31/10/2026
𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗔𝗕𝗜: 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗜 – 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗢𝗨𝗦 𝗣𝗘𝗢𝗣𝗟𝗘𝗦 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲
Isang makulay na pagdiriwang ng kultura, talento, at pagkakaisa ang naganap ngayong araw sa Bayan ng Bongabong!✨️
Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pamumuno ni Gob Bonz Dolor, sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office katuwang si IPMR Board Member Lagtum Pasag, ang 𝘓𝘪𝘱𝘪𝘯𝘨 𝘏𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪: 𝘗𝘢𝘭𝘢𝘳𝘰 𝘯𝘨 𝘓𝘢𝘩𝘪 para sa Indigenous Peoples Month 2026. 💚
Hindi lamang simpleng palaro, naging espasyo ang gawaing ito para sa ating mga kapatid na Mangyan upang ibida ang kanilang galing sa sining, sayaw, awit, talino at teamwork!
Maraming salamat sa ating mga kapatid na Mangyan sa pagbabahagi ng inyong yaman ng kultura. Patuloy nating igalang at mahalin ang ating katutubong pamana—hindi lang ngayong buwan, kundi araw-araw! 🌿✨