Barangay Potrero Malabon

Call Directions Contact the organization

Barangay Potrero Malabon Barangay Potrero, the largest barangay in Malabon City, with over 42,000 residents.

It is recognized for its Zero Waste and community resilience programs, and serves as a model for sustainable and people-centered local governance. Barangay Potrero is located in the westernmost portion of Malabon City is the biggest barangay in terms of area and population. It is bounded on the north by Tullahan River, on the east by North diversion Road, on west by Daang Bakal and Reparo Street on south.

PABATID MULA SA COMELECMagbubukas muli ang Voter Registration mula Nobyembre 10, 2026 hanggang Hulyo 30, 2027 para sa mg...
04/11/2026

PABATID MULA SA COMELEC

Magbubukas muli ang Voter Registration mula Nobyembre 10, 2026 hanggang Hulyo 30, 2027 para sa mga nagnanais na bumoto sa 2028 National and Local Elections.

VENUE: ROBINSONS TOWN MALL-MALABON

NO. 5 GOVERNOR PASCUAL CORNER CRISPIN, TINAJEROS, MALABON CITY

SCHEDULE: NOVEMBER 10, 2026 - JULY 30 2027

TUWING MARTES HANGGNG
SABADO

(KASAMA ANG HOLIDAY KUNG)

Maaaring i-file ang mga sumusunod na aplikasyon:
• Registration (First-Time Voter)
• Transfer of Registration Record (Local to Local)
• Reactivation of Registration Record
• Change of Name / Correction of Entries
• Inclusion / Reinstatement of Registration Record
• Transfer from Foreign Service Post to Local
• Updating of Records ng mga Persons with Disabilities (PWDs), Senior Citizens (SCs), Indigenous Peoples (IPs), Indigenous Cultural Communities (ICCs), at iba pang miyembro ng vulnerable sectors

Magparehistro. Mag-update ng record. Maging hanla sa
Halalan 2028.





NOVEMBER 03, 2026

COMMISSION ON ELECTIONS-MALABON CITY

Maraming salamat sa inyo Potrero United Youth Organization! 🧡
03/11/2026

Maraming salamat sa inyo Potrero United Youth Organization! 🧡

29/10/2026
𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐏𝐎𝐓𝐑𝐄𝐑𝐎, 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐎𝐍Nakiisa ang mga kinatawan ng Barangay Potrero sa isinagawa...
28/10/2026

𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐏𝐎𝐓𝐑𝐄𝐑𝐎, 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐎𝐍

Nakiisa ang mga kinatawan ng Barangay Potrero sa isinagawang Mission CSO: Compliance, Support, and Opportunities, isang oryentasyong naglalayong gabayan ang mga Civil Society Organizations (CSOs) sa proseso ng accreditation sa lungsod at palakasin ang pagsusulong ng Gender Equality and Women’s Empowerment (GEWE).

Dinaluhan ang aktibidad nina Barangay Kagawad Mhel Macapagal at Barangay Secretary Edmaine Callos, kasama ang iba’t ibang mga Kagawad at Barangay Secretary mula sa Malabon City, gayundin ang mga CSO na nagnanais na makakuha ng accreditation mula sa pamahalaang lungsod.

Tinalakay sa oryentasyon ang mahahalagang proseso, alituntunin, at oportunidad para sa mga CSO alinsunod sa DILG Memorandum Circular Nos. 2025-060 at 2022-124. Nagkaroon din ng pagkakataon ang ilang CSO na ibahagi ang kanilang mga karanasan at kaalaman hinggil sa proseso ng accreditation.

Kabilang sa mga tagapagsalita sina DILG City Director Jess Marie Acoba, CESO V; Cluster Head Ma. Isabel Bunag; LGOO III Krista Camille Basilio; at isang kinatawan mula sa CUPAO. Nagbigay rin ng mensahe si Malabon City Gender and Development (GAD) Office OIC Ms. Lorelei Soriano, RSW, gayundin ang ating butihing Mayor Jeannie N. Sandoval, bilang suporta sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga organisasyon sa pamamahala at pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Barangay Potrero sa DILG Malabon City Field Office sa pangunguna sa mahalagang gawaing ito, gayundin sa lahat ng tagapagsalita at katuwang na tanggapan na patuloy na nagbibigay ng gabay at suporta sa mga barangay at CSO.

Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy nating pinatitibay ang ugnayan ng pamahalaan at mga organisasyong pangkomunidad tungo sa mas inklusibo, makabuluhan, at makatarungang pamamahala. 🧡

Maraming salamat po Jubilee in Christ Christian Church  sa serbisyong FAITH IN ACTION : Medical MIssion sa Barangay Potr...
26/10/2026

Maraming salamat po Jubilee in Christ Christian Church sa serbisyong FAITH IN ACTION : Medical MIssion sa Barangay Potrero. 🧡🧡🧡

𝐅𝐔𝐋𝐋 𝐃𝐈𝐒𝐂𝐋𝐎𝐒𝐔𝐑𝐄 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 (𝐅𝐃𝐁) 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐈𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊Nagsagawa ngayong araw ng pagsusuri sa Full Disclosure Board (FDB) ng Barang...
26/10/2026

𝐅𝐔𝐋𝐋 𝐃𝐈𝐒𝐂𝐋𝐎𝐒𝐔𝐑𝐄 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 (𝐅𝐃𝐁) 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐈𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊

Nagsagawa ngayong araw ng pagsusuri sa Full Disclosure Board (FDB) ng Barangay Potrero at Sangguniang Kabataan (SK) upang matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan ng transparency at accountability sa pamamahala.

Pinangunahan ang pagsusuri ni DILG Malabon Field Officer, LGOO VI Eligio Bagahansol Jr., bilang bahagi ng patuloy na pagsubaybay sa pagsunod ng barangay at SK sa mga itinakdang alituntunin ng DILG.

Patuloy na isinusulong ng Barangay Potrero ang malinaw, bukas, at responsableng pamamahala para sa kapakanan ng bawat Potreñong mamamayan. 🧡

Address

1 Pinagtipunan Circle
Malabon
1475

Telephone

+639199998479

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Potrero Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Potrero Malabon:

Shortcuts

Share

Nearby government services