DepEd Tayo Sergia Soriano Esteban Integrated School SPED Center

DepEd Tayo Sergia Soriano Esteban Integrated School SPED Center

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Sergia Soriano Esteban Integrated School SPED Center, Government Organization, Kalaklan Road National Highway, Barangay Kalaklan, Olongapo.

07/06/2026

πŸ“’ OPISYAL NA GABAY SA UNIPORME NG MGA JUNIOR HIGH SCHOOL NA MAG-AARAL

Bilang bahagi ng pagpapanatili ng disiplina, kaayusan, at pagkakakilanlan ng ating paaralan, narito ang opisyal na gabay sa wastong pagsusuot ng uniporme para sa mga mag-aaral ng Sergia Soriano Esteban Integrated School SPED Center-Junior HIgh School.

✨ Magsuot nang maayos. Kumilos nang may dangal. Mag-aral nang may kahusayan.

🏫 SSEISSC: Pursuing Excellence, Upholding Character






07/06/2026

Feeling mo ba parang si Sharmaine na parang hindi pinag-isipan ang pangalan, at laging naba-brand base lang sa kung ano ang nakikita sa labas? 🍊

O baka naman parang si Vanessa na pagod na sa paulit-ulit na "obvious" na pressure ng paligid, o parang si Melanie na napagbibintangan na "abogado" kahit gusto lang naman maging sarili niya? πŸͺ°πŸ₯‘

Anuman ang nararamdaman mo ngayong opening block, gusto naming malaman mo: Dito sa ating paaralan, HEARD, SAFE, at VALID ka! Hindi mo kailangang magpanggap o mag-isa sa mga pinagdaraanan mo.

Kaya naman, bago sumabak sa seryosong aralin, uunahin muna natin ang iyong kapakanan! Inihahandog ng ating paaralan ang:

🧠 Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS)
πŸ“… Kailan: Opening Block
πŸ“ Saan: Gaganapin sa ating mga classrooms kasama ang inyong ready to listen na mga classroom advisers.

Magkakaroon tayo ng mga activities, open space para mag-usap, at pagkakataon para mag-unload ng stress. Dito, safe kang maging ikawβ€”walang judgment, purong unawaan lang.

Kaya tara na, besh! Walang maiiwan ngayong pasukan. Unahin natin ang mental health para mas masaya ang ating learning journey ngayong taon!

See you there! Ipa-notaryo na natin ang commitment natin sa mental health! ✍️❀️




07/06/2026

πŸ“’ PAALALA SA MGA MAGULANG AT BISITA

Ang paaralan ay isang lugar ng pagkatuto, paghubog ng magandang asal, at pagpapakita ng paggalang. Bilang mga huwaran ng ating mga mag-aaral, hinihikayat ang lahat ng magulang, tagapag-alaga, at mga bisita na magsuot ng maayos, disente, at angkop na kasuotan sa pagpasok sa paaralan.

Ang simpleng pagsunod sa wastong pananamit ay nagpapakita ng respeto sa ating paaralan at sa buong komunidad nito.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at propesyonal na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

🏫 SSEISSC: "Pursuing Excellence, Upholding Character".

Photos from DepEd Tayo Sergia Soriano Esteban Integrated School SPED Center's post 05/06/2026

πŸ“’ PAALALA SA LAHAT NG MAG-AARAL AT MAGULANG

Narito na ang opisyal na Class Schedule para sa Elementarya at Junior High School. Mangyaring tingnan at sundin ang nakatalagang oras ng inyong klase upang masiguro ang maayos at maagang pagpasok sa paaralan.

πŸ—“οΈ June 8,2026 Opening of classes
⏰ Maging maagap.
πŸ“š Maging handa.
🌟 Sama-sama nating isabuhay ang ating mantra:

"Pursuing Excellence, Upholding Character."

***Ang poster na ito ay idinisenyo sa tulong ng Artificial Intelligence (AI) upang makalikha ng mas malinaw, makabago, at kaakit-akit na presentasyon ng mahahalagang impormasyon para sa ating mga mag-aaral at magulang.

05/06/2026

Panoorin ang kwento ng ating pagkakaisa!
Narito ang mga kaganapan, tawanan, at pagtutulungan sa ating Brigada Eskwela.
Mula sa unang araw ng paglilinis hanggang sa huling patak ng pintura, kitang-kita ang pusong nagkakaisa para sa ating mga mag-aaral.
Tunghayan natin ang bunga ng pagkakaisa sa Brigada Eskwela sa Sergia 2026
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng bayanihang ito! Para sa bata, para sa bayan!



Photos from DepEd Tayo Sergia Soriano Esteban Integrated School SPED Center's post 03/06/2026

Congratulations, Sir Michael Leonard R. Marron!

Warmest congratulations on being honored with the Service Award in recognition of your thirteen (13) years of dedicated service in Guidance Services.

Your unwavering commitment, professionalism, and genuine concern for the welfare and development of learners have made a meaningful impact on the school community. Through your dedication and guidance, you have helped shape the lives of many students and contributed significantly to creating a supportive and nurturing learning environment.

May this well-deserved recognition inspire you to continue your excellent work and passion for service. Wishing you more years of success and fulfillment in your noble profession.

Congratulations on this remarkable achievement! πŸŽ‰πŸ†πŸ‘



31/05/2026

Magandang araw po, mga kabarangay!

Tara na po! Simula na ng Brigada Eskwela! Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase. Ang inyong pakikiisa at pagtutulungan ay mahalagang hakbang upang makapagbigay tayo ng ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Kasabay rin po nito ang Enrollment para sa mga sumusunod na programa:

βœ… Special Education Program for the Gifted and Talented (SPGT) para sa Kinder at Elementarya
βœ… Basic Education Program para sa Elementarya at Junior High School
βœ… Special Needs Education (SNED)

Ano pa po ang hinihintay ninyo? Magpatala na at maging bahagi ng isang paaralang nagtataguyod ng dekalidad, inklusibo, at makabuluhang edukasyon para sa lahat ng bata.

πŸ“ Dito lamang sa Sergia Soriano Esteban Integrated School SPED Center!

Tara na, mga kabarangay!
Brigada Eskwela na, Enrollment pa!
Sama-sama nating ihanda ang paaralan at buksan ang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga anak.

Sergia Soriano Esteban Integrated School SPED Center β€” tahanan ng kalidad, inklusibo, at makataong edukasyon.

Mag-enroll na at makiisa sa Brigada Eskwela! Maraming salamat po! πŸ«πŸ“šβœ¨πŸŽ‰

Want your business to be the top-listed Government Service in Olongapo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Kalaklan Road National Highway, Barangay Kalaklan
Olongapo
2200