Barangay and Community Relations Department - BCRD

Call Directions Website Contact the organization

Barangay and Community Relations Department - BCRD BCRD is providing basic services and assistance to the 142 Barangay Governments and CSOs

PAALALA: EXTENDED ANG NOMINATION PARA SA 2026 QUEZON CITY LOCAL OUTSTANDING VOLUNTEER AWARD (LOVA)Ang nomination period ...
01/10/2026

PAALALA: EXTENDED ANG NOMINATION PARA SA 2026 QUEZON CITY LOCAL OUTSTANDING VOLUNTEER AWARD (LOVA)

Ang nomination period ay pinalawig mula October 1 hanggang October 15, 2026.

Inaanyayahan ang mga indibidwal at organisasyon na samantalahin ang karagdagang panahon upang magsumite ng kanilang nominasyon.

Bagong Deadline: October 15, 2026 (Thursday)

Para sa nomination form, mechanics, at requirements, mangyaring i-scan ang QR Code sa poster o i-access ang link:

https://drive.google.com/drive/folders/19KA4O0dKkEeYFfc84XXUf7Q1l7bQgtyb?usp=sharing

Dito sa QC, sinisigurong abot-kamay ang mga programang hatid ng bawat barangay! 🏘️✨Ngayong Biyernes sa  , alamin ang iba...
24/09/2026

Dito sa QC, sinisigurong abot-kamay ang mga programang hatid ng bawat barangay! 🏘️✨

Ngayong Biyernes sa , alamin ang iba-ibang hakbang na isinasagawa ng mga barangay sa ating lungsod upang makapaghatid ng serbisyong maaasahan at tutugon sa pangangailangan ng mga QCitizen.

Makakasama natin sa kwentuhan sina Barangay and Community Relations Department Head Mr. Ricardo B. Corpuz; Liga ng mga Barangay Quezon City Chapter President Coun. Jose Maria Rodriguez; Barangay South Triangle Chairperson Hon. Beverly Grace Gaw; Barangay Kaunlaran Chairperson Hon. Christoper Cheng; at Barangay Bagong Pag-asa Chairperson Hon. Franze Russele O. Bilaos.

Tutok na sa ating mas pinaagang live broadcast bukas, September 25, 2026, 10:00 AM sa Quezon City Government page at YouTube channel.


🍸 WELCOME TO THE QC COCKTAIL JAMBOREE: JAKARTA EDITION!  🇵🇭🇮🇩From October 2 to 4, 2026, discover the vibrant cocktail sc...
24/09/2026

🍸 WELCOME TO THE QC COCKTAIL JAMBOREE: JAKARTA EDITION! 🇵🇭🇮🇩

From October 2 to 4, 2026, discover the vibrant cocktail scene of Quezon City as local bars meet baristas from Jakarta for a weekend of cocktails, creativity, and connection.

Experience Tomas Morato, QC’s lifestyle and entertainment district, where you can walk, explore, and discover restaurants, bars, cafés, and entertainment spots along the way.

Walk. Explore. Sip responsibly. Experience QC.

📅 October 2–4, 2026

📍 Tomas Morato, Quezon City



PLEASE DRINK RESPONSIBLY.

The Quezon City Government does not condone excessive drinking. Please drink responsibly and in moderation. Minors are not allowed to enter bars or participating establishments.

23/09/2026

Dito sa QC, kaisa natin ang bawat barangay!

Alamin natin sa Year 5 ang mga karapatan, tungkulin, at responsibilidad bilang mamamayan ng isang barangay.

🗓 Bi-monthly | Every other Friday | 1:00 PM
📲 Mapapanood ng live sa Quezon City Government page at YouTube Channel

Abangan ang ika-16th episode ngayong Biyernes, September 25, 2026.

BUKAS NA ANG NOMINASYON PARA SA 2026 QUEZON CITY LOCAL OUTSTANDING VOLUNTEER AWARD (LOVA)!Bilang bahagi ng taunang pagdi...
01/09/2026

BUKAS NA ANG NOMINASYON PARA SA 2026 QUEZON CITY LOCAL OUTSTANDING VOLUNTEER AWARD (LOVA)!

Bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Bayanihang Bayan sa Lungsod Quezon, alinsunod sa Quezon City Ordinance No. SP-2416, S-2015, muling kinikilala at pinararangalan ng Quezon City Government, sa pamamagitan ng Barangay and Community Relations Department (BCRD), ang mga natatanging indibidwal at organisasyong patuloy na naglilingkod at nagbibigay ng makabuluhang kontribusyon sa ating lungsod.

Ang Quezon City Local Outstanding Volunteer Award (LOVA) ay pagkilala sa mga boluntaryong naglalaan ng kanilang oras, talento, kakayahan, at malasakit upang makatulong sa kapwa at makapaghatid ng positibong pagbabago sa ating mga komunidad.

MGA KATEGORYA:

Individual
Organization – Non-Profit and Corporate
Special Recognition

NOMINATION PERIOD: September 1–30, 2026
DEADLINE OF NOMINATION: September 30, 2026 (Wednesday)

PAANO MAG-NOMINATE?

