14/05/2026
Kaisa ang mga lider-estudyante at partido-politikal ng KAPP, inaanyayahan kayo sa AS Lobby ngayong araw at bukas, mula 4:00 PM hanggang 6:30 PM, para sa paglulunsad ng ๐ฃ๐๐ฆ๐๐๐ข๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ: ๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ฆ๐ฆ๐ฃ ๐๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐ฅ๐ผ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ผ๐ณ ๐๐๐ฒ๐ป๐๐.
Hindi natatapos ang halalan sa mismong pagboto. ๐ณ๏ธ Ito ay isang makabuluhang proseso na naghuhubog ng isang konsehong mapanagot at tapat sa pamantasan.
Tara naโt makibaka, makibahagi, at makiboto para sa pagbabagong nagsisimula sa bawat elektorado!
๐งท๐ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐๐ผ? Ipadala ito gamit ang link sa ibaba: https://tinyurl.com/PSBG26OnlineOpenForum
In partnership with:
SINAG
CSSP Student Council
Co-presented by:
UP Association of Political Science Majors
UP Kabataang Pilosopo Tasyo
UP Geomajie Core Group
UP AngKas Core Group
UP SparkLingg Core Group
UP Samahang Linggwistika
In cooperation with:
Miguela's
14/05/2026
Dalubbanwahan 2026 is officially done, but the conversations it sparked continue to resonate beyond the space we shared. This yearโs event centered on โThe Philippine Learning Crisis: How Weak Foundational Literacy Undermines Democratic Governanceโ.
UP APSM would like to express our gratitude to our esteemed speakers, Mr. Juniesy Martinez Estanislao, MA, LPT, Atty. Noel M. Baga, and Ms. Jornie D. Lumintao, MA, for lending their time, voices, and expertise to a conversation that matters. Your lectures and insights have enriched the dialogue and challenges us to critically think about the issues at hand.
We would also like to thank the DepEd Regional Offices for their support, as well as to each and every participant who listened and participated in the discussions. Your presence made this event meaningful and impactful.
May we carry these conversations forward, and may we continue to advocate for stronger foundations in education.
UP APSM wishes to see you at the next Dalubbanwahan!
01/05/2026
Araw ng Manggagawa 2026: Higit Pa sa Panandaliang Tulong, Hustisya ang Kailangan
Hindi lingid sa atin ang paulit-ulit na siklo: sa tuwing may krisis, may agarang ayuda. Sa tuwing tumataas ang presyo ng langis at bilihin, may pansamantalang subsidiya. Ngunit matapos ang ingay, nananatili ang parehong tanongโnagbago ba ang kalagayan ng manggagawa?
Sa kasalukuyan, patuloy na sumisikip ang espasyo para sa disenteng pamumuhay. Ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay nagdudulot ng domino effect sa pamasahe at presyo ng mga batayang bilihin, habang nananatiling hindi sapat ang sahod ng manggagawa. Sa ganitong kalagayan, ang mga panandaliang subsidiya tulad ng โฑ5,000 ayuda para sa mga tsuper ay nagsisilbing pansamantalang lunas, ngunit hindi tugon sa ugat ng problema.
Higit pa rito, ipinapakita ng mismong proseso ng pamamahagi ang kakulangan ng sistematikong solusyon. Kamakailan, may mga manggagawang napipilitang pumila nang matagal para sa ayuda ngunit mayroong isang insidente kung saan isang motorista ang nasawi habang naghihintay ng tulong. Samantala, marami pa ring tsuper ang hindi nakasama sa listahan ng mga benepisyaryo. Sa ganitong sistema, ang ayuda ay hindi lamang kulang sapagkat ito rin ay hindi pantay at hindi sapat.
Kasabay nito, may mga manggagawa sa kanayunan, lalo na sa mga komunidad sa Negros, na nahaharap sa matinding kawalang-seguridad sa kabuhayan. Sa gitna ng patuloy na presensya ng militar at mga operasyong pangseguridad sa ilang lugar, naiulat ang dislokasyon ng mga manggagawang bukid at ang pagkaantala ng kanilang hanapbuhay. Sa halip na matiyak ang kanilang proteksyon at kapakanan, marami ang patuloy na naiiwan sa mas lalong bulnerableng kalagayan.
Hindi sapat ang mga panandaliang tugon kung ang mismong istruktura ay nananatiling hindi makatarungan. Ang subsidiya ay hindi kapalit ng nakabubuhay na sahod. Ang ayuda ay hindi kapalit ng seguridad sa trabaho. At ang katahimikan ay hindi kailanman naging sagot sa kawalan ng katarungan.
