public safety measures for LIGTAS UNDAS 2026, PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director of Bulacan Police Provincial Office, inspected the deployment of police personnel assigned at the Police Assistance Desk at Petron, Bocaue NLEX, at around 10:31 AM. | October 30, 2026

During the inspection, the readiness and presence of personnel were checked to ensure their capability to provide prompt assistance and respond to the needs of motorists and travelers passing through the area.

Bulacan PPO continues to strengthen its security and assistance operations in support of LIGTAS UNDAS 2026, ensuring that the public can travel safely and peacefully during the observance of Undas.

BULACAN PPO ENSURES POLICE READINESS AT SHELL OF ASIA GUIGUINTO FOR LIGTAS UNDAS 2026Camp General Alejo S. Santos, City ...
30/10/2026

BULACAN PPO ENSURES POLICE READINESS AT SHELL OF ASIA GUIGUINTO FOR LIGTAS UNDAS 2026

Camp General Alejo S. Santos, City of Malolos, Bulacan — In preparation for the expected increase in travelers during the Undas season, PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director of Bulacan PPO, conducted an inspection of the personnel deployed at the Police Assistance Desk at Shell of Asia, Guiguinto NLEX, at around 10:31 AM. | October 30, 2026

The activity was undertaken to assess the operational readiness of police personnel and ensure that assistance is readily available to motorists and travelers who may need police services, guidance, or emergency response.

This initiative forms part of Bulacan PPO's continuing commitment under LIGTAS UNDAS 2026 to strengthen police visibility and ensure public safety along major thoroughfares in the province.

POLICE ASSISTANCE DESK AT SHELL BALAGTAS NLEX INSPECTED FOR UNDAS SECURITY OPERATIONSCamp General Alejo S. Santos, City ...
30/10/2026

POLICE ASSISTANCE DESK AT SHELL BALAGTAS NLEX INSPECTED FOR UNDAS SECURITY OPERATIONS

Camp General Alejo S. Santos, City of Malolos, Bulacan — As part of the intensified security measures for LIGTAS UNDAS 2026, PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director of Bulacan Police Provincial Office, personally inspected the deployment of personnel manning the Police Assistance Desk at Shell Balagtas NLEX at around 1:06 PM. | October 30, 2026

The inspection aimed to ensure the readiness, visibility, and proper deployment of police personnel in providing immediate assistance, security, and support to motorists and travelers during the observance of All Saints' Day and All Souls' Day.

Through these proactive efforts, Bulacan PPO remains committed to ensuring a safe, orderly, and peaceful Undas celebration for every Bulakenyo and visiting motorist.

JBM PATROL SYSTEM AT SAFER CITIES INITIATIVE, PINAIGTING; ARMADONG LALAKING NAG-AMOK KALABOSO SA SJDM PULIS!Camp General...
30/10/2026

JBM PATROL SYSTEM AT SAFER CITIES INITIATIVE, PINAIGTING; ARMADONG LALAKING NAG-AMOK KALABOSO SA SJDM PULIS!

Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Sa ilalim ng direktiba ni PBGEN JESS B MENDEZ, Regional Director ng PRO3, ang programang JBM Patrol System at ng Safer Cities Initiative ng DILG, arestado ang isang lalaki matapos magdulot ng kaguluhan sa kanilang komunidad at makuhanan ng isang improvised .45 caliber fi***rm sa isinagawang police response ng mga tauhan ng San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS) bandang alas-2:10 ng madaling-araw noong Oktubre 29, 2026, sa Brgy. Graceville, San Jose del Monte City, Bulacan.

Ayon sa ulat ni PLTCOL NELSON M SARDIN, Chief of Police ng SJDM CPS, kinilala ang suspek bilang si alias Mak at residente ng Brgy. Graceville. Batay sa imbestigasyon, nakatanggap ng reklamo ang mga awtoridad matapos magsisigaw at magmura ang suspek sa isang residente at manggulo sa kanilang lugar. Humingi ng tulong sa kapulisan ang mga barangay tanod matapos hindi mapayapa ang suspek.

Nang rumesponde ang mga pulis at isagawa ang kaukulang paghalughog, nadiskubre sa baywang ng suspek ang isang improvised .45 caliber fi***rm na walang bala. Agad itong kinumpiska bilang ebidensya, habang dinala naman ang suspek sa SJDM CPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Inihahanda na ang kaukulang kasong paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code o Alarms and Scandals at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Fi****ms and Am******on Regulation Act. Sumailalim din ang suspek sa medical examination alinsunod sa Anti-Torture Law.

Ayon kay PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, “Tinitiyak ng Bulacan PPO na ang bawat operasyon ay isinasagawa alinsunod sa umiiral na batas at sa tamang proseso, na may layuning mapanatili ang kapayapaan at maprotektahan ang buhay at kapakanan ng ating mga kababayan,”

TOP 4 MOST WANTED PERSON NG BOCAUE, ARESTADO NG BOCAUE PULIS!Camp General Alejo S Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — ...
30/10/2026

TOP 4 MOST WANTED PERSON NG BOCAUE, ARESTADO NG BOCAUE PULIS!

Camp General Alejo S Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Arestado ang Top 4 Most Wanted Person sa municipal level ng Bocaue matapos ipatupad ng Tracker Team ng Bocaue Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU), ang warrant of arrest laban sa kanya bandang alas-11:30 ng umaga noong Oktubre 29, 2026, sa Brgy. Poblacion, Bocaue, Bulacan. Ang pag-aresto ay kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act No. 7610.

Ayon sa ulat ni PLTCOL GILBERT C DIAZ, Hepe ng Bocaue MPS, kinilala ang naarestong akusado na si alias Raf, 25-anyos, at residente ng Brgy. Bunducan, Bocaue, Bulacan. Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng Criminal Case No. 7256-M-2026, na inilabas noong Oktubre 20, 2026 ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 18, Malolos City, Bulacan, na may inirekomendang piyansang Php180,000.

Matapos ipaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal, isinagawa ang kaukulang dokumentasyon at paghahanda ng mga kinakailangang papeles para sa pagsasauli ng naipatupad na warrant of arrest sa korte na naglabas nito.

Binigyang-diin ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, na patuloy na paiigtingin ng Bulacan PPO ang mga operasyon laban sa mga wanted person, lalo na sa mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata. Hinikayat din ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mapagkakatiwalaang impormasyon upang mapanagot sa batas ang mga lumalabag dito.

9 ARESTADO SA PINAIGTING NA MANHUNT OPERATIONS NG BULACAN PULIS!Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Mul...
30/10/2026

9 ARESTADO SA PINAIGTING NA MANHUNT OPERATIONS NG BULACAN PULIS!

Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Mula sa direktiba ni PBGEN JESS B MENDEZ, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3), siyam (9) na may nakabinbin na kaso ang naaresto ng mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office sa magkakahiwalay na operasyon para sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest noong October 29, 2026.

Batay sa ulat na natanggap ng Bulacan Police Provincial Office, isinagawa ang mga operasyon ng iba't ibang City/Municipal Police Stations at mga yunit ng Bulacan PPO sa buong lalawigan, laban sa mga kasong, RA 9165, R**e, Slander, Slight Physical Injuries, Robbery, Qualified theft, at Estaf.

Ang mga naarestong indibidwal ay nahaharap sa iba't ibang kaso at isinailalim sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso bago iharap o dalhin sa mga kinauukulang korte, alinsunod sa umiiral na mga batas at panuntunan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, patuloy na pinaiigting ng Bulacan PNP ang pagpapatupad ng mga warrant of arrest at iba pang operasyon laban sa mga wanted persons bilang bahagi ng kampanya upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan sa buong lalawigan ng Bulacan.

Hinihikayat naman ng Bulacan PPO ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad at magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa pagtukoy at pag-aresto sa mga wanted persons sa kanilang mga lugar. Ang anumang impormasyon ay maaaring iulat sa pinakamalapit na police station

30/10/2026

Biyernes, Oktubre 30, 2026

Biyernes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Filipos 1, 1-11
Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6

Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha.

Lucas 14, 1-6

HOLY MASS | Blue Mass Celebration officiated by Rev. Msgr. Pablo S. Legaspi Jr., PC at Bulacan Police Provincial office, Sacred Hearts of Jesus and Mary Chapel, Camp Gen. Alejo Santos, Malolos City, Bulacan.



MOST WANTED PERSON, ARESTADO NG SAN ILDEFONSO PULIS!Camp General Alejo S Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Arestado ...
29/10/2026

MOST WANTED PERSON, ARESTADO NG SAN ILDEFONSO PULIS!

Camp General Alejo S Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Arestado ang isang 44-anyos na babae sa isinagawang manhunt operation ng Tracker Team ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS), katuwang ang mga tauhan ng 301st Maneuver Company at 302nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3), gayundin ang Bulacan PIT West-RIU3, bandang alas-11:30 ng umaga noong Oktubre 28, 2026, sa Brgy. Poblacion, San Ildefonso, Bulacan. Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o Bouncing Checks Law.