I-scan ang QR Code sa poster o i-access ang link sa ibaba upang makita ang Nomination Form, kumpletong mechanics, at requirements:

https://drive.google.com/drive/folders/19KA4O0dKkEeYFfc84XXUf7Q1l7bQgtyb?usp=sharing

PARA SA SUBMISSION AT INQUIRIES:

Barangay and Community Relations Department (BCRD)
2nd Floor, Community Center, Quezon City Hall Compound
Kalayaan Avenue, Quezon City
8988-4242 | Local 8191, 8169, 8526
[email protected]

Sama-sama nating kilalanin at bigyang-parangal ang mga natatanging volunteer ng Quezon City!

Sa pamamagitan ng LOVA, ipinagdiriwang natin ang diwa ng bayanihan, bolunterismo, at malasakit sa kapwa—mga pagpapahalagang patuloy na nagbibigay-inspirasyon at nagpapalakas sa ating mga komunidad.

Matagumpay na isinagawa ng Barangay and Community Relations Department (BCRD), sa pamumuno ni Mr. Ricardo B. Corpuz, ang...
04/08/2026

Matagumpay na isinagawa ng Barangay and Community Relations Department (BCRD), sa pamumuno ni Mr. Ricardo B. Corpuz, ang unang araw ng Batch 1 ng Empowering CSO Partners: Capacity-Building for Emergency and Disaster Response.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga accredited Civil Society Organizations (CSOs) sa paghahanda, pagtugon, at pagbangon mula sa mga emergency at sakuna. Sa pamamagitan nito, higit na mahihikayat ang aktibong pakikilahok ng mga CSO sa pagsusulong ng isang mas ligtas, mas handa, at mas matatag na komunidad.

Ang Batch 1 ay binubuo ng mga accredited CSOs sa ilalim ng Homeowners' Associations Sector (HOA) mula sa Districts 1, 2, at 3. Ito ang unang bahagi ng serye ng capacity-building training, na susundan pa ng mga susunod na batch para sa iba pang accredited CSOs sa iba't ibang sektor at distrito.

Nagbahagi naman ng kanilang kaalaman at kasanayan ang mga resource speakers mula sa Philippine Red Cross-QC Chapter at Bureau of Fire Protection (BFP), na nagbigay ng mahahalagang kaalaman sa emergency at disaster response.

May programa ka bang nangangalaga sa kalikasan? 🌱 o proyektong nagpapalakas sa kahandaan sa kalamidad? 🛡️Panahon na para...
29/07/2026

May programa ka bang nangangalaga sa kalikasan? 🌱 o proyektong nagpapalakas sa kahandaan sa kalamidad? 🛡️

Panahon na para ibida 'yan sa Quezon City Green Awards 2026 at manalo ng hanggang ₱300,000 grant mula sa Quezon City Government!

Maaaring sumali sa dalawang kategorya:

🛡️ Resilient Category para sa mga proyektong nagsusulong ng:
• Disaster Prevention and Mitigation
• Disaster Preparedness
• Disaster Response
• Recovery and Rehabilitation

🌱 Green Category naman para sa mga programang nakatuon sa:
• Food Security
• Green Building
• Plastic Waste Management
• Textile Circularity

📄 Para sumali, gamitin ang entry form:
https://bit.ly/QCGA2026EntryForm

📘 Para sa buong detalye, basahin ang briefer:
bit.ly/QCGABriefer

💡 May katanungan ka ba tungkol sa proseso ng pagsali at mga requirements? Dumalo sa QC Green Awards 2026 Discovery Day ngayong Friday! Mag-register dito: https://bit.ly/QCGADiscoveryDay

📧 Para sa iba pang katanungan, maaaring magpadala ng email sa:
[email protected]


MAHALAGANG ANUNSYOWalang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City sa July 27, 2026...
23/07/2026

MAHALAGANG ANUNSYO

Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City sa July 27, 2026, alinsunod sa Executive Order No. 23 S. 2026.

Layon nitong hikayatin ang lahat na makinig sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maiwasang maipit ang publiko sa trapiko.

Tingnan ang buong detalye sa link: https://quezoncity.gov.ph/public-notice/executive-order-no-23-series-of-2026-an-order-implementing-public-and-private-school-class-suspensions-in-quezon-city-on-july-27-2026-in-view-of-the-state-of-the-nation-address-sona-of-presi/

Isinagawa ng Quezon City Barangay and Community Relations Department (BCRD), sa pangunguna ni BCRD Head Ricky Corpuz, an...
22/07/2026

Isinagawa ng Quezon City Barangay and Community Relations Department (BCRD), sa pangunguna ni BCRD Head Ricky Corpuz, ang ikalawang araw ng 2026 Community Development Workers' Training para sa ikatlong batch ng mga kinatawan ng livelihood sector ng Barangay Batasan Hills.

Bilang bahagi ng programa, pinangunahan ng City Planning and Development Department (CPDD) ang lecture at workshop sa pagbuo at pagpapatupad ng mga proyektong pangkabuhayan.

Layunin din ng pagsasanay na dagdagan ang kaalaman ng community development workers sa iba't ibang sektor sa paghahatid ng mga programa sa kanilang mga komunidad.

Address

2nd Floor, Community Center Building, Quezon City Hall Compound
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63289884242

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay and Community Relations Department - BCRD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay and Community Relations Department - BCRD:

Shortcuts

Share