Provincial DOH Office - Tarlac

Directions Contact the organization

Provincial DOH Office - Tarlac Provincial Department of Health Office - Tarlac

Para  , Prevent TB! Nagsagawa ng Community Engagement Activity ang DOH Central Luzon at lokal na pamahalaan ng Paniqui, ...
21/10/2026

Para , Prevent TB!

Nagsagawa ng Community Engagement Activity ang DOH Central Luzon at lokal na pamahalaan ng Paniqui, Tarlac ngayong araw, Oktubre 21, para sa Tuberculosis (TB) Prevention and Control.

Sinimulan ito sa talakayan tungkol sa TB, na sinundan ng breakout sessions upang mas maunawaan ng komunidad kung ano ang TB at paano makaiiwas dito.

Samantala, bahagi rin ng nasabing gawain ang TB screening kung saan libreng nakapagpa-chest x-ray ang mga miyembro ng komunidad, health workers, at Civil Society Organization na dumalo dito.




ALAMIN ANG MGA SENYALES NG ADHDđź§ Napapansin mo bang hirap mag-pokus, laging hindi mapakali, o mabilis magsalita at kumilo...
21/10/2026

ALAMIN ANG MGA SENYALES NG ADHDđź§ 

Napapansin mo bang hirap mag-pokus, laging hindi mapakali, o mabilis magsalita at kumilos ang iyong anak? Maaaring ito ay mga senyales ng Attention Deficit / Hyperactivity Disorder o ADHD.

Ang maagang pag-unawa at konsultasyon sa mga eksperto ay mahalaga upang maibigay sa kanila ang tamang gabay at suporta.

Kapag nakakakita ng mga senyales na ito kumonsulta sa iyonv YAKAP clinic or pumunta sa pinakamalapit na Primary Care Facility with mhGAP services.





PROTEKTAHAN ANG KATAWAN MULA SA INIT NG EL NIÑO!Mas mataas ang panganib ng heat-related illnesses ngayong El Niño, lalo ...
19/10/2026

PROTEKTAHAN ANG KATAWAN MULA SA INIT NG EL NIÑO!

Mas mataas ang panganib ng heat-related illnesses ngayong El Niño, lalo na sa mga bumibyahe at nagtatrabaho. Iwasan ang matagal na pagbabad sa matinding init, magpahinga sa lilim, uminom ng sapat na tubig, at magsuot ng damit na magaan at pamproteksyon sa araw. Huminto agad kapag nahihilo o nanghihina, at bantayan ang isa’t isa sa trabaho.

Ingatan ang sarili at pamilya laban sa El Niño. Tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 kapag kailangan ng tulong.





Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela! đź’‰Upang magbigay proteksyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabakuna...
17/10/2026

Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela! đź’‰

Upang magbigay proteksyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabakuna, isinasagawa ng Department of Health, katuwang ang Department of Education, ang Bakuna Eskwela sa mga pampublikong paaralan. 🏫

Sa ilalim ng Bakuna Eskwela, protektado ang mga mag-aaral sa mga vaccine preventable diseases (VPDs) tulad ng:
âś…measles;
âś…rubella;
âś…diphtheria; at
âś… human papillomavirus.

Ang Bakuna Eskwela ay para sa mga mag-aaral na kabilang sa mga itinakdang baitang, alinsunod sa mga inirerekomendang bakuna:

Para sa Grade 1 at Grade 7:
đź’‰Measles-Rubella
đź’‰Tetanus-Diphtheria

Para sa Grade 4 at Grade 5 na babae:
đź’‰ Human Papillomavirus (HPV)

Magpabakuna na para protektado mula sa cervical cancer, tigdas, tigdas-hangin, tetanus, at dipterya! 🛡



Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!Kasalukuyang isinasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela n...
07/10/2026

Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!
Kasalukuyang isinasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela na naglalayong magbigay proteksyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga paaralan laban sa mga vaccine preventable diseases (VPDs) tulad ng:
âś… measles;
âś… rubella;
âś… diphtheria; at
âś… human papillomavirus.
Ang Bakuna Eskwela ay para sa mga mag-aaral na kabilang sa mga itinakdang baitang, alinsunod sa mga inirerekomendang bakuna:
Para sa Grade 1 at Grade 7:
âś… Measles-Rubella
âś… Tetanus-Diphtheria
Para sa Grade 4 at Grade 5 na babae:
âś…Human Papillomavirus (HPV)
Magpabakuna Na!



!