Ang tunay na pagkilala sa manggagawa ay nangangailangan ng higit pa sa pagresponde sa krisis. Ito ay nangangailangan ng pagbabagong estruktural: makatarungang pasahod, proteksyon sa karapatang mag-organisa, at isang ekonomiyang inuuna ang tao kaysa tubo.
Ngayong Araw ng Manggagawa, hindi lamang natin ginugunita ang kanilang ambagโhinahamon din natin ang umiiral na sistema.
Panahon nang lampasan ang panandaliang solusyon. Panahon na para sa tunay na pagbabago.
Mga Sanggunian:
Co, A. (2026, April 19). Motorcycle taxi rider dies in QC while waiting for fuel subsidy payout. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2026/4/19/motorcycle-taxi-rider-dies-in-qc-while-waiting-for-fuel-subsidy-payout-1241
Presidential Communications Office. (2026, March 11). Gov't to start giving out โฑ5,000 financial aid to members of the transport sector. https://pco.gov.ph/news_releases/govt-to-start-giving-out-p5000-financial-aid-to-members-of-transport-sector/
Department of Social Welfare and Development. (2026, March 23). List of PUV driver-beneficiaries for DSWDโs cash relief assistance to come from LTFRB. https://www.dswd.gov.ph/list-of-puv-driver-beneficiaries-for-dswds-cash-relief-assistance-to-come-from-ltfrb-dswd-spox/
Gutoman, D. (2026, April 24). Rights up: Negros massacre warrants probe on international humanitarian law violations. Bulatlat. https://www.bulatlat.com/2026/04/24/rights-up-negros-massacre-warrants-probe-on-intl-humanitarian-law-violations/
Asean Parliamentarians for Human Rights condemn Negros operation that killed 19. (2026, April 29). Philippine Daily Inquirer. https://globalnation.inquirer.net/320467/asean-parliamentarians-condemn-negros-operation-that-killed-19
22/04/2026
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!
Ipinapahayag ng UP Association of Political Science Majors ang matinding pagluluksa sa pagkawala ng aming minamahal na miyembro na si Alyssa Alano. Nitong Abril 19, 2026, inatake ng 79th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negros Occidental ang mga nakikipamuhay at nakikisama sa komunidad ng mga magsasaka. Labindalawang oras na pabugso-bugsong nagpaulan ng bala ang pasistang militar sa kanayunan dahil sa di-umanoโy operasyon nilang tugisin ang mga rebeldeng nasa rehiyonโisang malinaw na gawa-gawang katwiran upang pagtakpan ang masahol na karahasang ginawa nila sa mga biktima.
Buhat nito, mariing kinukundena ng UP APSM ang ginawang pagpatay ng AFP kay Alyssa at 18 niyang kasama. Hindi ito ang unang kaso ng paglabag ng reaksyunaryong estado sa karapatang pantao ng mga tumitindig para sa karapatan ng masang-api. Hanggaโt ang kultura ng impunidad at pasismo ay patuloy na nananalaytay sa mga institusyon, ang bawat iskolar ng bayan ay mananatiling bihag ng kinabukasang hindi tunay na sa atin. Ang trahedyang ito ay isang manipestasyon ng patuloy na militarisasyon sa kanayunan at ng sistematikong paglabag sa karapatang pantao.
Si Alyssa Alano ay isang huwarang lider-estudyante. Bukod dito, siya rin ay isang mahusay at kritikal na mag-aaral ng agham pampulitika at mapagkakatiwalaang miyembro ng UP APSM. Higit sa lahat, si Alyssa ay isang minamahal na kaibigan ng marami. Nagbibigay-pugay ang organisasyon sa katapangang ipinamalas ni Alyssa, sa kaniyang lakas ng loob na pagtindig para sa mga magsasaka at sa mas malawak na hanay ng masang api, at sa kaniyang puso na piniling magsilbi sa mga manggagawa, sa mga pesante, at sa mga mamamayang Pilipino hanggang sa huling sandali. Ang kanyang pagkasawi ay isang matinding paalala ng mga panganib na kinakaharap ng mga indibidwal na tumindig at makiisa laban para sa katarungang panlipunan.
