06/11/2026
🛡️ 𝐒𝐓𝐎𝐏 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐏𝐑𝐄𝐀𝐃! 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐅𝐥𝐮
Sa panahon ng flu season, mahalagang maging mapagmatyag at responsable upang maprotektahan ang ating sarili, lalo na ang mga bata at matatanda na mas madaling maapektuhan ng sakit. Patuloy na hinihikayat ng Provincial Health Office ng Oriental Mindoro ang ating mga kababayan na unahin ang mga hakbang sa preventive health upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa ating mga komunidad.
✅ Uminom ng sapat na tubig upang manatiling hydrated
✅ Madalas na maghugas o mag-sanitize ng kamay
✅ Magsuot ng facemask kung kinakailangan, lalo na para sa mga nakatatanda at may karamdaman
✅ Iwasan ang matataong lugar kapag may sintomas o may mataas na panganib ng pagkahawa
Kung makararanas ng mga sintomas tulad ng lagnat, sipon, ubo, pananakit ng katawan, o iba pang palatandaan ng flu, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center o ospital upang makatanggap ng tamang payo at serbisyong pangkalusugan.
💚 𝘈𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘶𝘴𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘳𝘢𝘸-𝘢𝘳𝘢𝘸.
💚 𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘶𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘴 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘭𝘶𝘴𝘰𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘬𝘰𝘮𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥.
Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog na Oriental Mindoro!
𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐: 𝒀𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝑳𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏!💚