Kap. Alma Buenaventura

Kap. Alma Buenaventura

Share

#Angat Tañong, Level Up!

03/06/2026
Photos from Kap. Alma Buenaventura's post 03/06/2026

CMDC Meeting ✨

Ang inyo pong lingkod kasama ang iba pang mga opisyales ng barangay sa Malabon ay dumalo sa isinagawang City of Malabon Development Council (CMDC) meeting na pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval. Sa ginanap na meeting, tinalakay ang mga programa, proyekto at inisyatiba para sa patuloy na pag-unlad ng bawat barangay at ng ating lungsod.

02/06/2026

Congratulations, Alani! ✨👩‍🎓

Congratulations, Alani Lie Haduca! Ang iyong dedikasyon at pagsisikap sa pag-aaral ay isang inspirasyon sa aming lahat. Nawa'y maging simula ito ng mas marami pang tagumpay sa iyong karera at buhay. Maligayang pagtatapos! 💛👩‍🎓

Photos from Barangay Tañong, City of Malabon's post 02/06/2026
Photos from Kap. Alma Buenaventura's post 02/06/2026

Happy 10th Anniversary, Chowking-Malabon Bayan ✨🥳

Maraming Salamat po sa inyong paanyaya sa pagdiriwang ng inyong ika-sampung anibersaryo! Happy Anniversary!

Photos from Kap. Alma Buenaventura's post 01/06/2026

Tayo po ay nakatanggap ng report mula sa isang concern citizen tungkol sa naganap na riot sa tulay malapit sa Adante, paakyat ng Longos nitong nagdaang linggo. Base sa videong ipinadala sa atin, dalawang binatilyo na pawang residente ng ating barangay ang umano'y sangkot sa nasabing gulo. Dahil dito, atin pong inimbitahan ang dalawang binatilyo kasama ang kanilang mga magulang upang kausapin at bigyang babala sa nangyaring riot upang hindi na sila muling masangkot sa ganitong gulo.

Mga ka-barangay, amin pong muling ipapaalala na patuloy po ang pag-iikot ng ating mga kapulisan, Tanod at Ladies Brigade dahil sa umiiral na curfew sa ating barangay. Sa mga magulang na mayroong menor-de-edad na anak, kung maaari po sana ay pagsabihan at paalalahanan po ninyo ang inyong mga anak na umiwas sa anumang gulo na maaaring magdulot ng hindi maganda sa kanila. Huwag po sana nating hintayin na may mangyaring masama sa kanila bago tayo kumilos upang sila ay disiplinahin.

Hangad po namin na wala nang susunod na ganitong gulo pa ang mangyari sa ating barangay.

Photos from Kap. Alma Buenaventura's post 01/06/2026

Barangay Council's First Regular Session | June 1, 2026 💛❤️

Photos from Kap. Alma Buenaventura's post 01/06/2026

Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) Vaccine | June 1, 2026 ✨

Measles-Rubella Vaccination drive at Barangay Tañong Hall, administered by Midwife Ma. Sufe Porras.

Photos from Kap. Alma Buenaventura's post 01/06/2026

Bilang patuloy na pagtugon sa ating natanggap na report mula sa tanggapan ng 8888 Citizens Complaint Hotline kamakailan kaugnay sa isang reklamo sa ilang mga isyu ng Kaayusang Pampubliko , tayo po ay muling nagsagawa ng Obstruction / Illegal Parking Clearing Operation sa 1st, 2nd, 3rd at 4th St. sa ating barangay ngayong araw, Lunes, June 1, 2026.

Muli, mga ka-barangay, hinihiling po namin sa inyo na kung maaari ay iwasan po natin ang pagparada ng inyong mga sasakyan gaya ng mga bisikleta, sidecar, motor at tricycle, gayundin ng inyong mga gamit na basta na lamang itinatambak sa kalsada. Alam po namin na ang inyong mga sasakyan gaya ng motorsiklo at tricycle ay ginagamit ninyo sa paghahanap-buhay at tanging tapat ng inyong mga tahanan ang nagsisilbing parking, gayunpaman, nais po naming maintindihan ninyo na ang ilan sa mga ito ay nakaharang at nakakaabala sa ibang tao. Nawa'y maging bukas po ang inyong kaisipan na dapat rin nating isaalang-alang ang ibang tao maging ng ibang motorista na naaabala ng ating mga sasakyang nakaparada sa kalsada.

Maraming Salamat po!

01/06/2026

𝐌𝐞𝐚𝐬𝐥𝐞𝐬-𝐑𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 (𝐌𝐑𝐒𝐈𝐀) 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐄! 👶💛

Magandang Araw, mga ka-barangay! Tayo po ay mayroong Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) Vaccine ngayong araw, June 1, 2026 sa ating Barangay Hall. Ito po ay para sa mga batang edad 𝟔-59 months old o wala pang 5 taon gulang.

Ang tigdas ay madaling makahawa at maaaring magdulot ng mataas na lagnat, ubo, pantal, pulmonya, at iba pang seryosong komplikasyon sa mga bata. Maaari itong makuha sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, o malapitang pakikisalamuha sa taong may sakit. Dahil dito, mahalagang maprotektahan ang ating mga anak sa pamamagitan ng BAKUNA.

Huwag palampasin ang pagkakataong maprotektahan ang ating mga anak laban sa 𝐭𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 at 𝐫𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚. Ang bakuna ay ligtas, libre, at mabisang panangga laban sa sakit.

Halina mga Mommies at Daddies, pa-bakunahan na si baby!

𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀!

Magsisimula na bukas, 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟏, ang 𝐌𝐞𝐚𝐬𝐥𝐞𝐬-𝐑𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 (𝐌𝐑𝐒𝐈𝐀) 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐄! 👶💙

Ang tigdas ay madaling makahawa at maaaring magdulot ng mataas na lagnat, ubo, pantal, pulmonya, at iba pang seryosong komplikasyon sa mga bata. Maaari itong makuha sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, o malapitang pakikisalamuha sa taong may sakit. Dahil dito, mahalagang maprotektahan ang ating mga anak sa pamamagitan ng BAKUNA.

Huwag palampasin ang pagkakataong maprotektahan ang ating mga anak laban sa 𝐭𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 at 𝐫𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚. Ang bakuna ay ligtas, libre, at mabisang panangga laban sa sakit.

👶 Para sa mga batang edad 𝟔-59 months old o wala pang 5 taon gulang.

📍 Dalhin ang inyong mga anak sa pinakamalapit na Health Center, Super Health Center, o Vaccination Site sa inyong barangay.

Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil

Want your business to be the top-listed Government Service in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Tañong
Malabon
1470