01/06/2026
Lubos po ang aming pasasalamat kay Mayor Jeannie Sandoval sa inyong mainit na suporta at pakikiisa sa matagumpay na pagdiriwang ng Kapistahan ng Barangay Tinajeros.
Ang inyong suporta at malasakit sa aming barangay ay tunay na nagpapakita ng inyong dedikasyon sa paglilingkod.
Mula po sa pamunuan at mamamayan ng Barangay Tinajeros, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa aming komunidad.
01/06/2026
Kami po ay buong pusong nakiisa sa Brigada Eskwela Kick-Off ng Tinajeros Elementary School at Tinajeros National High School.
Kasama po natin si SSg Ranilo D. Constante (OS) PA at mga kasundaluhan ng 11cmobn cmor, na ating magiging katuwang sa paghahanda ng ligtas at maayos na brigada eskwela para sa ating mga mag-aaral.
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa ganitong mga gawain na naglalayong paigtingin ang bayanihan at malasakit sa ating komunidad.
31/05/2026
🎉 Happy Fiesta, mga Ka-Barangay! 🎉
Patuloy po ang kasiyahan sa ating pagdiriwang ng kapistahan! Patuloy din po ang pamamahagi ng Pabitin at Palayok para sa ating mga minamahal na residente.
Maraming salamat po sa inyong pakikilahok at pakikiisa sa ating mga aktibidad. Nawa'y magpatuloy ang saya, pagkakaisa, at pagmamahalan sa ating komunidad.
Maligayang Kapistahan sa ating lahat! 🎊🎈
#𝐕𝐢𝐯𝐚𝐒𝐚𝐧𝐭𝐢𝐬𝐢𝐦𝐚𝐓𝐫𝐢𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝
31/05/2026
Maligayang Fiesta sa ating mahal na Barangay Tinajeros! 🎉🎊✨️
Nawa’y maging masaya, ligtas, at puno ng pagkakaisa ang pagdiriwang na ito. Sama-sama nating ipagdiwang ang ating kultura, tradisyon, at ang matibay na samahan ng bawat mamamayan.
Hangad ko ang patuloy na kaunlaran, kapayapaan, at pagpapala para sa buong komunidad.
Mabuhay ang Barangay Tinajeros at Maligayang Fiesta sa ating lahat! 🎊🎆
30/05/2026
Masayang binuksan ng Pamahalaang Barangay ang ating Street Party para sa lahat ng residente na nais makisaya, makisayaw, at makibahagi sa pagdiriwang ng ating kapistahan.
Ito po ay handog para sa buong komunidad bilang pagkakataon upang magsama-sama, magkaisa, at magdiwang bilang isang barangay.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa masayang gabi ng pagkakaibigan, kasiyahan, at pagkakaisa.
30/05/2026
Lubos po ang ating pasasalamat sa 11th Civil Military Operations Battalion sa kanilang handog na libreng gupit para sa ating mga kabarangay kahapon.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta sa pagdiriwang ng ating kapistahan. Malaking bagay po ang inyong serbisyo at malasakit na nagbigay ng saya at tulong sa ating komunidad.
Muli, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa 11th Civil Military Operations Battalion. Nawa’y patuloy ang ating pagtutulungan para sa kapakanan ng bawat mamamayan.