Department of Health Eastern Visayas

Call Directions Website Contact the organization

Department of Health Eastern Visayas Official page of Department of Heath Eastern Visayas

06/11/2026

🎥 WATCH: Kalusugan at Malasakit Para sa Lahat: DOH-Eastern Visayas Indigenous Peoples Caravan sa Samar

Bilang bahagi ng pagsusulong ng inklusibo at pantay na serbisyong pangkalusugan, nakiisa ang mga kapatid na Mamanwa mula Samar sa DOH-Eastern Visayas Indigenous Peoples Health Caravan 2026.

Pakinggan ang kanilang kwento at taos-pusong pasasalamat sa mga serbisyong inilapit sa kanila ng DOH.


Sa pangunguna ng Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD), katuwang ang Department...
04/11/2026

Sa pangunguna ng Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD), katuwang ang Department of Education (DepEd) at Ormoc City Health Office, matagumpay na isinagawa ang Bakuna Eskwela 2026 Kick-Off noong Oktubre 28, 2026, sa Ormoc City Central School.

Pinangunahan ang aktibidad ni National Immunization Program (NIP) Regional Program Manager Chiradee Claridad, kasama sina DMO IV Ms. Elsie S. Jaca, Dr. Sarah Hermoso ng Ormoc City Health Office, Dr. John Gerard ng DepEd, at ni Sangguniang Panlungsod Chairperson on Education, Dr. Edmund Kierulf.

Ang Bakuna Eskwela ay isang malawakang kampanya ng DOH na naglalayong mabigyan ng libreng bakuna ang mga mag-aaral laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna (Vaccine-Preventable Diseases), tulad ng tetano, dipterya, tigdas, rubella, at cervical cancer.

Sa ilalim ng programang ito, ang bakunang ibibigay sa mag-aaral na Grades 1 at 7 ay ang Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (Td) vaccines. Samantala, ang mga babaeng mag-aaral sa Grade 4 at Grade 5 naman na may edad na siyam (9) na taon ay maaaring tumanggap ng Human Papillomavirus (HPV) vaccine. Saklaw din ng HPV Vaccination ang mga batang babae na may edad 9 hanggang 14 na taon.

Sa paggunita ng ika-50 taon ng programa sa pagbabakuna sa Pilipinas, patuloy na pinagtitibay ng DOH-EVCHD ang pangako nitong isulong ang pagbabakuna bilang mahalagang hakbang sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat Pilipino.

Bakuna ay proteksyon! Sama-sama nating palakasin ang kalusugan ng ating mga kabataan at tiyaking walang batang maiiwan sa proteksyon.


URGENT HIRING!!If you are passionate about public health and committed to serving the people of Eastern Visayas, grab th...
04/11/2026

URGENT HIRING!!

If you are passionate about public health and committed to serving the people of Eastern Visayas, grab the opportunity to be part of the growing DOH family!

Interested & qualified applicants should signify their interest in writing. Attach the following documents to the application letter & send to the address below not later than November 09, 2026:

1. Fully accomplished Personal Data Sheet (PDS) with recent passport-sized picture (CS Form No. 212, Revised 2025) which can be downloaded at www.csc.gov.ph;
2. Performance rating in the last rating period (if applicable)
3. Photocopy of Certificate of Eligibility/Rating/Licenses; and
4. Photocopy of Transcript of Records
5.Photocopy of Certificates of Trainings attended
6. Service Record/Certificate of employment

This office highly encourages all interested and qualified applicants and promotes opportunity to all men and women at all levels of position without discrimination regardless of age, gender, civil status, person with disability (PWD), religion, ethnicity, political affiliation to include members of the indigenous communities and those with diverse sexual orientation, gender identity and expression (SOGIE).

Qualified applicants may submit their application in person or via courier/email, addressed to:

EXUPERIA B. SABALBERINO, MD, MPH, CESe
Director IV
Department of Health- Eastern Visayas Center for Health Development
Government Center, Candahug, Palo, Leyte
[email protected]

APPLICATIONS WITH INCOMPLETE DOCUMENTS SHALL NOT BE ENTERTAINED

𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀!Ang mga batang nasa eskwela, maaaring dapuan ng iba't ibang sakit kaya para iwas pag-aalala, t...
04/11/2026

𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀!

Ang mga batang nasa eskwela, maaaring dapuan ng iba't ibang sakit kaya para iwas pag-aalala, tara na sa Bakuna Eskwela! 💚💉

Kasama ng Department of Health at DepEd, magkakaroon ng libreng bakuna para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan para sa karagdagang proteksyon laban sa Measles, Rubella, Diphtheria, at HPV.

✅Para kanino ang bakunahang ito?
Grade 1 & 7 — MR at Td vaccine (laban sa measles-rubella at tetanus-diphtheria)
Grade 4 & 5 na babae — HPV vaccine (laban sa HPV at cervical cancer)

✅Kailan at saan ito gaganapin?
Gaganapin sa kanya-kanyang pampublikong paaralan sa buong Eastern Visayas mula October 26 hanggang December 15, 2026, at iaanunsyo ng mga g**o ang schedule ng bawat school.

✅Ano ang kailangang gawin ni nanay, tatay o guardian?
1. Dumalo sa PTA meeting
2. Pirmahan ang consent form
3. I-monitor si bagets pagkatapos mabakunahan para sa posibleng side effects

Libre, ligtas at epektibo ang mga bakunang ito. Para sa inyong mga katanungan, i-message lang sa adviser o magsadya sa pinakamalapit na health center.

Wag palalampasin ang Bakuna Eskwela!

𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐎𝐍𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐀𝐓 𝐎𝐅𝐅𝐋𝐈𝐍𝐄! 👧👦Ngayong National Children's Month, paalalahanan natin ang bawat isa na may...
03/11/2026

𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐎𝐍𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐀𝐓 𝐎𝐅𝐅𝐋𝐈𝐍𝐄! 👧👦

Ngayong National Children's Month, paalalahanan natin ang bawat isa na may papel tayo sa pagprotekta sa ating mga anak.

✅ Bantayan ang online activities - alamin ang apps at sites na ginagamit nila
⚠️ Pansinin ang palatandaan ng pang-aabuso - biglaang takot, pagbabago sa kilos, o pag-iwas sa tao o lugar
💬 Makinig at kaibiganin ang mga bata - ipakitang ligtas silang magkwento

Kung may alam o nasaksihang pang-aabuso, i-report agad:
PNP 177 | Aleng Pulis 0919 777 7377 | VAWC 723-0401-6979

I-scan ang QR code sa baba para ma-access ang Women and Children Protection Unit Directory.

Ang ligtas na bata, ay may magandang kinabukasan. 🌅



The Department of Health – Eastern Visayas Center for Health Development successfully conducted the Healthy Settings Rec...
03/11/2026

The Department of Health – Eastern Visayas Center for Health Development successfully conducted the Healthy Settings Recognition 2026 on October 30, 2026, at Hotel Alejandro, Tacloban City.

The event brought together partners and stakeholders across Eastern Visayas to recognize the dedication, accomplishments, and good practices of facilities, institutions, and communities in advancing health promotion through the Healthy Settings approach.

We proudly celebrate our health workers in Healthy Health Facilities, recognized Healthy Learning Institutions and participating schools, as well as our partners in Healthy Communities, whose collective efforts demonstrate the importance of creating environments that promote and protect health.

More than an awarding ceremony, this recognition serves as a reminder that building healthier settings requires sustained commitment, strong partnerships, and shared responsibility.

Together, let us continue creating healthier settings where we live, learn, and work!




01/11/2026
𝗠𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦Public Advisory No. 2026-038 | October 30, 2026Sa darating na undas, muling nagpapaalala ...
30/10/2026

𝗠𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

Public Advisory No. 2026-038 | October 30, 2026

Sa darating na undas, muling nagpapaalala ang Department of Health-Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) sa publiko na maging alerto at ligtas laban sa anumang sakit o banta sa kalusugan.

