Sgt Baniaga

Directions Website

Sgt Baniaga For Official Business

29/05/2026

𝐌𝐀𝐋𝐀𝐊𝐈𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐊𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀 𝐈𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐃𝐑𝐎𝐆𝐀, 𝐍𝐀𝐆𝐑𝐄𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐀𝐑𝐄𝐒𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐊 𝐒𝐀 𝐋𝐎𝐎𝐂, 𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎

Muling pinatunayan ng pinagsanib na pwersa ng law enforcement agencies ang kanilang matatag na kampanya laban sa ilegal na droga matapos matagumpay na maipatupad ang Search Warrant operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal sa Sitio Kaybunga, Brgy. Bulacan, Looc, Occidental Mindoro nitong alas-9:15 ng umaga, Mayo 29, 2026.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Alyas “Pit”, 63 taong gulang, at Alyas “Tin”, 51 taong gulang, at parehong residente ng Sitio Kaybunga, Brgy. Bulacan, Looc, Occidental Mindoro.

Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng Search Warrant para sa paglabag sa Section 8 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinangunahan ang operasyon ng PNP DEG SOU4A sa pangunguna ni PCOL RICHARD IAN ANG, katuwang ang PDEA NCR Southern District Office, Batangas 1st PMFC, DRDO PRO4A RPDEU, PNP Maritime Group, PNP SAF, Philippine Coast Guard units, PRO4B, PDEA 4B OCCMIN, RMFB 4B, at Occidental Mindoro Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL TIMOTEO L. ESPIRITU, JR., kasama rin ang iba pang law enforcement agencies.

Nagsilbing mga saksi sa operasyon ang isang Brgy. Kagawad ng Brgy. Bulacan, Looc, Occidental Mindoro, isang kinatawan ng DOJ, at isang media representative.

Sa kasalukuyan, nasa pansamantalang kustodiya ng PNP DEG SOU4A ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang nagpapatuloy pa ang imbentaryo sa pinaghihinalaang clandestine illegal drug laboratory.

Samantala, nagpahayag naman si PCOL TIMOTEO L. ESPIRITU JR., Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, ng kanyang suporta at pagpupugay sa matagumpay na operasyon.

“Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng matibay na koordinasyon at pagkakaisa ng iba’t ibang law enforcement agencies sa laban kontra ilegal na droga. Hindi tayo titigil sa pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mamamayan ng Occidental Mindoro. Patuloy nating palalakasin ang ating kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad para sa isang ligtas at maayos na komunidad,” ani PCOL ESPIRITU, JR.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng kapulisan ang publiko na makiisa at agad na magsumbong sa mga awtoridad hinggil sa anumang ilegal na aktibidad upang mas mapalakas pa ang kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga.



28/05/2026

"Hinihikayat ang publiko na manatiling kalmado, mapagbantay, at mag-ulat ng mga kahina-hinalang aktibidad."



23/05/2026
23/05/2026

𝐊𝐀𝐏𝐔𝐋𝐈𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐁𝐋𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐌𝐏𝐒, 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐀𝐒𝐓𝐀𝐋 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍-𝐔𝐏

Sa kabila iba’t ibang gawain na ginagampanan ng ating mga kapulisan, ang pagiging makakalikasan at pagmamalasakit dito ay parti ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Noong ika-22 ng Mayo, taong kasalukuyan, ang kapulisan ng Sablayan Municipal Police Station sa pamumuno ni PLTCOL WILSON B CUEVO, Chief of Police, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL TIMOTEO L ESPIRITU JR, Provincial Director, Occidental Mindoro Police Provincial Office ay nagsagawa ng Coastal Clean-Up Activity katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, volunteers, at mga residente sa baybayin ng Brgy. Poblacion, Sablayan, Occidental Mindoro.

Sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, matagumpay na naisagawa ang paglilinis sa ilang bahagi ng dalampasigan bilang ambag sa pagpapanatili ng malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran para sa mamamayan at mga yamang-dagat.

Ipinapakita ng gawaing ito ang pagkakaisa, kooperasyon, at malasakit ng komunidad para sa kalikasan. Patuloy namang hinihikayat ng Occidental Mindoro PPO ang publiko na makibahagi sa mga programang nagtataguyod ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating kapaligiran habang sinusulit natin ang bakasyon.



23/05/2026

𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄 𝐍𝐏𝐀 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋𝐒, 𝐎𝐍𝐄 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝐒𝐔𝐑𝐑𝐄𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐓𝐎 𝐀𝐑𝐌𝐘 𝐈𝐍 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐆𝐀

Four New People's Army rebels -- three officials and a member -- surrendered to the different units of the Philippine Army's 401st Infantry Brigade (401Bde) over the weekend.

In a statement Sunday, the Army said a series of surrenders took place in the provinces of Surigao del Sur and Agusan del Norte on May 15 and 16.
Joint operations conducted by the 75th Infantry Battalion and the 3rd Special Forces Battalion on May 15 resulted in the surrender of two officials of the Regional Sentro De Grabidad of the North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) of the NPA.

They were identified as Lovilito Lamela, alias "Bero" or "Hapon", the squad leader, and Gina Sawan, alias "LG", the medical officer of the same unit.
They handed over during the surrender one AK-47 r***e, one r***e gr***de, one scope, and three AK-47 r***e magazines.

On May 16, Eusebio Gultiano Peru, also known as Lee/Pitong/Tarzan/Carpo, also yielded in Marihatag, Surigao del Sur.

Peru led the government troops to an area in Barangay Bayan of the same town to recover his concealed R4 r***e with one magazine loaded with six rounds of am******on.

On May 15, a member of Squad 2, Sub-Regional Sentro De Grabidad Westland of NEMRC, identified as Cheryl Tremidal Neniel, alias Melon, also surrendered to the troops in Barangay Del Pilar, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

“These successive surrenders clearly indicate the final and eventual collapse of the Communist Terrorist Group structure in the Caraga Region,” said Col. Glenn Joy Aynera, the acting commander of 401Bde. (PNA)

https://www.pna.gov.ph/articles/1275192?fbclid...



23/05/2026
23/05/2026

𝐏𝐈𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐈𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐅𝐅, 𝐒𝐔𝐌𝐔𝐊𝐎 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐆-𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐎𝐕𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝟐𝟕 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

MAGUINDANAO DEL SUR— Pitong (7) miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang kusang-loob na nagbalik-loob sa pamahalaan sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur. Sa ilalim ng programang Balik-Baril at Balik-Loob, isinuko nila ang 27 na iba't ibang uri ng armas sa 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion ng Philippine Army sa Barangay Kabengi.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga nasabing armas ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pamahalaan para sa dokumentasyon at tamang pagproseso. Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pinaigting na operasyong pangkapayapaan at seguridad ng 601st Infantry (Unifier) Brigade sa pamumuno ni BGEN EDGAR L CATU PA.

Bilang suporta sa kanilang pagbabagong-buhay, ang mga dating rebelde ay nabigyan ng tulong pinansyal at pangkabuhayan. Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap at pagtutulungan ng militar at lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Central Mindanao.

𝐑𝐄𝐀𝐃: https://www.facebook.com/share/p/1E3tem15Kj/

23/05/2026

𝟐𝐍𝐃 𝐎𝐂𝐂𝐌𝐈𝐍 𝐏𝐌𝐅𝐂, 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐈𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐆𝐔𝐑𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐒𝐀 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐁𝐔𝐑𝐀𝐎

Nagbigay ng area security ang mga tauhan ng 2nd Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company sa isinagawang Youth Leadership Summit na ginanap noong May 21 -23, 2026 sa Tayamaan Elementary School, Brgy. Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro.

Pinangunahan ni PAT Jeric Limos, team member ng 2nd OccMin PMFC, ang pagbibigay ng seguridad upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga kalahok, organizers, at mga panauhin sa buong duration ng aktibidad.

Layunin ng naturang Youth Leadership Summit na hubugin ang kakayahan sa pamumuno ng mga kabataan at palakasin ang kanilang partisipasyon sa komunidad. Sa pamamagitan ng presensya ng kapulisan, naging maayos at mapayapa ang daloy ng programa na nagbigay ng ligtas na kapaligiran para sa pagkatuto at youth empowerment.

Patuloy namang pinaiigting ng Occidental Mindoro PPO sa pamumuno ni PCOL TIMOTEO L ESPIRITU, JR - Provincial Director ang pakikipag-ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng seguridad at suporta sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan at pag-unlad ng Kabataan alinsunod sa adhikain ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas.



23/05/2026

𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗦𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝐋𝐀𝐋𝐀𝐖𝐈𝐆𝐀𝐍

Patuloy ang pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at katahimikan sa iba’t ibang bayan ng Occidental Mindoro sa pamamagitan ng mas pinaigting na police visibility, regular na pagpapatrolya, at pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa komunidad. Sa pamumuno ni PCOL TIMOTEO L ESPIRITU, JR,Provincial Director, patuloy na nagsasagawa ang kapulisan ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan sa lalawigan.

Kabilang sa mga isinasagawang programa ng kapulisan ang pagpapatupad ng checkpoints, dialogue sa mga residente, at information dissemination upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad. Layunin din ng mga gawaing ito na mapalakas ang tiwala at kooperasyon ng publiko sa hanay ng kapulisan, bilang katuwang sa pagpapanatili ng mapayapa at maayos na pamayanan.

Hinihikayat ng Occidental Mindoro Police Provincial Office ang lahat ng mamamayan na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng agarang pagre-report ng anumang kahina-hinalang tao, aktibidad, o insidente sa kanilang lugar. Ang aktibong partisipasyon ng komunidad ay mahalagang susi upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro.



23/05/2026

𝐏𝐍𝐏 𝐆𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐄𝐄𝐃𝐒 || 𝐌𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐒 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐆𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐑-𝐏𝐒𝐁 𝟏𝐬𝐭 𝐎𝐌𝐏𝐌𝐅𝐂, 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐒𝐊 𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑𝐌𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐆𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐘

Agad na tumugon at nagbigay ng tulong ang mga kapulisan ng R-PSB ng 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company (1st OMPMFC) sa pamumuno ni PLT ALBERT C CASAÑAS matapos mawalan ng malay si G. Jayson Zabanal, 22 taong gulang at kasalukuyang SK Chairman ng Brgy. Sibalat, Magsaysay, Occidental Mindoro, kaninang alas-4:30 ng hapon.

Ayon sa ulat, bigla umanong nawalan ng malay si G. Zabanal habang nasa kanyang tungkulin. Dahil dito, mabilis na umaksyon ang mga tauhan ng R-PSB kasama ang Barangay Health Workers (BHW) ng Brgy. Sibalat upang maihatid siya sa Rural Health Unit (RHU) ng Magsaysay para mabigyan ng agarang lunas at atensyong medikal.

Ipinakita ng naturang insidente ang kahandaan at malasakit ng kapulisan sa pagbibigay ng agarang responde sa oras ng pangangailangan ng mamamayan.

Patuloy namang paiigtingin ng Occidental Mindoro PPO sa pamumuno ni PCOL TIMETEO L ESPIRITU, JR – Provincial Director, ang aming dedikasyon sa paglilingkod at pagiging katuwang ng komunidad upang mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.



Address

Brgy. Labangan Poblacion, Occidental Mindoro
San Jose
5100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sgt Baniaga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share