City Veterinary Services Department - Calapan

Directions

City Veterinary Services Department - Calapan City Veterinary Services Department — Protecting animal health, promoting responsible pet ownership, and serving our community.

16/10/2026

Attention Furparents

08/10/2026
📍
01/10/2026

📍

27/09/2026
PABATID SA PUBLIKO: PAALALA UKOL SA STATUS NG RABIES SA LUNGSOD NG CALAPANPetsa: Setyembre 26, 2026Para sa: Lahat ng Mam...
26/09/2026

PABATID SA PUBLIKO: PAALALA UKOL SA STATUS NG RABIES SA LUNGSOD NG CALAPAN
Petsa: Setyembre 26, 2026
Para sa: Lahat ng Mamamayan ng Calapan City
Ipinababatid po ng City Veterinary Services Department sa ating mga minamahal na Calapeńo na nakapagtala tayo ng mga kaso ng Rabies ngayong taon ng 2026.
Upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat pamilya, nais naming i-update ang publiko sa mga sumusunod na kasong nakumpirma sa ating mga barangay:
Abril 17, 2026: 1 positive case (Aso) sa Barangay Ilaya
Agosto 20, 2026: 1 positive cases (Aso) sa Barangay Ibaba West
Setyembre 8, 2026: 1 positive case (Aso) sa Barangay Ibaba West
Setyembre 17, 2026: 1 positive case (Aso) sa Barangay Lazareto

Kasalukuyang isinasagawa na ng ating tanggapan katuwang ang mga lokal na opisyal ang emergency vaccination, barangay mass vaccination, at contact tracing sa mga nabanggit na lugar upang mapigilan ang pagkalat nito.
MGA PAYO AT GABAY PARA SA KALIGTASAN:
"Ang Rabies ay nakamamatay, ngunit ito ay maiiwasan!"

I-pabakuna ang Inyong Alaga: Dalhin ang inyong mga aso at pusa (3 buwan pataas) para sa taunang anti-rabies vaccination sa ating City Veterinary Services Department o sa mga nagpapatuloy na Libreng Bakunahan sa inyong mga barangay.
I-Kulong o Itali ang mga Alaga: Huwag hayaang pagala-gala sa kalsada ang inyong mga alagang hayop upang maiwasan ang pakikipag-away sa ibang hayop.
Ano ang Gagawin kung Nakagat?
Hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at malinis na tubig sa loob ng 10 minuto.
Maglagay ng povidone-iodine (Betadine) sa sugat.
Pumunta kaagad sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center (ABTC) para sa kaukulang bakuna (Anti-Rabies Vaccine at TIG). Huwag nang maghintay o gumamit ng tradisyunal na panggamot (tandok).
Magtulungan po tayo upang panatilihing ligtas at "Rabies-Free" ang ating minamahal na Lungsod ng Calapan. Para sa mga katanungan, i-message lamang ang aming page o tumawag sa ating tanggapan.
Mula sa iyong City Veterinary Services Department 🐾

Address

New City Hall Complex, Guinobatan
Calapan
5200

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Veterinary Services Department - Calapan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share