14/05/2026
SARA PANAGUTIN! BATO ARESTUHIN!
Mariing kinukundena ng Kabataan Partylist Quezon City ang pangbababoy ng senado sa batas at sa sambayanang pilipino. Una, ang pag-agaw ng kapangyarihan ng mayorya sa senado upang hindi magtagumpay ang impeachment kay Sara Duterte, ito ay nagpapakita ng desperasyon at pagka-ganid sa kapangyarihan sa panig ng mga maka-Duterte, ikalawa, ang pagbigay ng proteksyon ng senado kay Bato Dela Rosa na may arrest warrant mula ICC o International Criminal Court, hindi lang ito labag sa ating batas, ito rin ay pagtanggi sa pagbibigay ng hustisya sa mga nabiktima ng biktima ng anti-poor na war on drugs at iba pang uri ng paglabag sa karapatang pantao.
Ngayong nakarating na sa senado ang mga artikulo ng impeachment laban kay sara duterte, hindi malabong mauwi ito sa wala sapagkat hawak na ng mga maka-duterteng senador na taksil sa sambayanan ang senado, ngunit, hindi ito sapat na dahilan para mawalan ng pag-asa dahil walang anumang klase ng kapangyarihan ang makakapantay sa kolektibong pagkilos ng sambayanang pilipino.
Atin ring hinahamon si Bato Dela Rosa na sumuko na at harapin ang mga kaso sa korte, ngayong lantad na lantad na ang pagiging duwag at pang-uuto nito sa mga mamamayan, paliit na rin nang paliit ang mundo nito at kahit bali-baliktarin man ang mundo hinding-hindi ka makakawala hangga't makamit ang hustisya para sa mga inosenteng buhay na kinuha mo at ng administrayong Duterte.
Oras na ng Paniningil!
Sino man ang mangibabaw sa tunggalian ng dalawang naghaharing uri, isa lang ang tiyak na talo, ang masang pilipino. Kaya marapat lang na bakahin pareho, mapa-Marcos man o maka-Duterte sapagkat ang agawan ng kapagyarihan ng magkatunggaling paksyon ay hindi para interest ng masang pilipino kundi para sa kanilang interest na maghari at kamkamin ang yamang pinagpapaguran ng sambayanan.
Ang mga bilihin ay tumataas, ang suweldo ay sobrang mababa, ang mga mag-aaral ay pinagkakaitan ng maayos na pondo, ang mga magsasaka ay naghihirap at inaagawan ng lupa, ang mga pasyente ay nagtitiis sa mga bulok na pasilidad ng ospital atbp. Habang sila naman ay abala na isalba ang kani-kanilang pansariling interest.
Kaya inaanyayahan namin kayo mga kabataan, mga manggagawa, mga propesyunal, at iba pang sinasamantalang uri, na tumungo sa kalye at kolektibong kumilos para panagutin ang mga nagkasala sa ating bayan at ipaglaban ang tunay na demokratikong pamahalaan na nagsisilbi sa interest ng nakakarami hindi sa iilang naghaharing uri.
Sumali sa Kabataan Partylist-Quezon City
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
03/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ, ๐๐๐๐ฝ๐๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ!
Matagumpay na idinaos ng mga manggagawa ang paggunita sa Araw ng mga Manggagawa. Kasama ang mga kabataan at iba pang mga sektor, mula Espaรฑa ay nag-martsa ang mga libo-libong mamaayan patungong Mendiola kung saan tagumpay na isinagawa ang mga programa kung saan inilabas ng mga manggagawa ang mga hinaing nito sa administrasyong Marcos Jr.
Pagkatapos ng programa sa Mendiola ay tumungo ang mga mamamayan sa TM Kalaw upang magmartsa patungong Embahada ng Estados Unidos kung saan nagkaroon ng panandaliang tensyon sa magkabilaang panig, gayunpaman, naituloy pa rin ang programa ng mga manggagawa.
Bitbit ang mga panawagan gaya ng pagtaas ng sahod, gawing regular ang mga kontrakwal na manggagawa, tunay na reporma sa lupa, pagbasura sa oil deregulation law at iba pa. kasabay rin nito ang pagkondena sa paglabag sa karapatang pantao ng berdugong militar sa isla ng Negros at mga kasunduang militar ng pamahalaan at imperyalistang US na siyang banta sa ating soberanya at kapayapaan sa ating bayan.
