Mandaluyong Solid Waste Management Office

Call Directions Contact the organization

Mandaluyong Solid Waste Management Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mandaluyong Solid Waste Management Office, Government Organization, Solid Waste Management Office Building, 2/F Drive Fabella Road Purok 3, Brgy Mauway, Mandaluyong.

ᴀɴɢ ᴛʀᴀʙᴀʜᴏ ɴɢ ᴀᴍɪɴɢ ᴏᴘɪsɪɴᴀ ᴀʏ ɪ-ᴇᴅᴜᴄᴀᴛᴇ ᴀᴛ ɢᴀʙᴀʏᴀɴ ᴀɴɢ ᴍɢᴀ ᴍᴀɴᴅᴀʟᴇÑᴏ ɴɢ ᴡᴀsᴛᴏ ᴏ ᴛᴀᴍᴀɴɢ ᴘᴀɢʙᴜʙᴜᴋᴏᴅ ᴀᴛ ᴘᴀɢᴛᴀᴛᴀᴘᴏɴ ɴɢ ᴋᴀɴɪʟᴀɴɢ ʙᴀsᴜʀᴀ (sᴀ ʙᴀʜᴀʏ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ) ᴘᴀʀᴀ sᴀ ɪᴋᴀᴜᴜɴʟᴀᴅ ɴɢ ʟᴜɴɢsᴏᴅ ɴɢ ᴍᴀɴᴅᴀʟᴜʏᴏɴɢ.

🌿 LONG WEEKEND NA! PANAHON PARA MAGLINIS AT MAGING MAKAKALIKASAN! ♻️🏡Ngayong mahabang bakasyon mula sa trabaho at paaral...
13/11/2026

🌿 LONG WEEKEND NA! PANAHON PARA MAGLINIS AT MAGING MAKAKALIKASAN! ♻️🏡

Ngayong mahabang bakasyon mula sa trabaho at paaralan, gawin nating pagkakataon ang ating libreng oras upang magsimula ng mas makabuluhang gawain sa loob ng tahanan.

Hinihikayat ang bawat pamilya na maglinis, magsagawa ng tamang waste segregation, at paghiwalayin ang mga recyclable at biodegradable na basura. Simulan na rin ang pagpa-practice ng composting gamit ang mga kitchen waste o table waste upang mabawasan ang basurang itinatapon at mapakinabangan ang mga nabubulok na materyales.

Tandaan, ang wastong pamamahala ng basura ay nagsisimula sa bawat tahanan. Sa simpleng pagtutulungan ng bawat miyembro ng pamilya, malaki ang ating maitutulong sa pagpapanatili ng malinis at luntiang komunidad.

💚 Ang mensaheng ito ay paalala mula kay Gng. Corazon L. Salcedo, Head ng Solid Waste Management Office (SWMO), na patuloy na nagtataguyod ng disiplina, responsableng pamamahala ng basura, at pangangalaga sa ating kapaligiran.

Magsimula sa tahanan. Mag-segregate. Mag-compost. Maging bahagi ng solusyon!






𝗠𝘂𝗹𝗮 𝗽𝗼 𝘀𝗮 Mandaluyong Solid Waste Management Office。 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗧𝗿𝗶𝗰𝗸 𝗼𝗿 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘁。 𝗣𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺...
30/10/2026

𝗠𝘂𝗹𝗮 𝗽𝗼 𝘀𝗮 Mandaluyong Solid Waste Management Office。 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗧𝗿𝗶𝗰𝗸 𝗼𝗿 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘁。 𝗣𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗸𝘁𝗶𝗯𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗽𝗼 𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶。 𝗜𝘁𝗮𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘀𝘂𝗿𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗰𝗮𝗻𝗱𝘆。 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗶𝘀𝗶𝗽𝗹𝗶𝗻𝗮𝗱𝗼 𝗽𝗼 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴𝗮𝘂𝗻𝗴
🎃𝗛𝗮𝗹𝗹𝗼𝘄𝗲𝗲𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲🎃

🕯"𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲"♻️
30/10/2026

🕯"𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲"♻️

𝘗𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 — 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗨𝗻𝗱𝗮𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟲! 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢...
30/10/2026

𝘗𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 — 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗨𝗻𝗱𝗮𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟲!

𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘛𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘯𝘨 Mandaluyong Solid Waste Management Office, 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘶𝘮𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘪 𝘎𝘯𝘨. Corazon L. Salcedo, 𝘏𝘦𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘚𝘞𝘔𝘖: 𝘮𝘢𝘨 𝘴𝘦𝘨𝘳𝘦𝘨𝘢𝘵𝘦 𝘱𝘰 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘨 𝘱𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘬𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘴𝘶𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘴𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳𝘺𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘰 𝘢𝘺 𝘥𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺♻️

📢 PAGPAPATIBAY SA 10-TAONG PLANO SA PAMAMAHALA NG SOLIDONG BASURA (2025–2034) Isinagawa po ang pormal na pagpapatibay ng...
28/10/2026

📢 PAGPAPATIBAY SA 10-TAONG PLANO SA PAMAMAHALA NG SOLIDONG BASURA (2025–2034)

Isinagawa po ang pormal na pagpapatibay ng ating 10-Taong Plano sa Pamamahala ng Solidong Basura (2025–2034) sa patnubay ng ating butihing Mayora Menchie Abalos —sa pamumuno ng CITY ENVIRONMENT & MANAGEMENT DEPARTMENT (CEMD) sa pamamahala ni G. Sonny Oblea , — sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Pamamahala ng Solidong Basura sa pamumuno ni Gng. Corazon L. Salcedo .

