Malabon City Accounting Department

Directions Website Contact the organization

Malabon City Accounting Department The Official page of the Malabon City Accounting Department.

02/11/2026

Maligayang Kaarawan, Casper!

Nawa’y mapuno ng saya, pagmamahal, at biyaya ang iyong espesyal na araw. Hangad ko ang iyong mabuting kalusugan, tagumpay, at marami pang masasayang kaarawan!

02/11/2026

Maligayang Kaarawan, Jamie de la Cruz!

Taos-puso akong bumabati sa iyo ng isang maligayang kaarawan! Nawa’y maging masaya at makabuluhan ang iyong pagdiriwang, at patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay at mas marami pang magagandang oportunidad.

Pagbati rin sa patuloy na pag-unlad ng Spin Dink Pickleball Court na nagsisilbing tahanan ng mga mahilig sa pickleball at aktibong pamumuhay sa ating lungsod.

Muli, happy birthday, Jamie! Hangad ko ang iyong patuloy na tagumpay at mas marami pang biyaya sa buhay.

02/11/2026
02/11/2026

Mayor Sandoval, bumisita sa Tugatog Cemetery para kamustahin ang mga bumisita

PERSONAL na bumisita si Mayor Jeannie Sandoval, kasama si First Gentleman Ricky Sandoval sa Tugatog Public Cemetery noong All Saints’ Day upang alamin ang kalagayan ng mga bumibisita sa sementeryo at paalalahanan ang Malabueños na parangalan ang mga yumao nilang mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kanilang pamilya, pagpapatibay ng mga ugnayan, at pagpapakita ng pagmamahal at kabaitan sa isa’t isa.

“Ang pinakamagandang paraan upang bigyang-pugay ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw na ay ang isabuhay ang mga aral at pagpapahalagang iniwan nila sa atin. Sila ang ating inspirasyon at gabay. Patuloy nating mahalin, alagaan, at pahalagahan ang ating pamilya habang tayo ay magkakasama pa. Ito ang mga bagay na tiyak na nais din ng ating mga yumaong mahal sa buhay para sa atin,” ani alkalde. (Richard Mesa)

02/11/2026

Sa araw na ito, ating inaalala ang mga mahal sa buhay na pumanaw na at ang mga masasayang sandaling ating pinagsaluhan kasama sila. Ang kanilang pagmamahal, mga payo, at mga alaala ay patuloy na nagbibigay inspirasyon at lakas sa ating mga puso.

Sa pagdalaw natin sa kanilang himlayan, pag-aalay ng bulaklak, pagsisindi ng kandila, at pagdarasal, ipinapakita natin na hindi kailanman nawawala ang pagmamahal natin sa kanila. Maaaring wala na sila sa ating piling, ngunit mananatili silang buhay sa ating mga alaala.

Nawa'y magsilbing pagkakataon ang Araw ng mga Kaluluwa upang sabay-sabay nating ipagdasal ang kanilang mga kaluluwa at alalahanin ang mga taong naging bahagi ng ating buhay.

02/11/2026
02/11/2026

ALL SOULS’ DAY 2026 | SA PANALANGIN, ANG PAGMAMAHAL AY HINDI NAGLALAHO!

Ngayong Nobyembre 2, ginugunita natin ang Araw ng mga Kaluluwa, isang mahalagang bahagi ng tradisyong Undas, kung kailan sama-sama nating inaalala at ipinagdarasal ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga banal na misa, pananalangin, at pagdalaw sa kanilang mga himlayan, muli nating pinahahalagahan ang buhay, pagmamahal, at mga aral na iniwan sa atin ng ating mga mahal sa buhay. Ipinagkakatiwala natin sila sa habag at pagmamahal ng Diyos, habang pinanghahawakan ang pag-asang nagbibigay-lakas at kapanatagan sa ating mga puso.

Maaaring wala na sila sa ating piling, ngunit nananatili sa ating puso ang kanilang mga alaala. Sa gitna ng pangungulila, nawa’y magbigay sa atin ng pag-asa at kapanatagan ang ating pananampalataya sa Diyos at ang paniniwala sa buhay na walang hanggan.

Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, nakikiisa kami sa bawat pamilyang Malabueño sa isang taimtim, mapayapa, at makabuluhang paggunita ng Araw ng mga Kaluluwa. 🕊️🙏

Address

4th Flr. Malabon City Hall Bldg. , F. Sevilla Boulevard
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon City Accounting Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Malabon City Accounting Department:

Shortcuts

Share

Nearby government services