10/11/2026
📢 OKTUBRE 28, 2026
Naimbitahan ang City Population Office - Teen Information Center/ Youth Development Office sa isinagawang Mental Health Awareness Program ng Sto. Niño 3rd National HS.
Nagsilbing Resource Speaker sa naturang programa si Ms. Mae Zusette Mendoza - Youth Development Officer IV na dinaluhan ng mga estudyante mula sa grade 8 at grade 10.
Naging makabuluhan ang talakayan patungkol sa Mental Health na napapanahong usapin sa mga kabataan.
Patuloy nating palaganapin ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng kalusugang pangkaisipan. Tandaan, mahalagang makinig, umunawa at sumuporta sa isa't isa. Hindi kahinaan ang humingi ng tulong. Hindi ka nag-iisa at mahalaga ka 💚