Kasama po sa nagsagawa ng pagsusuri at pagpapatibay ang mga sumusunod na ahensya:

✅ Environmental Management Bureau (EMB) – DENR
✅ Metro Manila Development Authority (MMDA)
✅ National Solid Waste Management Commission (NSWMC) – Ecowaste
✅ Department of Science and Technology (DOST)

Bumisita rin po ang mga kinatawan ng ahensya sa mga sumusunod na Barangay upang suriin ang kanilang mga Material Recovery Facility (MRF):

🏡 Barangay Namayan — sa pamumuno ni Kapitan Victor Emmanuel Francisco
🏡 Barangay Wack Wack — sa pamumuno ni Kapitan Margarita Ongsiako Tan-Climaco

Lubos na nagpapasalamat ang CEMD at Tanggapan ng Pamamahala ng Solidong Basura sa inyong mainit na pagtanggap at buong pusong pakikipagtulungan. Ang inyong dedikasyon ay mahalagang hakbang tungo sa mas malinis, mas maayos, at mas luntiang Mandaluyong! 💚

Maraming salamat po sa inyong lahat! 🙏✨



📢 PAGSUBABAYBAY SA MATERIAL RECOVERY FACILITY (MRF)Alinsunod sa Republic Act 9003 at City Ordinance No. 668, S-2017 ✅ Ma...
26/10/2026

📢 PAGSUBABAYBAY SA MATERIAL RECOVERY FACILITY (MRF)
Alinsunod sa Republic Act 9003 at City Ordinance No. 668, S-2017 ✅

Magandang araw po sa inyong lahat! 💚

Sa patnubay ng ating butihing Mayora Menchie Abalos , isinagawa po namin ang regular na pagsubaybay at pagtatala sa kalagayan ng mga Material Recovery Facility (MRF) sa ating mga barangay — bilang bahagi ng pagtupad sa Seksyon 32 ng Republic Act No. 9003 at sa City Ordinance No. 668, S-2017, na nag-aatas sa bawat barangay na magpanatili ng maayos na pasilidad para sa tamang pamamahala ng basura.

✅ Barangay Namayan
Sa pamumuno ng ating Kapitan Victor Emmanuel Francisco Jr., at sa pangangasiwa ni Gng. Eleonor Concepcion

✅ Barangay Wack-Wack
Sa pamumuno ng ating Kapitan Margarita Ongsiako Tan-Climaco, at sa pangangasiwa ni G. Jerome Aycardo

Ang nasabing pagsubaybay ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ng ating Solid Waste Management Head — Gng. Corazon L. Salcedo , at ng kanyang nakatalagang kawani. Sinisiguro po natin na ang bawat MRF ay maayos, malinis, at gumagana ayon sa batas — para sa mas ligtas, malinis, at maunlad na Mandaluyong! 💚

Panatilihin natin ang disiplina — simulan sa tamang paghihiwalay ng basura sa ating mga tahanan! 💪🌱

📢 INSPEKSYON AT MONITORING SA MGA JUNK SHOPSAlinsunod sa Republic Act No. 9003 at City Ordinance No. 668 Ang Solid Waste...
23/10/2026

📢 INSPEKSYON AT MONITORING SA MGA JUNK SHOPS
Alinsunod sa Republic Act No. 9003 at City Ordinance No. 668

Ang Solid Waste Management Office, led by our hardworking SWM Head — Ma'am Corazon L. Salcedo — together with our assigned staff, conducted a re-inspection and monitoring ng mga junk shops dito sa ating lungsod.

Ayon sa paalala ng ating butihing Mayora Menchie Abalos , strictly bawal ang pagbili ng anumang ninakaw na items — lalo na po ang mga kable at wires. Hinihikayat din sila na maging active partners natin sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa Mandaluyong! 💚

Nakipag-ugnayan din tayo sa kanilang Pangulo, Ma'am Marissa Z. Callos - Borja para siguraduhin na lahat ay sumusunod sa ating mga rules and regulations.

