Agricultural Credit Policy Council

Call Directions Website Contact the organization

Agricultural Credit Policy Council This is the OFFICIAL FACEBOOK PAGE of the Agricultural Credit Policy Council (ACPC) of the PH Attached agency of Department of Agriculture

30/10/2026

MULA SA BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS: NAKATIPID KA, NATUTO NA, MAY CERTIFICATE KA PA!

Emergency fund? 80-20 rule? Samu't saring budgeting terms and tips online na hindi mo maintindihan?

Sa BSP E-Learning Academy (BELA), may modules patungkol sa budgeting, investing, at scam protection! May makukuha ring e-certificate!

Ang BELA ay ang libreng online platform ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagbibigay ng libreng edukasyong pampinansyal sa publiko.

Libre na, legit pa! Be with BELA! I-access ang link na ito: https://bsplearn.bsp.gov.ph

29/10/2026



DA-ACPC, Pinalawak ang Credit Assistance para sa mga Magsasaka at Mangingisdang Apektado ng Kalamidad sa Pamamagitan ng Agri-RECOVER program

Inilapit ng ACPC ang tulong pinansyal at iba pang serbisyong pampamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda sa Pangasinan sa pamamagitan ng Agri-RECOVER Caravan.

Para sa detalye ng mga balita, panoorin ito.

29/10/2026

Mga Ka-AGRI, sama sama nating palakasin at protektahan ang ating kabuhayan sa harap ng epekto ng El Niño at mga kalamidad 🌾🛶

Sa bagong lunsad na programa ng DA-ACPC—ang Agricultural Rehabilitation, Emergency Credit, and Operational Viability for Economic Restoration (Agri-RECOVER) Program, nais naming magbigay ng agarang tulong pinansyal, magpatatag ng cash flow, at suportahan ang rehabilitasyon ng mga small farmers and fisherfolk (SFF) na apektado ng kalamidad.

Sumabaybay, makinig, at makilahok sa ating agriCREDITalk Episode 3!

  | Mga Ka-AGRI, sama sama nating palakasin at protektahan ang ating kabuhayan sa harap ng epekto ng El Niño at mga kala...
27/10/2026

| Mga Ka-AGRI, sama sama nating palakasin at protektahan ang ating kabuhayan sa harap ng epekto ng El Niño at mga kalamidad 🌾🛶

Sa bagong lunsad na programa ng DA-ACPC—ang Agricultural Rehabilitation, Emergency Credit, and Operational Viability for Economic Restoration (Agri-RECOVER) Program, nais naming magbigay ng agarang tulong pinansyal, magpatatag ng cash flow, at suportahan ang rehabilitasyon ng mga small farmers and fisherfolk (SFF) na apektado ng kalamidad.

Malalaman ang iba pang mga detalye at impormasyon ng Agri-RECOVER Program sa AgriCREDITalk, kasama ang Agricultural Credit Policy Council (ACPC) ngayong October 29, 2026 (Thursday) 10:00 AM via Facebook LIVE.

I-scan ang QR Code o mag-register sa link na ito para makakuha ng e-certificate at magkaroon din ng chance manalo ng papremyo: https://bit.ly/ACT2026Ep3

Dumalo ang ilang kawani ng DA-ACPC sa ginanap na World Food Day sa DPWH Multi-Purpose Gymnasium, Quezon City, sa ika-15 ...
26/10/2026

Dumalo ang ilang kawani ng DA-ACPC sa ginanap na World Food Day sa DPWH Multi-Purpose Gymnasium, Quezon City, sa ika-15 ng Oktubre 2026.

Kasama ng mga kaakibat na ahensya ng Department of Agriculture, bitbit ang bandera ng Agricultural Credit Policy Council sa ceremonial entrance of colors.

Alinsunod sa temang "Innovate Today, Nourish Tomorrow," ang selebrasyon na ito ay naka-sentro sa pagsusulong ng inobasyon sa teknolohiyang pagkain at ang pagkilala sa nararapat na dignidad ng mamamayan sa pamamagitan ng malawak na access sa mga masusustansyang pagkain.

