PIA-Surigao del Norte

PIA-Surigao del Norte

Share

This is the official fan page of Philippine Information Agency - Surigao del Norte Information Center and Dinagat Islands Extension Office

01/06/2026

Adunay 21,000 metrikong tonelada sa LPG ang miabot sa Pilipinas gikan sa Estados Unidos. Kini kabahin sa kamandoan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. nga mapalig-on ug masiguro ang igo ug padayon nga suplay sa nasod taliwala sa nagpadayong tensyon sa Middle East.

| Mayroong 21,000 metrikong tonelada ng LPG ang dumating sa Pilipinas mula sa Estados Unidos. Ito ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapalakas at matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng LPG para sa mga Pilipino sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

01/06/2026

Mas gipalig-on pa sa Pilipinas ug Vietnam ang ilang pagtinabangay sa seguridad ug depensa pinaagi sa usa ka bag-ong kasabutan nga magpalawom sa relasyon sa duha ka nasod ug mag-abli sa mas daghang oportunidad para sa kooperasyon sa umaabot. 🇵🇭🇻🇳

Higit na pinalalakas ng Pilipinas at Vietnam ang kanilang pagtutulungan sa seguridad at depensa sa pamamagitan ng isang bagong kasunduan na magpapalalim sa ugnayan ng dalawang bansa at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kooperasyon sa hinaharap. 🇵🇭🇻🇳

01/06/2026

ICYMI:

LIVE l Ang Chronic Kidney Disease usa sa mga krisis sa panglawas sa tibuok kalibotan nga giatubang sa daghang Pilipino. Unsa ba kini? Aduna pa ba'y solusyon kini nga sakit? Kana ang atong hisgutan karon, lakip na ang selebrasyon sa National Kidney Month, dinhi lang sa Impormasyon at Aksyon!

01/06/2026

Ania ang mga importanteng detalye gikan sa gipahigayon nga Malacañang Press Briefing karong adlawa, Hunyo 1, 2026, uban ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro:

Narito ang mga mahahalagang detalye mula sa ginanap na Malacañang Press Briefing ngayong araw, Hunyo 1, 2026, kasama si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro:

-Pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas at Vietnam: Sa pagbisita ni Vietnam President Tô Lâm sa Pilipinas, itinaas nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Pangulong Tô Lâm ang ugnayan ng dalawang bansa sa antas ng ‘Enhanced Strategic Partnership,’ na sumasaklaw sa masiglang kalakalan sa agrikultura, kooperasyon sa mga rehiyon, at ang paglagda sa isang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation upang paigtingin ang seguridad sa pagitan ng dalawang bansa.

-Pagsuporta sa alyansang Pilipinas at Estados Unidos: Sa isang pag-uusap sa telepono sa pagitan nina Pangulong Marcos Jr. at U.S. Secretary of State Marco Rubio, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa West Philippine Sea. Ang kanilang talakayan ay nakatuon din sa mga kooperasyon sa ekonomiya, enerhiya, at teknolohiya, na nagpapatunay sa lalim ng halos walong dekadang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

-Komprehensibong paghahanda para sa "Oplan Balik-Eskwela": Sa pangunguna ng DepEd, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor, inilatag ang mga plano para sa ligtas at maayos na pagbubukas ng klase sa ika-8 ng Hunyo. Tinitiyak ng mga hakbang na ito ang sapat na suplay ng kuryente, maayos na trapiko, komunikasyon, at suporta para sa mga mag-aaral na lubos na nangangailangan.

-Paglikha ng trabaho sa pamamagitan ng malalaking imprastruktura: Mahigit sa 31,000 na oportunidad sa trabaho ang nabuksan para sa mga manggagawang Pilipino dahil sa North-South Commuter Railway at Metro Manila Subway Project. Ang mga proyektong ito ay hindi lamang naglalayong pabilisin ang paglalakbay sa Luzon, nagpapakita rin ng tiwala ng pamahalaan sa kahusayan at kakayahan ng mga lokal na inhinyero at arkitekto.

-Mas maigting na kampanya laban sa smuggling: Alinsunod sa direktiba ng Pangulo, pinaigting ng Bureau of Customs, katuwang ang DOJ at NBI, ang pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad sa bansa, kabilang ang matagumpay na pagharang sa mga smuggled na sigarilyo sa Davao na nagkakahalaga ng mahigit P156 milyong, na bahagi ng determinasyong panagutin ang lahat ng sangkot sa smuggling, maliit man o malaking operasyon.

01/06/2026

Gipalig-on nila ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ug ni Vietnamese nga Presidente Tô Lâm ang nagkalawom nga relasyon tali sa Pilipinas ug Vietnam, nga nakapunting sa mas lig-on nga kooperasyon sa ekonomiya, turismo, edukasyon, ug kultura alang sa kaayohan sa ilang mga katawhan. 🇵🇭🤝🇻🇳

Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vietnamese President Tô Lâm ang lumalalim na ugnayan ng Pilipinas at Vietnam, na nakatuon sa mas matibay na kooperasyon sa ekonomiya, turismo, edukasyon, at kultura para sa kapakinabangan ng kanilang mga mamamayan. 🇵🇭🤝🇻🇳

01/06/2026
01/06/2026

Karong , atong ilhon ug saulogon ang kaisog sa pagpakita sa tinuod nga kaugalingon ug sa paghigugma nga gawasnon—uban ang dignidad, respeto, ug walay kahadlok.

Hinaut nga magpadayon nga mabulokon ang matag sugilanon sa gugma, pagdawat, ug pagkatinuod sa kaugalingon. 🌈

Ngayong , kinikilala at ipinagdiriwang ang tapang na ipakita ang tunay na sarili at magmahal nang malaya—may dignidad, respeto, at walang takot.

Nawa’y mananatiling makulay ang bawat kwento ng pagmamahal, pagtanggap, at pagiging totoo sa sarili. 🌈

01/06/2026

TAN-AWA: Gipagawas sa Presidential Communications Office ang hulagway ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. samtang nakig-estorya pinaagi sa telepono kang US Secretary of State Marco Rubio karong Lunes, Hunyo 1, 2026.

Padayon nga atangan ang umaabot nga mga impormasyon kabahin niining panag-istoryahanay.


TINGNAN: Ibinahagi ng Presidential Communications Office ang larawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. habang nakikipag-usap sa telepono kay U.S. Secretary of State Marco Rubio ngayong Lunes, Hunyo 1, 2026.

Patuloy na subaybayan ang mga susunod na impormasyon tungkol sa pag-uusap na ito.


01/06/2026
01/06/2026

Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Atty. Claire Castro holds a press briefing with the Malacañang Press Corps (MPC) on June 1, 2026.

Want your business to be the top-listed Government Service in Surigao City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Parrucho Street Cor. Magallanes St.
Surigao City
8400

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm