Department of Public Works and Highways

Call Directions Website Contact the organization

Department of Public Works and Highways The engineering and construction arm of the Philippine government.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Nakiisa ang mga opisyal at kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Central Office sa 4th Quart...
05/11/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Nakiisa ang mga opisyal at kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Central Office sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Huwebes, Nobyembre 5, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking handa at may sapat na kaalaman ang bawat emleyado sa mga tamang hakbang sa oras ng lindol at sakuna.

Ayon kay Public Works Secretary Banoy Lopez, mahalaga ang pagsasagawa at pakikiisa sa NSED para gabayan ang mga empleyado sa mas mabilis na paglikas kung sakaling may lindol, upang masiguro ang kanilang kaligtasan.


𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐓𝐇𝐀𝐍𝐊𝐒 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐓𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐑𝐄𝐌𝐎𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐍-𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐈𝐀𝐍𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓𝐒𝘗𝘉𝘉𝘔: 𝘕𝘰 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦, 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘦𝘳 𝘥𝘰𝘤𝘴, 𝘯𝘰 𝘱𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵The Department of Public...
04/11/2026

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐓𝐇𝐀𝐍𝐊𝐒 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐓𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐑𝐄𝐌𝐎𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐍-𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐈𝐀𝐍𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓𝐒
𝘗𝘉𝘉𝘔: 𝘕𝘰 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦, 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘦𝘳 𝘥𝘰𝘤𝘴, 𝘯𝘰 𝘱𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵

The Department of Public Works and Highways (DPWH) welcomed the Senate’s move of removing P8.8 billion worth of 295 projects from the proposed 2027 National Expenditure Program (NEP) without proper documentation as the agency cracks down on ghost infrastructure projects.

President Ferdinand Marcos Jr. has directed the DPWH to ensure that submitted projects for inclusion in the 2027 spending plan are accompanied by supporting documents after former Secretary Vince Dizon informed the upper chamber that 295 projects lacked requisite documents from district engineering offices (DEOs), thereby recommending the removal of submitted projects.

Public Works Secretary Banoy Lopez said that reforms started by Secretary Dizon will continue as project proponents must produce Approved Program of Work (POW), Validated Geo-Tagged Photos, Budget Preparation (BP) 202 Compliance, Certificate of Implementability, and Masterplan /Feasibility Study / Regional Development Councils (RDC)/Local Development Councils (LDC) endorsement, or Certificate of Non-Objection before it can be included in the 2027 NEP.

“Ang mahigpit na bilin sa atin ng Pangulong Marcos ay dapat walang makakalusot na proyektong kulang sa dokumento para masiguro natin na pisikal at aktwal na mararamdaman ng mga kababayan natin ang mga proyektong ating i-implement. Siniguro ni Secretary Vince Dizon na dapat transparent ang mga proyektong kasama sa budget ng pamahalaan kaya dapat maimplement natin ito ng maayos at tama,” said Secretary Lopez.

𝐄𝐃𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐒 𝐋𝐀𝐍𝐄 𝐄𝐊𝐒𝐊𝐋𝐔𝐒𝐈𝐁𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐔𝐒; 𝐋𝐀𝐍𝐄 𝟏–𝟒, 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐑𝐈𝐁𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐀𝐖: Mananatiling eksklus...
03/11/2026

𝐄𝐃𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐒 𝐋𝐀𝐍𝐄 𝐄𝐊𝐒𝐊𝐋𝐔𝐒𝐈𝐁𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐔𝐒; 𝐋𝐀𝐍𝐄 𝟏–𝟒, 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐑𝐈𝐁𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍

𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐀𝐖: Mananatiling eksklusibo para sa mga bus ang EDSA Bus Lane, habang maaaring gamitin ng mga pribadong sasakyan ang Lane 1 hanggang Lane 4 ng EDSA Southbound sa loob ng dalawang linggo habang nagpapatuloy ang EDSA Rehabilitation Phase 2 sa kahabaan ng EDSA mula Nepa Q-Mart sa Cubao hanggang Guadalupe Southbound.

Kaugnay nito, patuloy na ipinatutupad ang mga traffic management measures katulong ang MMDA, at naglagay din ng traffic signages sa mga apektadong lugar upang makatulong sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko kasabay ng isinasagawang reblocking works sa mga apektadong bahagi ng EDSA.

Hinihikayat ang mga motoristang sundin ang mga nakatalagang traffic signs at onsite advisories upang mapanatiling tuluy-tuloy, ligtas at maayos ang daloy ng trapiko.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Mas maluwag at tuluy-tuloy na ang daloy ng trapiko sa Pasig Blvd-C5 Flyover sa Bagong Ilog, Pasig City matapos ...
03/11/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Mas maluwag at tuluy-tuloy na ang daloy ng trapiko sa Pasig Blvd-C5 Flyover sa Bagong Ilog, Pasig City matapos mabuksan ahead of schedule ang northbound lane alas-dose ng tanghali kahapon at ang southbound lane alas-dose ng hatinggabi ng Martes, para makatipid sa oras ng biyahe ang mga motorista at komyuter.

Sinabi ni Public Works Secretary Banoy Lopez sa pag-inspeksyon nila ni Transportation Secretary Vince Dizon ng flyover nitong Martes na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na buksan agad ang kritikal na imprastruktura upang mapagaan ang biyahe ng mga motorista at komyuter na uuwi mula sa mga probinsya at babalik na sa trabaho at eskwelahan matapos ang Undas.

Inanunsiyo rin ni Secretary Lopez na bilang bahagi ng pagpapatuloy ng mga proyektong inumpisahan ni Secretary Dizon, sisimulan na rin ang rehabilitasyon ng C5 Road para matiyak na ligtas at mabilis ang biyahe ng mga komyuter at motorista na matagal nang nagtitiis sa mga lubak at sira-sirang bahagi ng kalsada.

02/11/2026

𝐏𝐁𝐁𝐌: 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐍𝐄 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐂𝐎𝐒 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐖𝐀𝐘, 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐓𝐀𝐋𝐎𝐘 𝐒𝐔𝐑 𝐒𝐀 𝐓𝐔𝐁𝐀, 𝐁𝐄𝐍𝐆𝐔𝐄𝐓, 𝐁𝐔𝐊𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐀
𝘗𝘢𝘨𝘵𝘪𝘵𝘪𝘪𝘴 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘰𝘵𝘰𝘳𝘪𝘴𝘵𝘢, 𝘬𝘰𝘮𝘺𝘶𝘵𝘦𝘳 𝘴𝘢 𝘰𝘯𝘦-𝘭𝘢𝘯𝘦, 𝘴𝘵𝘰𝘱-𝘢𝘯𝘥-𝘨𝘰 𝘴𝘤𝘩𝘦𝘮𝘦, 𝘮𝘢𝘪𝘪𝘣𝘴𝘢𝘯

Tuluy-tuloy at makakatipid na sa oras ng biyahe ang mga motorista, komyuter at turistang daraan sa Marcos Highway sa Brgy. Taloy Sur sa Tuba, Benguet ngayong paparating na holiday season, matapos buksan ang isa pang linya ng kalsada nitong Biyernes ng gabi, October 30.

Sinabi ni Public Works Secretary Banoy Lopez na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking matatapos ang mga proyektong ipinangako ni dating Secretary Vince Dizon, lalo na ang mga ilang taon nang naka-tengga, para mapakinabangan na ito ng taumbayan.

“Sasadyain ko, pupuntahan ko ‘yung mga proyekto and I’m going to hold them [Regional Directors, District Engineers] accountable and I’m going to hold on to their commitments. Regardless of the change in leadership, ‘yung commitment is a commitment, as simple as that,” ayon sa Kalihim matapos inspeksyunin ang gumuhong bahagi ng Marcos Highway sa Brgy. Taloy Sur sa Tuba, Benguet.

𝐂𝟓 𝐁𝐎𝐍𝐈 𝐒𝐄𝐑𝐑𝐀𝐍𝐎 𝐅𝐋𝐘𝐎𝐕𝐄𝐑 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐂𝐇𝐀𝐍𝐆𝐄 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐇𝐁𝐎𝐔𝐍𝐃, 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀Muli nang madaraanan ng mga motorista ang C5 Boni Serrano Flyove...
02/11/2026

𝐂𝟓 𝐁𝐎𝐍𝐈 𝐒𝐄𝐑𝐑𝐀𝐍𝐎 𝐅𝐋𝐘𝐎𝐕𝐄𝐑 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐂𝐇𝐀𝐍𝐆𝐄 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐇𝐁𝐎𝐔𝐍𝐃, 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀

Muli nang madaraanan ng mga motorista ang C5 Boni Serrano Flyover Interchange Northbound simula alas-3:00 ng hapon ngayong Nobyembre 2, mas maaga sa orihinal nitong iskedyul.

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang pagkukumpuni ng tulay at agarang mabuksan muli ang flyover para sa mga motoristang bumabagtas sa Quezon City, tiniyak ni Secretary Banoy Lopez na natapos ng DPWH ang kinakailangang repair works nang may kalidad at masisiguro ang kaligtasan ng mga dumadaan dito.

Pinapayuhan ang lahat ng motorista na sumunod sa road safety measures sa pagbaybay sa flyover.

𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆 𝐁𝐋𝐕𝐃-𝐂𝟓 𝐅𝐋𝐘𝐎𝐕𝐄𝐑 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐇𝐁𝐎𝐔𝐍𝐃, 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀Muli nang madaraanan ang Pasig Blvd-C5 Flyover Northbound simula kaninang alas...
02/11/2026

𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆 𝐁𝐋𝐕𝐃-𝐂𝟓 𝐅𝐋𝐘𝐎𝐕𝐄𝐑 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐇𝐁𝐎𝐔𝐍𝐃, 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀

Muli nang madaraanan ang Pasig Blvd-C5 Flyover Northbound simula kaninang alas-12 ng tanghali ngayong Nobyembre 2, habang ang Southbound lane ay bubuksan mamayang alas-12 ng hatinggabi.

Kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na buksan ang Northbound lane ng tulay nang mas maaga sa original nitong schedule upang muling madaananan ang tulay at agarang maibsan ang bigat ng trapiko, tiniyak ni Secretary Banoy Lopez na natapos na ng DPWH ang kaukulang finishing works para siguruhin ang ligtas na biyahe ng mga komyuter at motoristang pabalik sa Metro Manila.

Pinapayuhan ang lahat ng motorista na sumunod sa road safety measures, traffic signage, at mag-ingat sa pagbaybay sa flyover.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Ininspeksyon nina Public Works Secretary Banoy Lopez at Transportation Secretary Vince Dizon ang isinagawang re...
02/11/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Ininspeksyon nina Public Works Secretary Banoy Lopez at Transportation Secretary Vince Dizon ang isinagawang reblocking works sa inner lanes ng EDSA mula NEPA Q-Mart sa Cubao, Quezon City hanggang Guadalupe, Makati na bahagi ng EDSA Rehabilitation Project Phase 2, bago ito muling buksan sa publiko ng alas-singko nitong Lunes ng umaga.

Ayon kay Secretary Lopez, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ituloy ang malawakang rehabilitasyon ng EDSA at madaliin ang pagbubukas ng inaayos na bahagi ng highway upang masigurong tuluy-tuloy at mabilis ang biyahe ng mga motorista at komyuter na uuwi mula sa iba’t-ibang probinsya matapos ang Undas.

Dagdag ng Kalihim, ang pagpapatuloy ng EDSA rehabilitation ay upang matiyak na hindi maaantala ang pagsasaayos ng highway na sinimulang iutos ni Secretary Dizon noong December 2025 para sa kapakinabangan ng mga motorista, komyuter, pedestrian at siklista.

Madaraanan na muli sa November 2 nang gabi ang northbound lanes ng Pasig Blvd-C5 Flyover at C5 Boni Serrano Flyover, kas...
01/11/2026

Madaraanan na muli sa November 2 nang gabi ang northbound lanes ng Pasig Blvd-C5 Flyover at C5 Boni Serrano Flyover, kasunod ng direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang pagsasaayos at pagpapatibay ng mga tulay, para hindi ito makaabala sa mga byaherong maagang babalik ng Metro Manila mula sa iba’t-ibang probinsya dahil sa Undas.

Bubuksan naman ganap na 4:00 ng umaga ng Martes, November 3, ang southbound ng Pasig Blvd-C5 Flyover.

Nauna nang ipinag-utos ni bagong DPWH Secretary Banoy Lopez at dating Secretary Vince Dizon na itapat ngayong Undas ang pagsasaayos at pagresolba ng safety issues ng mga flyover para mas kaunti ang maapektuhang motorista dahil sa long weekend.

01/11/2026

𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍: Natapos sa loob lang ng limang buwan ang pagsasaayos ng gumuhong bahagi ng Marcos Highway sa Brgy. Taloy Sur, Tuba, Benguet, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang repair ng kalsada para hindi masayang ang oras ng mga motorista at komyuter na paakyat at paalis ng Baguio City dahil sa ipinapatupad na stop-and-go scheme sa lugar.

Ininspeksyon ni bagong Public Works Secretary Banoy Lopez ang binuksang bahagi ng kalsada, kung saan nangako din ang Kalihim na itutuloy at tatapusin ng ahensya ang mga proyektong sinimulan sa ilalim ng panunungkulan ni dating Secretary Vince Dizon, lalo na ang mga matagal nang nakatenggang proyekto na makakatulong maibsan ang araw-araw na hirap ng mga Pilipino.

Unang binisita ni dating Secretary Dizon ang gumuhong bahagi ng kalsada noong Mayo, kung saan ipinag-utos niya na agad simulan ang pagsasaayos nito para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at komyuter sa lugar.

Address

DPWH Head Office, Bonifacio Drive
Intramuros
1018

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Public Works and Highways posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Department of Public Works and Highways:

Shortcuts

Share

Nearby government services