Ayon sa ulat ni PLTCOL GILMORE A WASIN, Hepe ng San Ildefonso MPS, kinilala ang naarestong akusado na si alais Sol, 44-anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Bagong Nayon, Baliwag City, Bulacan. Ang warrant of arrest ay inilabas noong Oktubre 14, 2026 ng Acting Presiding Judge ng Municipal Trial Court ng San Ildefonso, Bulacan, kaugnay ng Criminal Case No. 2026-065, na may inirekomendang piyansang Php 120,000.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa San Ildefonso MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Isinagawa rin ang operasyon alinsunod sa mga umiiral na panuntunan ng Korte Suprema hinggil sa paggamit ng body-worn cameras at iba pang alternatibong recording devices bilang bahagi ng mga kinakailangan sa pagsasauli ng warrant of arrest sa korte na naglabas nito.

Sa pahayag ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy na paiigtingin ng Bulacan PPO ang mga operasyon laban sa mga wanted person at ang pagpapatupad ng mga warrant of arrest upang matiyak na ang mga akusado ay maihaharap sa hukuman at mapanagot alinsunod sa batas.

MOST WANTED PERSON WALANG TAKAS SA STA MARIA PULIS!Camp General Alejo S Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Arestado a...
29/10/2026

MOST WANTED PERSON WALANG TAKAS SA STA MARIA PULIS!

Camp General Alejo S Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Arestado ang isang 26-anyos na lalaki na kabilang sa mga Most Wanted Person matapos ipatupad ng mga tauhan ng Santa Maria Municipal Police Station (MPS) ang warrant of arrest laban sa kanya bandang alas-12:30 ng tanghali noong Oktubre 28, 2026, sa Caloocan City. Matapos ang operasyon, dinala ang akusado sa Santa Maria MPS bandang alas-1:00 ng hapon para sa kaukulang proseso.

Ayon sa ulat ni PLTCOL MARK LOUIE M SIGUA, Hepe ng Santa Maria MPS, kinilala ang naarestong akusado na si ALIAS KIEL, 26-anyosat residente ng Brgy Caypombo, Santa Maria, Bulacan. Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Sexual Assault sa ilalim ng Criminal Case No. 352-M-2024, na inilabas noong Oktubre 23, 2026 ni ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 120, San Jose del Monte City, Bulacan, na may inirekomendang piyansang ₱200,000.

Ang akusado ay nakatakdang iharap sa korte na pinagmulan ng warrant of arrest para sa pag-isyu ng commitment order at kaukulang disposisyon.

Binigyang-diin ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, na patuloy na paiigtingin ng Bulacan PPO ang mga operasyon laban sa mga wanted person upang matiyak na ang mga akusado ay maihaharap sa hukuman at haharap sa kaukulang proseso ng batas.

MAHIGIT 100K HALAGA NG SHABU NASABAT SA DRUG BUST OPERATION NG BULACAN PPO, 8 TIMBOG CAMP GENERAL ALEJO S SANTOS, Malolo...
29/10/2026

MAHIGIT 100K HALAGA NG SHABU NASABAT SA DRUG BUST OPERATION NG BULACAN PPO, 8 TIMBOG

CAMP GENERAL ALEJO S SANTOS, Malolos City, Bulacan — Arestado ang walong (8) indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng Bulacan PPO nitong Oktobre 28 at 29, 2026.

Ayon sa ulat ni PLTCOL NELSON M SARDIN, Hepe ng SJDM CPS, arestado ang isang 51-anyos na lalaki matapos ang isinagawang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit ng SJDM CPS dakong alas-8:19 ng gabi noong Oktubre 28, 2026, sa Brgy. San Rafael 2, CSJDM. Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Article II ng RA 9165.

Naaresto ang suspek matapos umanong magbenta ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer kapalit ang marked money. Sa isinagawang protective search, nakumpiska rin ang marked money at dalawa pang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Tinatayang limang (5) gramo ng ilegal na droga na may tinatayang halaga na humigit-kumulang Php 34,000.00.

Samantala, ayon sa ulat na isinumite ng mga Chief of Police ng Norzagaray, Calumpit, Bocaue, Plaridel, at Paombong MPS, magkahiwalay na drug-bust operations na isinagawa ng kani-kanilang Station Drug Enforcement Units na nagresulta sa pagkakaaresto ng pitong (7) drug pushers at pagkakasabat ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 9.8 gramo at halagang humigit-kumulang Php 67,000.00, at ma*****na na may timbang na 33 gramo na may tinatayang halaga na Php 3,600.00, kasama ang buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Bulacan Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri, habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa laban sa mga suspek.

Binigyang-diin ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, na ang patuloy na pagkakaaresto sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga ay patunay ng mas pinaigting ang kampanya ng Bulacan Police laban sa mga iligal na aktibidad. Aniya, magpapatuloy ang kanilang mga operasyon laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan sa buong lalawigan ng Bulacan.

Address

Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bulacan Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

Nearby government services