02/06/2026
🏀🔥 Tulfo Cup 2026 is officially on!
Congratulations, Cong. Ralph Tulfo, on the successful Opening Ceremony! Maraming salamat po sa invitation and for continuously creating opportunities where our Quezon Citizens can grow, compete, and shine through sports.
Ang sarap makita ang energy, excitement, at unity ng bawat team. Lahat may kanya-kanyang pangarap, pero iisa ang goal—magbigay ng best effort, matuto, at maging inspirasyon sa iba. 💯
As we begin this tournament, we pray that God will guide and protect every athlete, coach, and organizer. May this season be filled not only with victories but also with valuable lessons, friendships, and good sportsmanship.
To God be all the glory! 🙏🏻🏆
01/06/2026
“Wala kang kwenta… Wala kang pupuntahan.. Hanggang diyan ka na lang!!!”
Mga halimbawa ng mga kasinungalingang araw araw na ibinabato sa atin ng mundo.
Buti na lang, ngayon alam na natin ang katotohanan at ang katotohanan ay wala sa mundo kundi… ito ay na kay Kristo!
I hope this Word from John 8:32 encourages you…
Jesus said, "If you continue in My word, then you are truly disciples of Mine; and you will know the truth, and the truth will set you free."
Araw araw may choice tayo, to follow the World or follow The Word. Maging alipin ng mundo, or Sundalo ni Kristo!
Mahal ka ni Jesus Bro! Kaya Sugod lang Kapatid!
01/06/2026
Isinagawa ang 50th Regular Session ng ating 23rd Quezon City Council.
Pagpupugay para sa ating 23rd Quezon City Council na patuloy na naglilingkod at gumagabay sa pagpasa ng mga lehislaturang makakatulong para sa ika-uunlad ng bawat isang Quezon Citizen!
Be devoted to one another in love. Honor one another above yourselves. -Romans 12:10
One goal, one purpose… Serve God by serving others!
01/06/2026
Transformational leadership begins with us. Together, we transform a nation. ✨
Ang tunay na pagbabago ay hindi nanggagaling sa malalakas na salita kundi sa lideratong puno ng integridad, pananagutan, at tunay na Puso para sa kapwa tao. Isang pamumunong handang makinig nang buong puso, makipagtulungan nang tapat, at magpatupad ng mga programang direktang tumutugon sa pangangailangan ng bawat pamilya, bawat sektor, at bawat komunidad.
We presented a picture of what Maxwell Leadership Philippines is all about, Transformational Leadership!
“Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves.”
— Philippians 2:3
Ang tunay na lider ay hindi nagsisilbi sa sarili — kundi nagsisilbi sa Diyos at sa kapwa.
29/05/2026
Giving off main character vibes lahat ng teams today! Ang taas ng energy at ramdam na ramdam natin ang pagmamahal ng bawat isa! 🫶🏻
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa pagbubukas ng ating Quezon City-Wide Volleyball Tournament 2026! Nakaka-proud makita ang ating mga kabataan na puno ng sigla, respeto, at tunay na pagmamahal sa laro.
Hindi lang ito tungkol sa panalo. Ito ay tungkol sa pagkakaisa, sportsmanship, character building, at pagbuo ng isang healthy, active, at God-centered community. 💯
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng umattend, sumuporta, nag-cheer, at nagbigay ng kanilang oras. Salamat din po sa ating dedikadong staff, volunteers, coaches, at sa buong Sports Development Office team na nagsakripisyo para maging successful ang ating opening day. Walang imposible nang walang inyo. 🙏🏻
One team. One community. One purpose.
To serve God by serving others through sports. 🏐❤️
To God be all the Glory! ✨
29/05/2026
ATTENTION QUEZON CITY SWIMMERS!
Inaanyayahan ang lahat ng aspiring young swimmers na makiisa sa 2026 Quezon City Batang Pinoy Selection – Swimming na gaganapin sa:
📅 June 6-7, 2026
📍 Amoranto Sports Complex Swimming Pool
Don A. Roces Ave., Quezon City
Ito na ang pagkakataon upang maipakita ang inyong husay at magkaroon ng pagkakataong maging bahagi ng mga piling atleta ng Quezon City! 🏅
📝 Deadline of Registration:
📅 June 1, 2026
⏰ Until 5:00 PM only
📌 Coaches Meeting:
📅 June 6, 2026
⏰ 7:45 AM
Ang lahat ng mahahalagang impormasyon at detalye ng swimming event ay makikita sa uploaded na larawan, kabilang ang registration QR code para sa mga nais sumali.