REGULAR NA BREAST CANCER SCREENING, SUSI SA MAAGAP NA PAGGALING!Nananatiling nangungunang uri ng kanser sa Pilipinas ang...
07/10/2026

REGULAR NA BREAST CANCER SCREENING, SUSI SA MAAGAP NA PAGGALING!
Nananatiling nangungunang uri ng kanser sa Pilipinas ang Breast Cancer na may higit 33,000 na bagong kaso at higit 11,000 na namamatay taon-taon. Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso nito, mahalagang matuklasan ang sakit habang maaga pa.
Upang maprotektahan ang ating kababaihan, inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang mga sumusunod:
MANDATORY SCREENING (EDAD 50–69 TAONG GULANG):
Magpatingin sa pinakamalapit na health facility para sa Clinical Breast Examination (CBE) o Mammogram bawat 2 taon. Ito ang pinakakritikal na paraan upang matukoy ang kanser sa pinakamaagang yugto.
SA TAHANAN:
Maging pamilyar sa sariling katawan sa pamamagitan ng Breast Self-Examination (BSE). Kung may makapang kakaibang bukol o anumang pagbabago sa dibdib, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na doktor o health center.
Huwag matakot magpasuri! Ang maagang pagtuklas ay nagbibigay ng mas malaking tsansa sa paggaling!




REGULAR NA BREAST CANCER SCREENING, SUSI SA MAAGAP NA PAGGALING!

Nananatiling nangungunang uri ng kanser sa Pilipinas ang Breast Cancer na may higit 33,000 na bagong kaso at higit 11,000 na namamatay taon-taon. Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso nito, mahalagang matuklasan ang sakit habang maaga pa.

Upang maprotektahan ang ating kababaihan, inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang mga sumusunod:

MANDATORY SCREENING (EDAD 50–69 TAONG GULANG):
Magpatingin sa pinakamalapit na health facility para sa Clinical Breast Examination (CBE) o Mammogram bawat 2 taon. Ito ang pinakakritikal na paraan upang matukoy ang kanser sa pinakamaagang yugto.

SA TAHANAN:
Maging pamilyar sa sariling katawan sa pamamagitan ng Breast Self-Examination (BSE). Kung may makapang kakaibang bukol o anumang pagbabago sa dibdib, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na doktor o health center.

Huwag matakot magpasuri! Ang maagang pagtuklas ay nagbibigay ng mas malaking tsansa sa paggaling!





PUBLIC ADVISORYThe Provincial DOH Office-Tarlac will be CLOSED on Monday, September 28, 2026, starting at 1:00 in the af...
26/09/2026

PUBLIC ADVISORY

The Provincial DOH Office-Tarlac will be CLOSED on Monday, September 28, 2026, starting at 1:00 in the afternoon in celebration of the "Kainang Pamilya Mahalaga" Day.

(Proclamation No. 326 (s. 2012) declared 4th Monday of September of every year as "Kainang Pamilya Mahalaga" Day and Memorandum Circular No. 136 suspended work in government agencies starting at 1:00 PM)

Office transactions will resume on Tuesday, September 29, 2026.

For inquiries and concerns, you may reach us through our official email:
[email protected]

DOH: PROTEKTAHAN ANG PAMILYA SA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON O INFLUENZA-LIKE ILLNESSESDetalye sa...
12/09/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG PAMILYA SA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON O INFLUENZA-LIKE ILLNESSES

Detalye sa comment section.






MAAGAP NA PAGPAPASURI AT GAMUTAN, SUSI SA MAS MATAAS NA TSANSA SA PAGGALING! Taon-taon, libo-libong bata ang naoobserbah...
12/09/2026

MAAGAP NA PAGPAPASURI AT GAMUTAN, SUSI SA MAS MATAAS NA TSANSA SA PAGGALING!

Taon-taon, libo-libong bata ang naoobserbahang may iba't ibang uri ng kanser, tulad ng leukemia. Ang maagang pagtukoy sa mga sintomas nito ay may malaking papel sa matagumpay na paggaling.

Magmatyag sa mga warning signs tulad ng paulit-ulit o hindi maipaliwanag na lagnat, mabilis na pagkakaroon ng pasa, pamamaga o bukol sa katawan, at biglaang pagbagsak ng timbang. Ipa-konsulta agad ang bata sa pinakamalapit na health center o doktor.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga benepisyo at tulong para sa kanser, i-scan ang QR code o bisitahin ang linktr.ee/DOHCancerSupport.




DOH: MAGING MAINGAT SA INUMING TUBIG AT PAGKAIN!Detalye sa comment section.
12/09/2026

DOH: MAGING MAINGAT SA INUMING TUBIG AT PAGKAIN!

Detalye sa comment section.





Address

Tarlac Provincial Hospital Compound, San Vicente
Tarlac
2300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial DOH Office - Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Provincial DOH Office - Tarlac:

Shortcuts

Share