Taun-taong idinidiriwang tuwing ika-16 ng Oktubre ang World Food Day o Pandaigdigang Araw ng Pagkain ang pagkakatatag ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations na itinakda noong taong 1945. Binibigyang-diin nito ang patuloy na mga hamon ng kagutuman, kawalan ng seguridad sa pagkain, at malnutrisyon, habang isinusulong ang sama-samang pagkilos upang makabuo ng mga sistema ng pagkain na nagtitiyak ng akses ng bawat isa sa ligtas, abot-kaya, at masustansiyang pagkain.

26/10/2026

💡 Wais sa pera, mas handa sa kinabukasan!

Level up sa pagiging “Budget Master” kasama ang BSP E-Learning Academy (BELA)! 📚💰

Tuklasin ang iba’t ibang praktikal na tips sa pagtitipid, pagbabadyet, at responsableng pamamahala ng kita upang mas maging handa sa pagharap sa mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Ang BELA ay isang libreng online financial education platform ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nagbibigay ng accessible at praktikal na kaalaman sa pananalapi para sa publiko.

🌱 Para sa mas maalam na pagdedesisyon. Para sa mas matatag na kinabukasan.

👉 Simulan ang iyong financial learning journey sa BELA: bsplearn.bsp.gov.ph

Agri-RECOVER Caravan RECAP! 📸🌾🐟Narito ang ilan sa mga kuhang larawan mula sa nagdaang Agri-RECOVER Caravan sa SM City Ur...
22/10/2026

Agri-RECOVER Caravan RECAP! 📸🌾🐟

Narito ang ilan sa mga kuhang larawan mula sa nagdaang Agri-RECOVER Caravan sa SM City Urdaneta Central, Pangasinan!

Kasabay ng opisyal na paglulunsad ng Agri-RECOVER program, nabigyang pagkakataon rin na mas mailapit ang abot-kayang pautang at iba pang serbisyo ng gobyerno para sa ating mga magsasaka at mangingisda.

Tampok rin sa aktibidad ang pagkakaroon ng orientasyon sa accreditation process para sa ACPC Accredited Credit Retailers (ACRs), na dinaluhan ng iba’t ibang mga kooperatiba.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng katuwang na institusyon at ahensya na nakiisa at nagpaabot ng kanilang serbisyo at suporta para sa ating mga ka-Agri. 🤝 Patuloy lang ang pagpapa-abot ng serbisyo para sa isang mas malakas na sektor ng agrikultura 💚


• • •
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iba't-ibang loan programs ng ACPC, bisitahin ang ACPC Website: https://acpc.gov.ph

Agri-RECOVER CARAVAN PARTNERS  Ang matagumpay na pagsasagawa ng Agri-RECOVER CARAVAN sa SM City Urdaneta Central, Pangas...
20/10/2026

Agri-RECOVER CARAVAN PARTNERS

Ang matagumpay na pagsasagawa ng Agri-RECOVER CARAVAN sa SM City Urdaneta Central, Pangasinan ay naging posible dahil sa mahalagang pakikiisa at suporta ng ating mga katuwang na institusyon at ahensya.

Sa bawat serbisyong naihatid, impormasyon na naibahagi, at tulong na naipagkaloob, mas napapalapit natin sa ating mga magsasaka at mangingisda ang mga programa at serbisyong makatutulong sa kanilang kabuhayan.

Muli, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong walang-sawang suporta at pakikiisa! Sama-sama nating isulong ang pagbangon at mas matatag na sektor ng agrikultura at pangisdaan.

SM City Urdaneta Central
Ilocos Consolidated Cooperative Bank
Department of Agriculture - Ilocos Region
DA RFO 1 - Agribusiness and Marketing Assistance Division
BFAR Region 1
DA - Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA)
Philippine Crop Insurance Corporation
PSA Pangasinan

Ang Agricultural Rehabilitation, Emergency Credit, and Operational Viability for Economic Restoration (Agri-RECOVER) Program ay isang komprehensibong programa ng pautang ng DA-ACPC na naglalayong magbigay ng agarang tulong pinansyal, magpatatag ng cash flow, at suportahan ang rehabilitasyon ng mga small farmers and fisherfolk (SFF) na apektado ng kalamidad.