Maraming salamat po sa inyong cooperation and support! ✨

📢 PAGSUBABAYBAY SA MATERIAL RECOVERY FACILITY (MRF)Alinsunod sa Republic Act 9003 at City Ordinance No. 668, S-2017 ✅ Ma...
20/10/2026

📢 PAGSUBABAYBAY SA MATERIAL RECOVERY FACILITY (MRF)
Alinsunod sa Republic Act 9003 at City Ordinance No. 668, S-2017 ✅

Magandang araw po sa inyong lahat! 💚

Sa patnubay ng ating butihing Mayora Menchie Abalos, isinagawa po natin ang regular na pagsubaybay at pagtatala sa kalagayan ng ating Barangay Material Recovery Facility (MRF) — bilang bahagi ng pagtupad sa Seksyon 32 ng Republic Act No. 9003 at sa City Ordinance No. 668, S-2017, na nag-aatas sa bawat barangay na magpanatili ng maayos na pasilidad para sa tamang pamamahala ng basura.

Ang nasabing pagsubaybay ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ng ating Solid Waste Management Head — Gng. Corazon Salcedo, at ng kanyang nakatalagang kawani. Sinisiguro po natin na ang bawat MRF ay maayos, malinis, at gumagana ayon sa batas — para sa mas ligtas, malinis, at maunlad na Mandaluyong! 💚

Panatilihin natin ang disiplina — simulan sa tamang paghihiwalay ng basura sa ating mga tahanan! 💪🌱

📢 PAALALA SA TAMANG PAGTATAPON NG BASURA — BATAY SA REPUBLIC ACT 9003 AT CITY ORDINANCE NO. 668 Kami ay nagsagawa ng Inf...
20/10/2026

📢 PAALALA SA TAMANG PAGTATAPON NG BASURA — BATAY SA REPUBLIC ACT 9003 AT CITY ORDINANCE NO. 668

Kami ay nagsagawa ng Information, Education, and Communication (IEC) Activity ukol sa Solid Waste Management sa Barangay Mauway, Mandaluyong — sa hangarin ng ating butihing Mayora Menchie Abalos — noong Ika-23 ng Setyembre 2026.

Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 — ang batas na nagtatakda ng tamang pamamahala ng basura, paghihiwalay, pagbabawas, at pagreresiklo — na ipinatutupad sa ating lungsod sa pamamagitan ng City Ordinance No. 668.

Ito ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Corazon L. Salcedo , ang ating Solid Waste Management Head, kasama ang kanyang mga kawani.

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa Kapitan ng Barangay Mauway, G. Froilo Achilles Evangelista, at sa kanyang mga katuwang na Kagawad sa pangunguna ni Kagawad Bernie Evangelista. Bagama't hindi nakadalo ang Kapitan, buong husay at maayos po kaming inasikaso ng ating Barangay Sekretarya na si Gng. DrTatey Galindo Manayon kasama ang Brgy Staff. Maraming salamat po sa inyong mainam na pagtugon, pagtulong, at pag-aasikaso sa amin para sa nasabing IEC! 🙏

Maraming salamat din po sa lahat ng mga residente, bloke lider, at mga aktibong kalahok sa inyong pakikinig, pakikilahok, at pagtugon sa ating adbokasiya! 💚

Tandaan: Tamang paghihiwalay ng basura = maiiwasan ang baha, sakit, at polusyon!
Maging disiplinado, maging malinis — para sa mas maunlad at ligtas na Mandaluyong.

📢 PAALALA SA TAMANG PAGTATAPON NG BASURA — BATAY SA REPUBLIC ACT 9003 AT CITY ORDINANCE NO. 668 Kami ay nagsagawa ng Inf...
20/10/2026

📢 PAALALA SA TAMANG PAGTATAPON NG BASURA — BATAY SA REPUBLIC ACT 9003 AT CITY ORDINANCE NO. 668

Kami ay nagsagawa ng Information, Education, and Communication (IEC) Activity ukol sa Solid Waste Management sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong — sa hangarin ng ating butihing Mayora Menchie Abalos — noong Ika-22 ng Setyembre 2026.

Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 — ang batas na nagtatakda ng tamang pamamahala ng basura, paghihiwalay, pagbabawas, at pagreresiklo — na ipinatutupad sa ating lungsod sa pamamagitan ng City Ordinance No. 668.

Ito ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Corazon L. Salcedo , ang ating Solid Waste Management Head, kasama ang kanyang mga kawani.

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa Kapitan ng Barangay Highway Hills, Gng. Maria Corazon Abalos. Maraming salamat po sa inyong mainam na pagtugon, pagtulong, at pag-aasikaso sa amin para sa nasabing IEC! 🙏

Maraming salamat din po sa lahat ng mga residente, bloke lider, at mga aktibong kalahok sa inyong pakikinig, pakikilahok, at pagtugon sa ating adbokasiya! 💚

Tandaan: Tamang paghihiwalay ng basura = maiiwasan ang baha, sakit, at polusyon!
Maging disiplinado, maging malinis — para sa mas maunlad at ligtas na Mandaluyong.

Address

Solid Waste Management Office Building, 2/F Drive Fabella Road Purok 3, Brgy Mauway
Mandaluyong
1550

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639171296595

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mandaluyong Solid Waste Management Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mandaluyong Solid Waste Management Office:

Shortcuts

Share