Bilang isang mahalagang tradisyon ng mga Pilipino, inaasahan ang biglaang pagdagsa ng tao sa iba’t ibang pook partikular sa mga sementeryo at simbahan sa buong bansa.

𝗨𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗶𝗴𝘂𝗿𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗮𝘁 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝘂𝗻𝗱𝗮𝘀, 𝗻𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗮𝘁 𝗮𝗹𝗶𝘁𝘂𝗻𝘁𝘂𝗻𝗶𝗻 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗢𝗛:

☑ Mainam na bumisita sa sementeryo o simbahan nang maaga at iwasang makipagsabayan sa dagsa ng tao. Kung maaari, iwasang magsama ng mga bata, senior citizens, buntis, at mga may karamdaman.

☑ Magdala ng sapat na tubig at pagkain upang makaiwas sa mga food and waterborne diseases kagaya ng diarrhea at food poisoning. Siguraduhing maayos na nakatakip ang mga sisidlan upang masig**ong malinis ang mga ito.

☑ Ugaliing uminom ng sapat na tubig, magsuot o magdala ng sombrero o payong, alcohol, pamunas, at extrang damit. Makakatulong ito upang mapanatiling handa at protektado laban sa init, na nagiging sanhi ng mga heat-related illnesses tulad ng heat stroke at dehydration.

☑ Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa silid ng sementeryo, simbahan, at iba pang matataong lugar.

☑ Ipagpatuloy ang pagsasabuhay ng bagong Mimimum Public Health Standards (MPHS) kagaya ng good hygiene madalas na paghuhugas ng kamay, at tamang bentilasyon.

Sa huli, ang lahat ay pinaaalalahanan na maging mapanuri sa kanilang kalusugan. Kung may nararamdamang sakit o hindi magandang pakiramdam, mas mabuting manatili sa bahay para sa inyong kaligtasan.

𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧: 𝗗𝗢𝗛-𝗘𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗩𝗜𝗦𝗔𝗬𝗔𝗦 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗢𝗨𝗦 𝗣𝗘𝗢𝗣𝗟𝗘𝗦 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗥Bilang bahagi ng pagdiriwan...
30/10/2026

𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧: 𝗗𝗢𝗛-𝗘𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗩𝗜𝗦𝗔𝗬𝗔𝗦 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗢𝗨𝗦 𝗣𝗘𝗢𝗣𝗟𝗘𝗦 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗥

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month ngayong buwan ng Oktubre, ang Department of Health – Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EV CHD) ay nagsagawa ng Caravan for Indigenous Peoples (IPs) Health noong ika-22 ng Oktubre sa Layao Resort, Marabut, Samar.

Sa pangunguna ni Senior Health Program Officer Ms. Arlyn Perlado katuwang si Samar Provincial Health Team Leader Dr. Ludina L. Insigne, nagsama-sama ang iba pang mga ahensya upang maihatid ang mga serbisyong pangkalusugan at iba pang mahahalagang serbisyo sa mga kapatid nating Mamanwa mula sa mga bayan ng Sta. Rita, Marabut, at Basey, sa Samar.

Tampok sa caravan ang iba't ibang serbisyong pangkalusugan, kabilang sa mga ito ang vision screening at pamimigay ng prescription glasses at libreng konsultasyong medikal upang matugunan ang ilan sa mga pangangailangang pangkalusugan ng komunidad.

Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at ilang lokal na pamahaalan ng Samar, naihatid din ang iba pang mahahalagang serbisyo tulad ng libreng pagpapagupit, manicure at pedicure, counseling, at iba pa.

Higit pa sa pagbibigay ng mga serbisyo, ang aktibidad na ito ay pagpapakita ng tunay na malasakit, pagkilala, at pagpapahalaga sa ating mga katutubong pamayanan. Sapagkat ang bawat isa, anuman ang pinagmulan at pagkakakilanlan, ay may karapatang makatanggap ng dekalidad, abot-kaya, at pantay na serbisyong pangkalusugan.


Address

Department Of Health Eastern Visayas Center For Health Development, Government Center, Barangay Candahug
Palo
6501

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639270825208

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Health Eastern Visayas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Department of Health Eastern Visayas:

Shortcuts

Share