MAGANDANG UMAGA PO, MGA KABARANGAY!
Ipinapaalam po ng Pamahalaang Barangay ng Acacia na mayroon po tayong PhilHealth YAKAP Program Registration na gaganapin ngayong araw sa ating Barangay.
Ang mga nais pong magparehistro ay maaaring magtungo sa Barangay hanggang alas 12:00 ng tanghali.
Paalala po na magdala lamang ng:
✅ PhilHealth ID
✅ Sariling cellphone
Samantalahin po natin ang pagkakataong ito upang makapagpatala at makinabang sa mga programa ng PhilHealth.
Pamahalaang Barangay Acacia
Barangay Acacia, Malabon City
04/06/2026
📢 ANNOUNCEMENT | RICE ASSISTANCE DISTRIBUTION (4Ps)
Ang lahat ng nasa listahan ng mga benepisyaryo na magtungo bukas sa Malabon Sports Center alas-8:30 ng umaga, upang kunin ang kanilang stub at mai-release na rin ang kanilang bigas.
📌 Paalala:
Ang mga kabilang sa listahan ay mga graduate at aktibong miyembro ng programa na ang huling monitored child ay nakapagtapos na ng Grade 12 para sa School Year 2025–2026.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.
— RICA MAE PUNO PRING
City Link, Barangay Acacia
📢 PAANYAYA SA MGA MANGGAGAWA AT RESIDENTE NG BARANGAY ACACIA AT KALAPIT BARANGAY🩺💙
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 80th Founding Anniversary ng Unilab, kayo po ay inaanyayahang makibahagi sa
"Bayanihan Kalusugan: Alaga sa Manggagawa",
isang programang naglalayong pangalagaan at palakasin ang kalusugan ng ating mga manggagawa at komunidad.
📅 Petsa: June 03, 2025
⏰ Oras: 8:00 AM – 4:00 PM
📍 Lugar: Acacia National High School
✨ LIBRE ang mga sumusunod na serbisyong pangkalusugan:
✔️ PACKAGE A- FULL APE
✔️ PACKAGE B- WELLNESS
🎯 Layunin ng programang ito na makatulong sa maagang pagtuklas ng mga sakit, makapagbigay ng tamang kaalaman sa pangangalaga ng kalusugan, at mapabuti ang kalagayan ng ating mga manggagawa at kanilang pamilya.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na mapangalagaan ang inyong kalusugan nang walang bayad.
Katuwang ang Pamahalaang Barangay ng Acacia Sama-sama nating isulong ang isang mas malusog at mas produktibong komunidad!
💙🩺
ANNOUNCEMET:
📢 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗔𝗖𝗜𝗔
Ang nakatakdang 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 bukas para sa mga 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 (PWD) na nabigyan ng stub ay 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗟𝗜𝗕𝗔𝗡 o CANCEL muna hanggang sa susunod na abiso.
📌 Ang bagong schedule ng distribusyon ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon.
📌 Mangyaring panatilihing ligtas ang inyong stub para sa susunod na schedule ng pamimigay.
Makikipag-uganayan po ang lahat sa Barangay Coordinator/President ng mga PWD bawat Barangay.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. 💙
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Contact the business
Website
Address
Maria Clara Street , Acacia
Malabon
1470