Ang UP APSM ay nananawagan para sa:
1) agaran, malaya, at malinis na imbestigasyon sa naganap na karahasan;
2) pananagutan para sa pagkamatay ni Alyssa Alano at ng kaniyang mga kasama;
3) proteksyon sa lahat ng mga mamamayan sa kanayunan laban sa karahasan at militarisasyon; at
4) ang malayang Negros mula sa mga malalaking panginoong maylupa
Hindi matatapos sa pagluluksa ang laban. Mas pinaapoy lamang ng karahasang ito ang diwang militante ng mga iskolar ng bayan, gaya ng masigasig na pagsisilbi ni Alyssa sa ating lipunan. Ang galit na ito ay bibitbitin natin upang mas pagyabungin ang pagkilos at pagtuligsa sa rehimeng Marcos-Duterte na ilang buhay na ang walang habas na pinaslang upang pagtakpan ang pag-abuso nila sa kanilang kapangyarihan. Patuloy tayong tumindig para sa isang bansang tunay na malaya! Hindi tayo magsasawang alalahanin ang kaniyang pangalan at hindi lamang dagdag na datos ang kaniyang pagkawala at paninilbihan sa bayan.
Hustisya para kay Alyssa Alano! Hustisya para sa lahat ng mga biktima ng pasistang estado!
Uphold International Humanitarian Law!
Militar sa Kanayunan, Palayasin!
Inutang na Dugo ng Pasistang Rehimen, Singilin, Singilin, Pagbayarin!
21/04/2026
๐ฃ๐ข CALLING ALL HIGH SCHOOL STUDENTS, COLLEGE STUDENTS, AND YOUNG PROFESSIONALS โ
Are you ready? โพ๏ธ
Prepare to be enchanted and enlightened, as UP Statistical Society proudly presents:
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ ๐จ๐ง ๐๐ญ๐๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐๐ฌ! ๐
LIMITLESS is an annual summit organized by UP Statistical Society for high school students, college students, and young professionals from throughout various areas in the Philippines.
With this yearโs theme, โ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐โ, the event aims to enhance the youth's interest in the field of Statistics and ignite their passion for leading change through Statistics. Insightful discussions await to expand every participant's horizon with ๐ค๐๐ฒ๐ง๐จ๐ญ๐ ๐ญ๐๐ฅ๐ค๐ฌ, ๐๐ซ๐๐๐ค๐จ๐ฎ๐ญ ๐ฌ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ฌ also called "Strata,โ and a new Academic Cluster featuring ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ๐ก-๐ฅ๐๐ ๐ซ๐๐ฌ๐๐๐ซ๐๐ก ๐๐ข๐ฌ๐๐ฎ๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ฌ. Participants can also look forward to applying their learning through various ๐ ๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ, and the ๐๐ง๐ง๐ฎ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ. New connections and exciting giveaways also await participants through the booths of LIMITLESS sponsors.
This yearโs LIMITLESS will be held face-to-face at the ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ข๐๐ง๐๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ on ๐๐๐ฒ ๐, ๐๐๐๐ from ๐ ๐๐ ๐ญ๐จ ๐ ๐๐.
Want to add a radiant polish to your knowledge in Statistics? Turn dreams into reality by signing up below:
tinyurl.com/LIMITLESS26Registration
tinyurl.com/LIMITLESS26Registration
tinyurl.com/LIMITLESS26Registration
๐ง For inquiries, you may contact us at
[email protected]
In cooperation with:
Jollibee Foods Corporation
KPMG International Limited
20/04/2026
๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐บ๐๐น๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ.
Inaanyayahan kayo ng PASABOG 2026 na dumalo sa ๐ฃ๐๐ฆ๐๐ก๐๐: ๐๐ฆ๐ฆ๐ฃ ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ฟ ngayong ika-21 ng Abril, mula 4:30 PM hanggang 6:00 PM sa Pilar Herrera Hall.
Dito, kikilatisin ang tunguhin, kasaysayan, at ideolohiya ng mga partido-politikal ng ating pamantasan. Handa na upang imungkahi ang pundasyon ng kanilang paninidigan.
Kaya naman, bilang paghahanda sa darating na , hayaang magsilbing gabay ang PASINDI sa masusi at matinik na pagtatasa ng mga kakandidato sa konseho.
Ang pagboto ay hindi ginagawa nang nakapikit; ito ay nagsisimula sa kritikal na pagsusuri bago ang halalan.
Ito ay hatid sa inyo ng UP Political Society, kasama ang Office of Student Affairs.
09/04/2026
KAGITINGAN NG BAYAN, HUSTISYA SA KRISIS: PANAGUTIN ANG PAMAMALAKAD NA NAGPAPAHIRAP SA GITNA NG KRISIS SA LANGIS!
Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, muli nating pinapaalala ang mga sakripisyo ng ating mga bayani sa dugoโt pawis na kanilang inialay sa pakikidigma upang maipagtanggol ang bayan mula sa pananakop at karahasan. Ngunit sa araw na ito, higit nating nauunawaan na ang diwa ng kagitingan ay hindi lamang nakaukit sa nakaraan. Atin ring kinikilala ang araw-araw na pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa gutom, kahirapan, at kapabayaan ng pamahalaan.
