05/11/2026
BASAHIN : 𝐃𝐎𝐋𝐄 𝐌𝐈𝐌𝐀𝐑𝐎𝐏𝐀, 𝐍𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲-𝐎𝐩𝐨𝐫𝐭𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐬𝐚 𝟔 𝐧𝐚 𝐋𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐀𝐬𝐨𝐬𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐀𝐃𝐈𝐖𝐀 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨 𝐜𝐮𝐦 𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃
Isa sa mga mandato ng Department of Labor and Employment (DOLE) MIMAROPA, sa pangunguna ni Labor Secretary Francis N. Tolentino, ay mapalakas ang sektor ng agrikultura at mabigyan ng oportunidad ang mga magsasaka na maipagbili ang kanilang mga ani at produkto sa lokal na merkado. Sa tulong ng programang pinangunahan ng Departamento, ang Kadiwa ng Pangulo cm TUPAD ay naging daan upang matulungan ang mga magsasaka na hindi lamang magkaroon ng sapat na kita, kundi pati na rin ng karagdagang kita at hanapbuhay sa ilalim ng KADIWA cm TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers).
Mula Oktubre 27 hanggang Oktubre 30 ng kasalukuyang taon, binigyan ng pagkakataon ang mga lokal na prodyuser na maipagbili ang kanilang mga produkto at mapalakas ang kanilang kabuhayan. Tampok sa aktibidad ang mga sariwang gulay, prutas, at iba pang produktong lokal na nagbigay ng mas maraming pagpipilian sa mga mamimili.
END/Angel Ramos
Basahin dito ang buong detalye: https://tinyurl.com/NR-2026-11-136-RO