Barangay Central Quezon City

Barangay Central Quezon City

Share

Ito ang opisyal na page ng Barangay Central District IV, Quezon City. This is the official page of Barangay Central Quezon City

Photos from Barangay Central Quezon City's post 02/06/2026

BAGONG POLICE STATION 10 COMMANDER, NAGCOURTESY CALL SA BARANGAY CENTRAL

02/06/2026

CALLING ALL "RAINBOW" GRADS

25/05/2026

PAMBANSANG ID/PHILSYS ID PARA SA SOCIAL PENSION PAYOUTS

Photos from Barangay Central Quezon City's post 14/05/2026

BAKASYONG SULIT SA QCFD

Isinagawa sa Barangay Central ang "bakasyong sulit sa QCFD", isang inisyatiba ng QCFD tuwing tag-init, na nakasentro sa komunidad upang itaguyod ang pagpipigil sa sunog, kamalayan sa kaligtasan ng buhay, at pakikilahok ng publiko lalo na sa mga bata at kabataan.

Sa pamamagitan ng pagpapalapit ng publiko sa serbisyo ng bumbero, ang inisyatibang ito ay nagtatayo rin ng tiwala at pagpapahalaga sa mahalagang papel ng mga bumbero sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko.

Naging aktibo ang pagsuporta ng ating barangay sa pangunguna ni PB Rosa D. Magpayo at Kagawad Monica Amutan Bonila, bilang pangalawang tagapangulo ng DRRM Komite, kaagapay si Kgwd Sharon I. Bon.

At pinangunahan naman ng Central Fire Sub-Station sa pamamagitan ni FInsp James S. Peralta at SFO1 Novaine Joy Sena. At mula sa Quezon City Public Library, na siyang nagsagawa ng educational puppet show, sina Mariza G. Chico, RL, MLIS OIC, QCPL at Analiza C. Martinez, RL, MLIS Head, Library Extension Division #

Photos from Barangay Central Quezon City's post 11/05/2026

SUPER PARENT, SUPER KID DAY SA BARANGAY CENTRAL

Photos from Barangay Central Quezon City's post 11/05/2026

MENTAL HEALTH, SOLO STRENGTH, SUPPORT AND COUNSELLING

Nagdaos ng "mental health" session ang ating mga solo parents ng Barangay Central, kamakailan.

Naging mabunga at masaya ang naganap na sesyon, nakatulong at naging isang bahagi na din ito ng suporta ng barangay sa ating mga solo parents.

Pinangunahan ito ng tanggapan ng Gender and Development Focal Point System (GADFPS) katuwang ang Barangay Central Council.

Naging aktibo si Kgwd Sharon I. Bon. bilang pangalawang tagapangulo ng GADFPS, at buong suport ni PB Rosa D. Magpayo, bilang Tagapangulo ng nasabing komite.

Naging tagapagdaloy ng sesyon si Doc Pauline Quimson, isang Medical Doctpr at Psychologist at dalubhasa din sa kagalingan at kolektibong pangangalaga ng sarili at kaisipan #

Photos from Barangay Central Quezon City's post 09/05/2026

OPERATION LIBRENG TULI SA BARANGAY CENTRAL

Nagsagawa ng "libreng tuli" ang NKTI Urology Department sa pangunguna ng mga residents doctors, fellows, nurses at nursing attendant.

Ipinapahatid ni PB Rosa D. Magpayo ang pasasalamat sa NKTI Urology Department sa naganap na "Operation Libreng Tuli" na ito.

28/04/2026

BALITA KABARANGAY!

Handa na ba ang mga "binata" ng Barangay Central?

Huwag nang magpahuli sa aming LIBRENG TULI! ✂️💪

Mga Ka BARANGAY! Inaanyayahan ng Barangay Central Council, sa ilalim ng Committee on Health, ang mga magulang at kabataang nagnanais magpatuli ngayong darating na Mayo. Narito ang mga detalye na dapat ninyong tandaan:

• 📅 Petsa: Mayo 9, 2026
• 📍 Lugar: #2 Marunong St., Brgy. Central Hall, Quezon City
• 🕗 Oras: 8:00 AM hanggang 12:00 NN

📝 Paalala para sa mga Magpapatuli:

1. First Come, First Served: Siguraduhing pumunta nang maaga dahil limitado lamang ang slots at oras (hanggang tanghali lang).

2. Kasuotan: Magsuot ng maluwag na shorts o pajama para sa kaginhawaan pagkatapos ng procedure.

3. Magdala ng Kasama: Para sa mga menor de edad, kailangang may kasamang magulang o guardian.

4. Siguraduhing Maligo muna bago ang procedure

Ito ay proyekto ng ating Barangay Central Council gamit ang pondo ng Committee on Health para sa kalusugan ng ating mga kabataan.

Kita-kits, 🩺✨

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Matatag
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm