Sangguniang Kabataan ng Potrero

Directions Website Contact the organization

Sangguniang Kabataan ng Potrero Kasama ka namin tungo sa mas inklusibo at progresibong konseho para sa lahat ng !💙

24/10/2026

Barangay Potrero Assembly Day and State of the Barangay Address | 2nd Sem of 2026

𝗢𝗟𝗗 𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥, 𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡👀Muling nagbabalik sa ikatlong taon ang ISKOLAR NG POTRERO handog sa atin ng Sanggunian...
23/10/2026

𝗢𝗟𝗗 𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥, 𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡👀

Muling nagbabalik sa ikatlong taon ang ISKOLAR NG POTRERO handog sa atin ng Sangguniang Kabataan ng Potrero, sa pangunguna ni SKC Allaiza Mae M. Alamo, at sa tulong ng Pamahalaang Barangay ng Potrero sa pangunguna ni PB Sheryl C. Nolasco.

Layunin ng proyektong ito na bigyan ng financial aide o tulong ang mga kabataang mag-aaral para sa kanilang mga pang-akademikong pangangailangan.

Sa Opisyal nitong pagbubukas ngayong taon,ang lahat ng OLD ISKOLAR ay maaari nang mag-reapply simula sa October 26 hanggang October 31, 2026, 9:00AM to 4:00PM sa Kabataan Center. Siguruhing dalhin ang KUMPLETONG REQUIREMENTS:

➡️Original at 2 Photocopies ng Official Receipt
➡️Original at 2 Photocopies ng Registration Form
➡️Original at 2 Photocopies ng Certificate of Enrollment
➡️Original at 2 Photocopies ng Grades Last Semester/Year
➡️Original at 2 Photocopies ng Valid ID ng Magulang/Guardian
➡️Original at 2 Photocopies ng Katipunan ng Kabataan ID
➡️2 pcs of 2x2 Size ID Picture

MGA MAHALAGANG PAALALA:

❗Tanging para sa mga OLD ISKOLAR muna ang aplikasyong ito. Magbababa kami ng bukod na posting para sa mga NEW ISKOLAR.

❗Ang mga aplikasyong matatanggap ay dadaan pa sa verification process. Hindi po awtomatikong matatanggap bilang iskolar ang mga magpapasa ng requirements.

❗Para sa iba pang katanungan, mag-message lamang sa aming official page na Sangguniang Kabataan ng Potrero o mag-message sa kahit na sinong bahagi ng SK Council.

❗I-access ang link sa ibaba para makita ang opisyal na listahan ng mga OLD ISKOLAR NG POTRERO:
https://tinyurl.com/SK-Iskolar-2026-List
https://tinyurl.com/SK-Iskolar-2026-List

Patuloy ang Sanggunian sa pagtupad sa pangako nitong pagbibigay prayoridad sa Sektor ng Edukasyon, dahil naniniwala kami na mahalagang sangkap ito sa pag-unlad ng Kabataan.


𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗞𝗢 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗧𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗞𝗜𝗧𝗦🎒✨Naniniwala kami na ang pagtatayo ng negosyo ay mahalagang susi sa mas ...
12/10/2026

𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗞𝗢 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗧𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗞𝗜𝗧𝗦🎒✨

Naniniwala kami na ang pagtatayo ng negosyo ay mahalagang susi sa mas magandang kinabukasan. Kaya naman, mula sa plataporma ni SKK Princess Zamora katuwang si SKS Kyle Valeroso, naisakatuparan ang paglulunsad ng K*K Starter Kits project upang magbigay ng paunang tulong sa mga kabataang nais magtayo ng Negosyo.

Idinaos ang Orientation at Distribution nitong September 13 kasama ang mga napiling benepisyaryo. Naging mabusisi at sistematiko ang naging paraan ng pagpili sa kanila.

Dumaan ang humigit apatnapung (40) initial applicants sa online application, interview, background checking at house visitation. Mula sa mga prosesong ito pumili ang buong Konseho ng sampu (10) kabataang mapagkakalooban ng starter kits. Ang limang businesses na maaring piliin ng mga benepisyaryo ay ang Tusok-Tusok, Silugan, Bike with Storage Bag, Nail Salon at Barbequehan.

Ang kanilang mga supplies at equipment na natanggap ay nakaayon sa mga business na kanilang napili. Ang mga pangunahing ipinamahagi natin ay bike, kalan, burner, barbeque grill, Rice Cooker, LED Nail Lamp, mga stock ng pagkain gaya ng itlog, kaban ng bigas, Pork meats, hotdog, at marami pang ibang mga produkto na kanilang magagamit para sa kanilang pagtitinda. At bilang paunang tulong, nagbigay rin ng financial aid ang Konseho para sa tuloy-tuloy na pagsisimula ng kanilang Negosyo.

Bago ang pamamahagi, kasama ang kanilang mga kapamilya, nagkaroon ng kaunting programa kung saan natalakay ang Memorandum of Agreement na kanilang ring pinirmahan upang maging malinaw kung ano ang kanilang responsibilidad bilang benepisyaryo. Nagpanood din tayo ng ilang tips at advice sa kung paano nila mapapalago ang kanilang Negosyo.

Bagamat natapos na ang Orientation at Distribution ng mga equipment at supplies, patuloy pa ring tatakbo ang proyekto dahil magkakaroon ng Evaluation at Monitoring upang maisiguro ang progreso ng proyekto.

Simula sa application process hanggang sa pamimili ng mga gamit at pagkain nakasama natin ang ilang miyembro ng Potrero United Youth Organization at SK Potrero Staff.

Ang K*K Starter Kit program ay ikapito (7) sa labindalawang (12) proyekto ng SK Potrero para sa selebrasyon ng Linggo ng Kabataan. Binibigyang pokus nito ang Youth Employment & Livelihood na bahagi ng SK's 10 Centers of Youth Participation.


𝗦𝗞 𝗣𝗢𝗧𝗥𝗘𝗥𝗢 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗛𝗬𝗚𝗜𝗘𝗡𝗘 𝗞𝗜𝗧𝗦 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡🧼🫧Naniniwala ang Sangguniang Kabataan ng Potrero na ang kalinisan sa katawan ay...
06/10/2026

𝗦𝗞 𝗣𝗢𝗧𝗥𝗘𝗥𝗢 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗛𝗬𝗚𝗜𝗘𝗡𝗘 𝗞𝗜𝗧𝗦 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡🧼🫧

Naniniwala ang Sangguniang Kabataan ng Potrero na ang kalinisan sa katawan ay mahalaga upang magkaroon ng magandang kalusugan.

Kaya naman, nitong October 1, 2026, sa pangangasiwa ni SKK John Loyd Masipag, namahagi tayo ng libreng hygiene kits sa mga Senior High School students ng Potrero National High School bilang paalala sa kahalagahan ng wastong kalinisan at pangangalaga sa sarili.

Naging makabuluhan at matagumpay ang proyektong ito dahil din sa tulong at koordinasyon ng principal ng paaralan, Ma’am Nenita J. Rivera, Sir Rommel B. Doong, at ang SSLG ng PNHS.

Ang adbokasiyang ito ay tatlong taon nang inilulunsad ng Konseho sa pangunguna ni SKC Allaiza Mae M. Alamo katuwang ang SK Potrero Council at Potrero United Youth Organization.

Ang proyektong ito ay ikasiyam (9) sa labindalawang proyekto na bahagi ng pagdiriwang ng LINGGO NG KABATAAN 2026. Binibigyang prayoridad nito ang Health na bahagi ng SK’s 10 Centers of Youth Participation.


03/10/2026

𝗦𝗞 𝗣𝗢𝗧𝗥𝗘𝗥𝗢 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗛𝗬𝗚𝗜𝗘𝗡𝗘 𝗞𝗜𝗧𝗦 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡🧼🫧

Naniniwala ang Sangguniang Kabataan ng Potrero na ang kalinisan sa katawan ay mahalaga upang magkaroon ng magandang kalusugan.

Kaya naman, nitong October 1, 2026, sa pangangasiwa ni SKK John Loyd Masipag, namahagi tayo ng libreng hygiene kits sa mga Senior High School students ng Potrero National High School bilang paalala sa kahalagahan ng wastong kalinisan at pangangalaga sa sarili.

Naging makabuluhan at matagumpay ang proyektong ito dahil din sa tulong at koordinasyon ng principal ng paaralan, Ma’am Nenita J. Rivera, Sir Rommel B. Doong, at ang SSLG ng PNHS.

Ang adbokasiyang ito ay tatlong taon nang inilulunsad ng Konseho sa pangunguna ni SKC Allaiza Mae M. Alamo katuwang ang SK Potrero Council at Potrero United Youth Organization.

Ang proyektong ito ay ikasiyam (9) sa labindalawang proyekto na bahagi ng pagdiriwang ng LINGGO NG KABATAAN 2026. Binibigyang prayoridad nito ang Health na bahagi ng SK’s 10 Centers of Youth Participation.


𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟 & 𝗦𝗛𝗢𝗥𝗧 𝗙𝗜𝗟𝗠 𝗙𝗘𝗦𝗧 𝗕𝗘𝗛𝗜𝗡𝗗 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗢𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦📸✨Bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026, matagumpay na naisagawa a...
29/09/2026

𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟 & 𝗦𝗛𝗢𝗥𝗧 𝗙𝗜𝗟𝗠 𝗙𝗘𝗦𝗧 𝗕𝗘𝗛𝗜𝗡𝗗 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗢𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦📸✨

Bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026, matagumpay na naisagawa ang dalawang makasaysayang proyekto na kauna-unahang inilunsad para sa Kabataang Potrero.

Isang gabi ng pagkilala, puno paglikha at inspirasyon, at mga kuwentong tuluyang umukit sa kasaysayan ng ating komunidad. Ating namnamin at muling alalahanin ang mga hindi malilimutang sandali ng Gabi.

Ang Gawad Parangal at Short FIlm Festival ay ang ika-pito at ikawalong proyekto para sa nasabing selebrasyon. Binibigyang pokus nito ang Education, Active Citizenship, Governance, at Global Mobility na bahagi ng 10 SK's Centers of Youth Participation.


𝟭𝗦𝗧 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗧𝗥𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗛𝗢𝗥𝗧 𝗙𝗜𝗟𝗠 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗𝗜𝗡𝗚🎬🏆Ang talento, kahusayan sa pagkukwento, at pagkamalikhain ng Kabataan...
29/09/2026

𝟭𝗦𝗧 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗧𝗥𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗛𝗢𝗥𝗧 𝗙𝗜𝗟𝗠 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗𝗜𝗡𝗚🎬🏆

Ang talento, kahusayan sa pagkukwento, at pagkamalikhain ng Kabataang Potreo ay tunay na de kalidad at ipinagmamalaki sa labas ng ating komunidad.

Bilang pagdiriwang ng kauna-unahang Kabataang Potrero Short Film Festival, mula sa konsepto at pangangasiwa ni SKK AJ Paraggua, ating bibigyang buhay ang natatanging kwento, kakaibang karanasan at ang makulay na pangarap ng Kabataang Potrero.

Mula sa anim (6) na finalist at official submitted entries, natunghayan natin ang husay at talino ng mga kabataan sa masining na pagkukwento at pagbuo ng pelikula. Nasaksihan natin ang kanilang pagsusumikap na maipakita ang istoya ng pagkabigo, pagpapatuloy, at pag-abot sa minimithing pangarap.

Narito ang mga natatanging pelikula at kabataang nagningning sa 1st Kabataang Potrero Short Film Festival.


𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗧𝗥𝗘𝗥𝗢 🏆✨Sa bawat pangarap na tinutupad, serbisyong ipinapamalas sa komunidad, at kabutih...
29/09/2026

𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗧𝗥𝗘𝗥𝗢 🏆✨

Sa bawat pangarap na tinutupad, serbisyong ipinapamalas sa komunidad, at kabutihang ibinabahagi, may mga natatanging kabataang patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa kanilang kapwa at sa kaniyang lipunan.

Buong-puso nating ipinagmamalaki ang Sampung Natatanging Kabataang Potrero na nagpakita ng husay, dedikasyon, sipag, at malasakit. Sila ay patunay na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng kinabukasan, kundi mga aktibong katuwang sa pagbuo ng mas maunlad at mas nagkakaisang komunidad.

Narito ang ating Sampung Natatanging Kabataang Potrero!


𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗢𝗥𝗚𝗔𝗡𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗𝗦🏆Ang mga kabataan at ang mga organisasyon kanilang kinabibilangan ang siyang nagpapanatili ng p...
29/09/2026

𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗢𝗥𝗚𝗔𝗡𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗𝗦🏆

Ang mga kabataan at ang mga organisasyon kanilang kinabibilangan ang siyang nagpapanatili ng pagkakaisa, pagkamalikhain at pagsusumikap para sa tagumpay ng ating komunidad.

Ating binigyang pagkilala ang mga pangkabataang organisasyon na nagpamalas ng husay, hindi mapapantayang pagkakaisa, at pagmamahal sa kanilang komunidad.

Narito ang mga organisasyong nagwagi para sa ating YOUTH ORGANIZATION AWARDS.


𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗘𝗦𝗬𝗢𝗡🏅🎓Naniniwala ang SK Potrero na ang Edukasyon ay mahalagang sangkap para sa pan...
29/09/2026

𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗘𝗦𝗬𝗢𝗡🏅🎓

Naniniwala ang SK Potrero na ang Edukasyon ay mahalagang sangkap para sa pansariling pag-unlad at paglago ng Komunidad. Kaya naman, bilang bahagi ng Gawad Parangal 2026, ginawaran natin ng pagkilala at pagpapahalaga ang mga natatanging kabataang nagtagumpay sa kanilang akademikong larangan.

Narito ang mga Kabataang Potrero na nagtapos sa SHS With High at Highest Honors, at nagtapos sa College bilang Cum Lade at Magna Cum Laude. Atin ding buong-pusong ipinagmamalaki ang mga kabataang nakapasa sa iba't ibang board at professional exams.

Narito ang mga nagkamit ng Gawad Karangalan sa Edukasyon at Propesyon!


Address

Potrero
Malabon
1475

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Potrero posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan ng Potrero:

Shortcuts

Share

Nearby government services