Sa harap ng lumalalang krisis sa langis, kung saan ang presyo ay pumapalo sa mahigit kumulang P166 - P170 kada litro ang diesel[1], bawat sentimo ng pamasahe, presyo ng pagkain, at gastos sa kabuhayan ay nagiging mabigat na pasanin ng ordinaryong Pilipino. Sa mga palengke, sa kalsada, sa pabrika, at maging sa tahanan, dama ng mamamayan ang matinding hirap na dulot ng walang humpay na pagtaas ng presyo. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, tila walang kongkretong tugon ang mga nasa kapangyarihan. Nananatiling tahimik at mabagal ang mga nasa pwesto, tila bulag sa tunay na kalagayan ng bansa at bingi sa panawagan ng taumbayan. Habang naghihigpit ang sikmura ng mamamayan, namamayani ang kawalan ng pananagutan mula sa mga opisyal na dapat sanaโy nangunguna sa paghahanap ng solusyon.
Kaya sa araw na ito, dapat nating kilalanin na ang tunay na kagitingan ay nasa mga ordinaryong Pilipinong hindi sumusuko sa gitna ng krisis. Nasa mga jeepney driver, mga manggagawang patuloy na naghahanapbuhay kahit pataas nang pataas ang presyo ng langis at ng mga bilihin, mga estudyante, at mga magulang na araw-araw gumagawa ng paraan para may makain ang kanilang mga anak ang tunay na diwa ng kagitingan. Nasa mga mamamayang naglalakas-loob humingi ng hustisya, tapat na pamamahala, at tunay na serbisyong publiko mula sa mga awtoridad.
Ang panawagang ito ay hindi lamang pagsigaw ng hinaing kundi pag-giit ng ating karapatan. Sapagkat habang patuloy na inuuna ng ilang nasa posisyon ang kanilang pansariling interes, pinapaalala ng kasaysayan na ang lakas at kapangyarihan ay nagmumula sa taumbayan. At sa harap ng krisis at kawalan ng malinaw na direksyon para sa kinabukasan, higit kailanman kailangan ang sama-samang pagkilos ng sambayanan. Kailangan nating tayuan ang tama, ipaglaban ang karapatan, at kumilos bilang iisang lakas para sa kinabukasan.
Sapagkat ang kagitingan ay hindi lamang nasa mga monumento. Ang tunay na bayani ay ang mamamayang araw-araw na lumalaban para mabuhay, para sa kinabukasan ng kanilang mga anak, at ang taumbayan na patuloy na nanawagan para sa isang lipunang mas ligtas, mas patas, at tunay na makatarungan.
At sa harap ng lahat ng pagsubok na ito, isang katotohanan ang hindi mabubura: Habang patuloy na lumalaban ang taumbayan, hindi kailanman magwawagi ang krisis na dulot ng patong-patong na presyo sa petrolyo at bilihin. Sa huli, mula sa sama-samang paglaban, unti-unting nahahawakan ang landas tungo sa mas makatarungang bukas.
Reference
Galang, Gabriell Christel. โBig-time Fuel Hike: Diesel to Spike โฑ19, Gasoline โฑ5 Next Week.โ Manila Bulletin, April 3, 2026. https://mb.com.ph/2026/04/03/big-time-fuel-hike-diesel-to-spike-19-gasoline-5-next-week #:~:text=Manila%20Bulletin%20Business%20The%20Economy,around%20%E2%82%B1120%20per%20liter.
03/04/2026
๐MAY NANALO NA! ๐
Congratulations to the Ki Phi Mala Khi Dynasty for radiating their unwavering spirit and bagging the championship of Dynasty Feud 3.0! ๐
Last March 25, five dynasties contended for the top spot in Dynasty Feud 3.0. Ending with a victorious accumulation of witty answers in the Fast Money round, the Ki Phi Mala Khi Dynasty triumphed over Diabetic Dynasty, ending as the champion and second placer respectively. Meanwhile, Aguinaldo Dynasty gloriously ended their run in the triple money round as the 3rd placer, triumphantly winning over Shimenet Dynasty and Qing Dynasty in the double money round.๐จ
Dynasty Feud 3.0 ended spectacularly, perfectly capturing collaboration and conflict through a heated battle of cunning strategies, intellect, and creativity among all 5 participating dynasties. ๐ฅ
UP APSM is wholeheartedly grateful for everyone's active participation in this yearโs rendition of Dynasty Feud. We will see you next time! โค๏ธโ๐ฅ
In partnership with:
HallyUP
Association of Political Science Organizations of the Philippines
Media Partner:
WhenInManila.com
.0