09/11/2026
📢 IMPORTANT ANNOUNCEMENT FOR BARANGAY PATALON BENEFICIARIES 📢
DSWD WALANG GUTOM 2027: FOOD STAMP PROGRAM (WGP)
Food Redemption Month 10 and 11 (FRM-10-FRM 11)
Magandang araw sa lahat ng ating mga beneficiaries mula sa Barangay Patalon!
Inaanyayahan ang lahat ng opisyal na kwalipikadong benepisyaryo ng Walang Gutom Program na dumalo sa ating nakatakdang Food Redemption Month 10 (FRM-10-FRM 11).
📅 Petsa: November 17, 2026 (Tuesday)
⏰ Oras: 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Lugar/Venue: Labuan Covered Court
📋 MGA REQUIRMENT NA DAPAT DALHIN:
1️⃣ PARA SA PRIMARY BENEFICIARY:
- Panunumpa
- Valid ID
- EBT Card (kung mayroon)
2️⃣ PARA SA SECONDARY BENEFICIARY:
- Panunumpa
- Valid ID
- Primary EBT Card (kung mayroon)
- Secondary EBT Card (kung mayroon)
3️⃣ PARA SA PROXY:
- Panunumpa
- Valid ID ng parehong Primary Beneficiary at Proxy
- EBT Card o Secondary EBT Card
- Lagdaang Authorization Letter
- Katibayan ng Relasyon / Proof of Relationship (hal. Marriage Contract para sa asawa, Birth Certificate para sa anak, o Barangay Certification)
⚠️ PAALALA SA LAHAT NG BENEPISYARYO:
Mangyaring kumpletuhin ang mga kinakailangang dokumento bago pumunta sa venue at panatilihin ang kaayusan sa panahon ng pamamahagi.
Para sa mga katanungan, maaari kayong sumangguni sa ating Barangay Information Office o mag-iwan ng mensahe rito sa ating opisyal na page.
Maraming salamat sa inyong patuloy na kooperasyon! God bless and Mabuhay! 💙