OSCA- Malabon City

Directions

OSCA- Malabon City This is the official page of the Malabon City- Office Of The Senior Citizens Affairs (OSCA)

01/11/2026
01/11/2026

Sa paggunita natin sa Araw ng mga Santo, ating alalahanin at bigyang-pugay ang mga banal na nagsilbing inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang matibay na pananampalataya, kabutihan, at pagmamahal sa kapwa.

Nawa'y magsilbi silang huwaran ng pananampalataya at paggawa ng mabuti sa araw-araw. Isabuhay natin ang kanilang mga aral sa pamamagitan ng pagiging mabuting tao at paglilingkod sa ating kapwa.

Isang mapagpalang Araw ng mga Santo sa lahat ng mga Malabueño!

01/11/2026

đź’™ PAGMAMAHAL NA HINDI KUMUKUPAS, KAPANATAGANG HINDI MATUTUMBASAN

Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Estrella Tobias ng Barangay Concepcion nang ma-cremate ang mga labi ng kaniyang ama, ina, lola, at dalawang tiyahin na matagal nang nakahimlay sa Tugatog Public Cemetery.

Bagama't hindi mawawala ang pangungulila sa kaniyang mga mahal sa buhay, malaking ginhawa at kasiyahan para kay Estrella na maayos nang naasikaso ang kanilang mga labi. Lalo siyang naging emosyonal sa pag-alalang magkakasama na ang kaniyang pamilya sa kolumbaryo, kung saan maaari niya silang patuloy na dalawin at ipagdasal.

Ikinatuwa rin niya ang unti-unting pagsasaayos at pagpapaunlad ng Tugatog Public Cemetery, kabilang ang bagong The Risen Christ Hall.

Nagpaabot siya ng pasasalamat kay Mayor Jeannie Sandoval at ng pag-asang patuloy pang mapahusay ang mga pasilidad para sa iba pang pamilyang Malabueño.

Para kay Estrella, ang mahalaga ay ang katiyakang napangangalagaan nang may dignidad at paggalang ang mga labi ng kaniyang pamilya.

Dahil sa bawat hakbang tungo sa mas maayos na serbisyo sa Tugatog Public Cemetery, may mga pamilyang nagkakaroon ng kapanatagan habang patuloy na inaalala at minamahal ang kanilang mga yumao.

01/11/2026

ALL SAINTS’ DAY 2026 | ANG KABANALAN, MAKIKITA SA PANANAMPALATAYA AT KABUTIHAN!

Ngayong Nobyembre 1, ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika ang Araw ng mga Santo bilang pagpupugay sa lahat ng nakamtan na ang buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos. Mga santong kinilala ng Simbahan at ang di-mabilang na mga taong namuhay nang may kabanalan, na maaaring hindi man nakilala ng mundo ngunit kilala ng Mapagmahal na Diyos.

Sa pagdiriwang ng Undas, ipinapaalala sa atin ng kanilang mga halimbawa na ang kabanalan ay naipapakita rin sa pang-araw-araw na buhay. Sa taimtim na pananalangin, pagtulong sa nangangailangan, pagpapatawad, pagpapakumbaba, at pagmamahal sa kapwa.

Nawa’y patuloy tayong maging mabuting halimbawa sa ating pamilya at komunidad, at isabuhay ang pananampalatayang naglalapit sa atin sa Diyos at sa isa’t isa.

Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, isang mapagpala at makabuluhang paggunita ng Araw ng mga Santo sa lahat ng Malabueño! 🕯️🙏

31/10/2026
31/10/2026

🕯💙 UNDAS 2026 | PAALALA SA OPERASYON NG MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG MALABON

Ipinapaalam sa lahat ng Malabueño na walang pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Lunes, Nobyembre 2, 2026, alinsunod sa Proclamation No. 1006, s. 2025, na nagdedeklara sa All Souls’ Day bilang Special Non-Working Day.

Gayunpaman, magpapatuloy ang operasyon ng mga kawaning nakatalaga sa emergency response at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang kaligtasan at agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga Malabueno.

Magbabalik ang regular na operasyon ng mga tanggapan sa Martes, Nobyembre 3, 2026.

Hinihikayat ang lahat na planuhin nang maaga ang kanilang mga transaksyon. Nawa'y maging ligtas, payapa, at makabuluhan ang paggunita ng Undas kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Address

OSCA Building, Ground Floor, F. Sevilla Boulevard San Agustin
Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OSCA- Malabon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services