Ang araw ng Mayo Uno ay napakahalagang parte ng ating kasaysayan dahil ito ay nagsisilbing paalala na ang mga bagay na tinatamasa natin ngayon ay hindi nagmula sa palasyo o kongreso kundi sa pakikibaka ng masang anakpawis sa kalsada at ito rin ay nagsisilbing paala rin na ang mga manggagawa at magsasaka ay ang lakas na bumubuhay sa ating bayan hindi ang mga ganid na kapitalista o mga burukrata sa pamahalaan.
Kasama ang hanay ng mga kabataan at mga manggagawa at iba pang sektor, tayo ay patuloy na tutungo sa kalye para pandayin ang lipunan na patas at walang pananamantala.
Maligayang Araw ng mga Manggagawa, HANGGANG SA TAGUMPAY!
30/04/2026
๐ผ๐น๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ด๐จ๐ต๐ฎ๐ฎ๐จ๐ฎ๐จ๐พ๐จ! ๐ฏ๐ผ๐ฒ๐ฉ๐ถ๐ต๐ฎ ๐ด๐จ๐ท๐จ๐ฎ๐ท๐จ๐ณ๐จ๐๐จ!
Bukas, Mayo Uno, ating gugunitain ang Araw ng mga Manggagawa, ang mga bayani na bumubuhay at parte ng ating pang araw-araw na pagharap sa hamon ng buhay, ang mga bayani na pinagkakaitan ng karapatan at mababang pasahod. Sa mga nagdaan na administrasyon hanggang sa administrasyong Marcos Jr., ang manggagawa ay nanatiling dehado habang ang mga kapitalista ay lalong yumayaman at milyon-milyong magsasaka ay walang sariling lupang sakahan at inaagawan pa rin ng lupa ng mga ganid na korporasyon.
Kung kaya't tayo ay tutungo, kasama ang ibang mamamayan na nagmula sa iba't-ibang sektor sa tarangkahan ng Mendiola upang ihayag ang ating mga suliraning kinakaharap at ipanawagan ang pagbigay ng nakabubuhay na pasahod, gawing regular ang mga manggagawang kontrakwal, tunay na repormang agraryo at iba pang panawagan para sa ikabubuti ng ating mga manggagawa at magsasaka.
Kabataan ng Quezon City, kayo ay aming inaanyayahan na makiisa at lumahok sa pakikibaka ng mga manggagawa at magsasaka, ang uri na bumubuhay sa ating lipunan at ang uri rin na pinagsasamantalahan. Tayo ay bahagi rin nito kaya marapat lang na tayo ay makialam at nang masaksihan ang tunay na kalagayan ng ating lipunan.
27/04/2026
Kabataan, Mangunguna sa โMarch for Peaceโ Laban sa EDCA at Imperyalistang Interbensyon
Nakatakdang magtipon ang daan-daang estudyante, lider-kabataan, at mga tagapagtaguyod ng kapayapaan sa isang โMarch for Peaceโ ngayong Abril 28, 2026, mula Kalaw hanggang Embahada ng Estados Unidos at Rajah Sulayman Plaza sa Maynila.
Pinangungunahan ng Youth for Justice and Peace (Y4JP), layunin ng pagkilos na ipanawagan ang pagbasura sa mga di-pantay na kasunduang militar tulad ng EDCA, MDT, at VFA, kasabay ng pagtutol sa lumalawak na papel ng Estados Unidos sa mga digmaan sa ibaโt ibang panig ng mundo.
Kasabay ng ika-12 anibersaryo ng EDCA, binibigyang-diin ng mga organisador ang ugnayan ng mga digmaang imperyalista sa lumalalang krisis pang-ekonomiya na nararanasan ng mamamayan, kabilang ang pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin na direktang umaapekto sa mga marhinalisadong sektor.
Bahagi rin ng panawagan ang pagpapanagot sa mga lider na sangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao at ang pagsusulong ng tunay na kapayapaan na nakabatay sa soberanya at katarungan.
Magkakaroon din ng press conference bago ang martsa upang ilunsad ang isang koalisyon na nananawagan sa pagtatapos ng digmaan ng Estados Unidos laban sa Iran, kasama ang ibaโt ibang sektor tulad ng mga grupong panrelihiyon at solidarity organizations.
Inaanyayahan namin ang mga Kabataan ng QC na makiisa at masaksihan ang mga panawagan ng kabataan at mamamayan para sa kapayapaan at pambansang kasarinlan.
๐ April 28, 2026
๐Kalaw cor. Taft
๐ฅ 9:30am
Sumali sa Kabataan Partylist - Quezon City
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
11/04/2026
Kabataan ng Kyusi, pag-aralan ang lipunan,
maging mulat sa katotohanan at sa mga isyung kinakaharap,
at kumilos para sa kinabukasan na mas makatarungan at makatao!1
Inaanyayahan namin ang mga kabataan na dumalo sa aming educational discussion tungkol sa Oil Price Hike (OPH) na gaganapin sa April 18 via Google Meet mula 8:00 hanggang 10:00 PM. Layunin ng talakayang ito na mas maunawaan ang kasalukuyang isyu ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at kung paano ito nakakaapekto sa araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa diskusyon, tatalakayin kung ano ang OPH, paano ito nagsimula, at sino-sino ang mga apektado nito sa lipunan. Ipapakita rin kung paano ang pagtaas ng presyo ng krudo ay may direktang epekto sa pamasahe, presyo ng bilihin, at kabuuang gastusin ng bawat pamilya.
Kasama rin sa pag-uusapan ang epekto ng VAT at excise tax sa presyo ng langis, na nagiging dagdag na dahilan kung bakit mas tumataas ang pasanin ng mga konsyumer. Sa pamamagitan nito, inaasahan na mas magiging malinaw kung bakit ang isyung ito ay mahalagang pagtuunan ng pansin at pag-usapan.
REGISTER NOW!
https://tinyurl.com/OPHPRIMER
https://tinyurl.com/OPHPRIMER
https://tinyurl.com/OPHPRIMER
02/04/2026
Pahayag ng Kabataan Partylist Quezon City hinggil sa illegal na pag aresto kay Charlize "Ceeka" Garzon.
Marso 29, Ilegal na inaresto ng Armed Forces of the Philippines ang Organisador at miyembro ng Panday Sining-Malate na si Charlize "Ceeka" Garzon na pilit na pinagbibintangang miyembro ng New Peoples Army o NPA.
Si Ceeka ay tumungo sa Mindoro upang maki-ugnay sa kalagayan ng mga Mangyan-buhid ukol sa Militarisasyon na kanilang nararanasan sa kanilang komunidad at planong pangangamkam ng mga kompanyang minahan sa kanilang lupaing minana mula sa kanilang mga ninuno.
Intimidasyon at Red tagging, iyan ang naranasan ng pamilya ni Ceeka sa pagpunta ng mga tauhan ng estado sa kanilang tahanan sa cavite at sa halip na payagang mabisita si Ceeka ng kanyang Ina at mga paralegal, ito ay pinigilan ng mga berdugong pasista na tila walang kinikilalang karapatan.
Mariing nating kinukundena ang malinaw na paglabag sa karapatang pantao ni Ceeka at mga gawa gawang kwento ng mga berdugong kasundaluhan na nag-aastang pribadong kawal ng mga ganid na kapitalistang uri na nag-nanais angkinin ang lupang ninuno ng mga Mangyan-buhid ng Probinsya ng Mindoro
PALAYAIN SI CEEKA GARZON! PALAYAIN ANG LAHAT NG BILANGGONG POLITIKAL! MILITARISASYON SA KANAYUNAN WAKASAN!
Sumali sa Kabataan Partylist-Quezon City:
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
02/04/2026
Naglunsad ng Kalbaryo ng mamamayan ng Quezon city, Marso 31, na pinangunahan ng Bayan-QC kasama ang mga kinatawan ng Kabataan party-list Quezon city at iba pang progresibong grupo.
Bitbit ang mga panawagan na Pagtanggal sa VAT(Vale added tax), excise tax at pagbasura sa oil deregulation law, pagtigil sa demolisyon ng mga komunidad ng mga maralita at pagkondena sa Giyera ng Imperyalistang US-Zionist sa gitnang silangan.
Mula sa tarangkahan ng NHA(National Housing Authority) kung saan nagtipon ang mamayan at nagmartsa patungong petron, philcoa para isagawa ang mga programa gaya ng talumpati, awiting bayan at dulaan kung saan ibinida ang paghihirap ni hesus bilang mga problema na kinaharap ng ating lipunan.
Gaya ni hesus na nagkatawang tao at bumababa sa lupa at pinili na makiisa sa masang inaapi, tayo rin ay lumulubog sa malawak na masa sapagkat ito ang tunay na tagapagligtas ng bayan laban sa mga politikong nasa palasyo o mga ganid na malalaking kapitalista at panginoong maylupa.
