30/10/2026
🌦️ 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 October 30, 2026
🌧️ 𝗠𝗚𝗔 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠𝗦
• LPA: Namataan 585 km silangan ng Borongan City, Eastern Samar. Ang trough nito ay nagdudulot ng posibilidad ng pag-ulan sa Palawan, Visayas, at Mindanao.
• Shear Line: Nakaaapekto sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon, na maaaring magdala ng mga pag-ulan.
• Amihan: Nakaaapekto sa natitirang bahagi ng Northern Luzon.
• Super Typhoon IN-FA: Nasa labas ng PAR, 2,935 km silangan ng Northern Luzon, na may lakas ng hangin na 185 km/h at pagbugsong 230 km/h.
Posibleng pumasok sa PAR sa Lunes o Martes at tatawaging Samuel.
🌤️ 𝗧𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡
• Luzon: Karaniwang maganda ang panahon sa malaking bahagi nito, maliban sa silangang Northern at Central Luzon na maaaring makaranas ng pag-ulan.
• Palawan, Visayas, at Mindanao: Maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA.
📍 𝗢𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢
🌡️ Temperature: 26–32°C 💨 Wind: Light to Moderate (Northeast) 🌊 Coastal Waters: Slight to Moderate
🕯️ 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝗪𝗘𝗘𝗞𝗘𝗡𝗗 𝗢𝗨𝗧𝗟𝗢𝗢𝗞
Inaasahang karaniwang maganda ang panahon sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang Occidental Mindoro.
Gayunman, posible ang mga pag-ulan sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Mas mataas naman ang posibilidad ng pag-ulan sa Palawan, Visayas, at Mindanao. Posible rin ang localized thunderstorms sa hapon at gabi.
Magdala ng payong at mag-ingat sa mainit na panahon, lalo na sa mga bibisita sa mga sementeryo ngayong Undas.
📢 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather updates mula sa DOST-PAGASA.
📞 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗦𝗘 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘 0919 925 3810
Stay safe, alert, and be prepared!