• • •
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iba't-ibang loan programs ng ACPC, bisitahin ang ACPC Website: https://acpc.gov.ph

ACPC, inilapit ang tulong pinansyal sa mga magsasaka at mangingisda ng Pangasinan sa pamamagitan ng Agri-RECOVER Caravan...
19/10/2026

ACPC, inilapit ang tulong pinansyal sa mga magsasaka at mangingisda ng Pangasinan sa pamamagitan ng Agri-RECOVER Caravan

Kasunod ng opisyal na paglulunsad ng Agricultural Rehabilitation, Emergency Credit, and Operational Viability for Economic Restoration (Agri-RECOVER) Program noong Setyembre 2026 sa Pampanga, nagtungo ang Agricultural Credit Policy Council (ACPC) sa Pangasinan upang ilapit ang abot-kayang pautang at iba pang serbisyo ng gobyerno para sa mga magsasaka at mangingisda. Isinagawa ang Agri-RECOVER Caravan noong Oktubre 16, 2026, sa SM City Urdaneta Central, Urdaneta City, Pangasinan, sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 (DA-RFO 1) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1.

Mula sa aktibidad na ito, 69 na magsasaka at mangingisda mula sa Pangasinan ang nakapag-avail ng Agri-RECOVER Calamity Loan na umabot sa Php 2,365,000.00. 21 walk-in applicants naman ang nakapagsumite ng kanilang mga aplikasyon na agarang ipoproseso ng partner lending conduit ng ACPC, ang Ilocos Consolidated Cooperative Bank (ICCB).

Mahigit 200 na magsasaka at mangingisda ang lumahok sa Agri-RECOVER Caravan sa Pangasinan, na naglalayong mag-abot ng agarang tulong pinansyal at financial literacy training upang palakasin ang kaalaman sa wastong pamamahala ng pananalapi ng magsasaka at mangingisda gayundin ang kanilang kahandaan at katatagan sa pagharap sa mga epekto ng El Niño at iba pang kalamidad.

Pinangunahan ng Ilocos Consolidated Cooperative Bank (ICCB) ang onsite processing ng mga loan applications. Naging pagkakataon din ito para sa mga magsasaka, mangingisda, at kooperatiba na makapag-avail ng crop insurance sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), mag-apply para sa National ID sa pamamagitan ng Philippine Statistics Authority (PSA), at beripikahin ang kanilang rehistrasyon sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) sa tulong ng DA upang matiyak ang kanilang pagiging kwalipikado sa mga kaukulang programa at serbisyong pampamahalaan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni ACPC Executive Director Rallen O. Verdadero ang kahalagahan ng paghahanda sa El Niño at ang pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa sapat na puhunan upang mapanatili ang kanilang kabuhayan.

“Ang El Niño ay hindi na bago sa mga problemang nararanasan sa pagsasaka, kaya dapat ay napaghahandaan natin ito taon-taon. Naniniwala akong matatalino ang mga magsasaka at mangingisda ng Pangasinan at alam nila ang mga dapat gawin sa ganitong sitwasyon. Ngunit kailangan nila ng sapat na kapital upang maipagpatuloy at mapalakas ang kanilang mga kabuhayan sa kabila ng tagtuyot. Kaya narito ang ACPC upang tumulong,” aniya.

Dagdag pa niya, maaaring gamitin ang mga programa ng ACPC hindi lamang sa pagbangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad kundi pati sa paghahanda sa mga susunod na hamon sa agrikultura, kabilang ang pagpapatupad ng mga climate-resilient project gaya ng mga irrigation system at solar-powered water pumps.

Samantala, tiniyak ni DA-RFO 1 Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) Chief Irene Tactac ang patuloy na pakikiisa ng DA-RFO 1 sa pagbibigay ng suporta at serbisyong makatutulong sa mga magsasaka at mangingisda, lalo na sa pagharap sa mga hamong dulot ng pagbabago ng klima.

Para sa mga magsasaka at mangingisda ng Pangasinan na apektado ng kalamidad, maaaring makipag-ugnayan sa Ilocos Consolidated Cooperative Bank (ICCB) upang mag-apply para sa Calamity Loan.

Patuloy na ilalapit ng ACPC ang Agri-RECOVER Program sa iba't ibang panig ng bansa upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na makabangon mula sa mga kalamidad, mapatatag ang kanilang kabuhayan, at mapaghandaan ang mga susunod na hamon sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Address

28th Floor OSMA Building, San Miguel Avenue, Ortigas Center
Mandaluyong
1605

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm
Friday 7am - 6pm

Telephone

+63286363391

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agricultural Credit Policy Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Agricultural Credit Policy Council:

Shortcuts

Share

Nearby government services