06/09/2026
Isang yugto ang nagtatapos, ngunit panibagong kuwento ang nagsisimula.
Ipinagdiwang natin hindi lamang ang mga natapos at nakamit, kundi ang bawat hakbang na ginawa ng kabataan upang makarating dito. Sa pagtatapos ng ating mga programa, nagsama-sama tayo upang balikan ang mga kuwento ng pagkatuto, paglago, at tagumpay—mula sa mga kabataang hinubog ang kanilang kakayahan sa leadership at voter’s education, sa mga naghanda para sa kanilang mga susunod na oportunidad, hanggang sa mga nagsara ng isang mahalagang kabanata bilang mga bagong Senior High School at College graduates.
Para sa bawat kabataang patuloy na kumikilos, nangangarap, at umaabante—maraming salamat, at pagbati, Bida Buragueño! ✨