Santiago 5: 2-3 "Pakinggan ninyo ito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mapanirang insekto ang inyong mga damit. Kinakalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kalawang ding iyon ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy na tutupok sa inyong laman. Iyan ang kayamanang inimpok ninyo para sa mga huling araw."
Sumali sa Kabataan Partylist-Quezon City:
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
30/03/2026
๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐จ๐๐ฆ๐ ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก: ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐, ๐๐๐๐๐๐ผ๐!
Sa darating na Mahal na Araw, hindi lamang gunita ng sakripisyo ang ginugunita ng mamamayan, pati ang patuloy na kalbaryo na kanilang dinaranas sa araw-araw. Sa gitna ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis at sa mga pangunahing bilihin, lalong nabibigatan ang maralitang sektor na pilit kumakapit upang maitawid ang kanilang kabuhayan.
Kaya ngayong Marso 31, magsasagawa ng Kalbaryo ng Maralita sa Quezon City ang iba't ibang progresibong organisasyon kasama ang mamamayan ng lungsod. Layunin ng pagkilos na ito na ilantad at bigyang tinig ang tunay na kalagayan ng maralitang sektor, ilabas ang kanilang mga hinaing at panawagan para sa makatarungang pagbabago, hustisya, at pananagutan.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, panahon na upang makialam at makiisa. Dumalo tayo sa gaganaping Kalbaryo ng Maralita, makinig sa tinig ng mamamayan, at sama-samang ipaglaban ang karapatan at kapakanan ng bawat isa. Sa ating kolektibong pagkilos, maipapakita natin na ang kalbaryo ng mamamayan ay hindi na dapat pang magpatuloy at dapat ng wakasan.
Sumali sa Kabataan Partylist-Quezon City:
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
25/03/2026
โ๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง ๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐ง | ๐ด๐จ๐น๐ช๐ฏ 26โ27, 2026
Magkakaroon ng ikalawang malawakang transport strike simula bukas, March 26, hanggang March 27, bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at kawalan ng sapat na dagdag sa pasahe na lalo lamang nagpapahirap sa ating mga tsuper na kumakayod para sa kanilang kabuhayan.
Kasabay ng panawagang fare hike para sa sektor ng transportasyon ay ang panawagan para sa wage hike ng mga manggagawang labis ding apektado ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin.
Ipinapanawagan din ang pagtanggal ng 12% VAT at excise tax sa langis, at ang pagbasura sa Oil Deregulation Law na mga patakarang lalo lamang nagpapabigat sa pasanin ng mga Pilipino.
Makibahagi. Makialam. Makibaka.
Sama-sama nating ipaglaban ang makatarungang pasahe at sahod!
๐Mga Protest Centers:
โข E. Rodriguez
โข Anonas
โข Litex
โข Cubao (Main)
โข North Triangle
โข Philcoa
โข Novaliches
Join Kabataan Partylist Quezon City:
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
๐ bit.ly/JoinKabataanQC
23/03/2026
๐๐๐๐๐ผ๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐ผ๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐!
Nakiisa ang Kabataan PartylistโQuezon City sa isinagawang welga at transport strike noong Marso 19โ20, 2026. Ito ay sama-samang pagkilos ng mga tsuper at komyuter laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Kasama ang ibaโt ibang progresibong organisasyon at sektor ng lipunan na labis na naaapektuhan ng krisis sa langis, sama-samang ipinahayag ang kanilang mga panawagan. Kabilang dito ang pagtigil sa agresyong gera ng USโIsrael, pag-alis ng 12% VAT at excise tax sa langis, agarang rollback sa presyo ng petrolyo, makatarungang fare hike para sa mga tsuper, dagdag sahod para sa mga manggagawa, pagbasura sa Oil Deregulation Law, at pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal.
Sa mga susunod na araw, inaasahang magpapatuloy ang welga at transport strike sa buong bansa bilang bahagi ng tuluy-tuloy na laban para sa makatarungang presyo ng langis at disenteng kabuhayan.
MGA KABATAAN NG QUEZON CITY, MAKIISA SA LABAN NG MGA TSUPER! IPAGLABAN ANG KARAPATAN SA KABUHAYAN!
Sumali sa Kabataan PartylistโQuezon City:
๐bit.ly/JoinKabataanQC