Persons with Disability Affairs Office - PDAO - Malabon City

Directions

Persons with Disability Affairs Office - PDAO - Malabon City This is the official page
of the City Government of Malabon Persons with Disability Affairs Office

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃Ipinababatid po sa publiko na kasalukuyang hindi pa naipatutupad sa Lungsod ng Malabon ang Unified PWD ID System....
05/11/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃

Ipinababatid po sa publiko na kasalukuyang hindi pa naipatutupad sa Lungsod ng Malabon ang Unified PWD ID System.

Maglalabas po ang PDAO ng opisyal na anunsyo sa aming page sa sandaling magsimula na ang implementasyon nito sa lungsod.

Para sa karagdagang katanungan, maaari kayong bumisita sa aming tanggapano mag-message sa aming Official page.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa! 🩵

05/11/2026
𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃Ipinababatid sa publiko na kasalukuyang hindi ma-a-access ang Department of Health  - Philippine Registry of Pers...
04/11/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃

Ipinababatid sa publiko na kasalukuyang hindi ma-a-access ang Department of Health - Philippine Registry of Persons with Disabilities (DOH-PRPWD).

Dahil dito, pansamantalang hindi maisasagawa ang pagproseso ng mga aplikasyon at beripikasyon ng PWD ID hanggang sa maibalik ang normal na operasyon ng sistema.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.🩵

𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗕𝗨𝗘Ñ𝗢Maraming salamat sa lahat ng mga nagpre-register sa 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐞𝐲𝐞 𝐞𝐱𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧  𝐚𝐭 𝐫𝐞𝐟𝐫𝐚𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 ...
04/11/2026

𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗕𝗨𝗘Ñ𝗢

Maraming salamat sa lahat ng mga nagpre-register sa 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐞𝐲𝐞 𝐞𝐱𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐫𝐞𝐟𝐫𝐚𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐝𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬.

Dahil naabot na ang target na bilang ng mga benepisyaryo, 𝗦𝗔𝗥𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗣𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗞 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘-𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡.

Sa lahat ng mga nakapagparehistro, mangyaring hintayin ang aming text message para sa kumpirmasyon kung kayo ay kabilang sa mga mapipiling benepisyaryo para sa aktibidad sa darating na Sabado, Nobyembre 7, 2026.

Maraming salamat. 🩵

👁️ LIBRENG EYE EXAMINATION AT REFRACTION!!!Ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) – Malabon City ay magsasaga...
03/11/2026

👁️ LIBRENG EYE EXAMINATION AT REFRACTION!!!

Ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) – Malabon City ay magsasagawa ng LIBRENG EYE EXAMINATION AT REFRACTION para sa mga batang may edad 3 hanggang 25 taong gulang, kabilang ang mga batang may kapansanan at mga indibidwal na may low vision o pinaghihinalaang may problema sa paningin.

SINO ANG MAAARING MAG-PRE-REGISTER?

✅ Mga residente ng Malabon City na may edad 3–25 taong gulang;
✅ Mga batang may kapansanan;
✅ Mga indibidwal na may low vision o pinaghihinalaang may problema sa paningin.

📌 LIMITADO LAMANG SA UNANG 100 NA MAGPAPAREHISTRO!

Mag PRE-REGISTER gamit ang link na ito:
bit.ly/PDAOFreeEyeCheckUp

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, magpadala lamang ng mensahe sa aming official page (Persons with Disability Affairs Office - PDAO - Malabon City).

Huwag palampasin ang pagkakataong maalagaan ang kalusugan ng inyong mga mata! 👁️

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃Maaari na po kayong muling tumawag sa 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐃𝐀𝐎) para sa inyong mga katanungan...
03/11/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃

Maaari na po kayong muling tumawag sa 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐃𝐀𝐎) para sa inyong mga katanungan at iba pang pangangailangan.

📞 𝟖𝟐𝟖𝟏-𝟒𝟗𝟗𝟗 local 𝟏𝟎𝟎𝟕

Maraming salamat. 💙

02/11/2026

ALL SOULS’ DAY 2026 | SA PANALANGIN, ANG PAGMAMAHAL AY HINDI NAGLALAHO!

Ngayong Nobyembre 2, ginugunita natin ang Araw ng mga Kaluluwa, isang mahalagang bahagi ng tradisyong Undas, kung kailan sama-sama nating inaalala at ipinagdarasal ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga banal na misa, pananalangin, at pagdalaw sa kanilang mga himlayan, muli nating pinahahalagahan ang buhay, pagmamahal, at mga aral na iniwan sa atin ng ating mga mahal sa buhay. Ipinagkakatiwala natin sila sa habag at pagmamahal ng Diyos, habang pinanghahawakan ang pag-asang nagbibigay-lakas at kapanatagan sa ating mga puso.

Maaaring wala na sila sa ating piling, ngunit nananatili sa ating puso ang kanilang mga alaala. Sa gitna ng pangungulila, nawa’y magbigay sa atin ng pag-asa at kapanatagan ang ating pananampalataya sa Diyos at ang paniniwala sa buhay na walang hanggan.

Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, nakikiisa kami sa bawat pamilyang Malabueño sa isang taimtim, mapayapa, at makabuluhang paggunita ng Araw ng mga Kaluluwa. 🕊️🙏

Address

F. Sevilla Boulevard, Tañong
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Persons with Disability Affairs Office - PDAO - Malabon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services