Housing, Community Development and Resettlement Department - Quezon City

Housing, Community Development and Resettlement Department - Quezon City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Housing, Community Development and Resettlement Department - Quezon City, Government Organization, Quezon City.

29/05/2026

πŸŒˆπŸƒβ€β™‚οΈπŸƒβ€β™€οΈπŸƒ

πŸ³οΈβ€πŸŒˆ RUN WITH PRIDE THIS JUNE 6! πŸƒβ€β™€οΈπŸ³οΈβ€πŸŒˆ

QCitizens, ihanda na ang inyong running shoes at energy para sa Pride Run sa QC 2026! Sama-sama nating ipagdiwang ang pagmamahal, inclusivity, at pagkakaisa sa isang makulay at empowering na fun run para sa Pride Month. 🌈✨

Magkita-kita tayo sa June 6, 2026 sa Tomas Morato!

πŸ•” Program starts at 5:00 PM
πŸ”« Gun start at 6:00 PM

Takbo para sa pagmamahal, pagkakapantay-pantay, at Pride! πŸƒπŸŽ‰

29/04/2026

PAHAYAG NG PAMAHALAANG LUNGSOD QUEZON

Ikinalulungkot ng pamahalaang lungsod na muling nagkasunog sa bahagi ng NIA Road mahigit isang buwan mula nang unang tupukin ng apoy ang daan-daang bahay doon.

Base sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-QC, ang sunog ay sanhi ng pagsusunog ng tanso sa isang abandonadong bahay.

Kaya naman hinihiling ng lokal na pamahalaan sa lahat na huwag magpakalat ng maling impormasyon dahil walang batayan na sinadya ang sunog.

Kaugnay nito, nananatiling nakatuon ang ating lungsod sa agarang pagtulong sa mga apektadong pamilya at sa pagtiyak na ang lahat ng hakbang ay naaayon sa batas at may malasakit sa kapakanan ng mamamayan.

Bago pa sumiklab ang sunog kaninang hatinggabi, nakipagpulong na ang ating lungsod sa mga pamilya at ipinaalam sa kanila ang mga tulong na kanilang matatanggap, kabilang na ang pinansyal na tulong at pagiging benepisyaryo ng pabahay sa NIA o sa iba pang lugar na maaari nilang pagpilian.

Noong Abril 28, nagsagawa na ng site visit o β€œtripping” ang mga pamilya sa Harmony Hills Resettlement Site sa Barangay Batasan Hills at sa QCitizen Homes – Urban Deca Homes.

Tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng HCDRD sa mga pamilya sa NIA at anumang plano o hakbang na gagawin sa lugar ay sinisigurong dumaan sa konsultasyon.

14/04/2026

WHAT'S NEW IN THE HOUSE. Barely a month after a destructive fire gutted thousands of houses in an informal settlement along NIA Road in Quezon City, the Department of Human Settlements and Urban Development ( ) has started ground preparations to give way for the construction of a housing project under President Ferdinand R. Marcos Jr.'s flagship Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino ( ) Program for the benefit of the families displaced by the fire.

Read more: https://dhsud.gov.ph/news/dhsud-ground-works-start-at-nia-road-housing-project-under-pbbms-expanded-4ph/



13/04/2026

URBAN RENEWAL TAKES SHAPE UNDER PBBM's EXPANDED 4PH. Barely a month after a destructive fire gutted thousands of houses in an informal settlement along NIA Road in Quezon City, starts ground preparations to give way for the construction of a housing project under President Ferdinand R. Marcos Jr.'s flagship Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino ( ) Program for the benefit of the families displaced by the fire.

Secretary Jose Ramon Aliling, along with Senior Undersecretary Eduardo Robles Jr. and National Housing Authority General Manager Joeben Tai, on Monday inspected the site to ensure that works are within the timelines.

He stressed that the project is part of DHSUD's urban renewal program, in collaboration with the Quezon City LGU, aimed at transforming blighted areas into decent, safer and sustainable communities that promote dignified living for the beneficiaries.

More than 2,000 families were displaced after the fire hit the informal settlement last March 7.



Photos from Quezon City Government's post 10/04/2026
15/03/2026

Maligayang kaarawan, Mayor Joy!

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsusulong ng mga programang pabahay na nagbibigay pag-asa at seguridad sa libo-libong pamilya sa ating lungsod. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng lakas, karunungan, at mabuting kalusugan upang maipagpatuloy ang inyong tapat na paglilingkod. Mabuhay po kayo!

Photos from Housing, Community Development and Resettlement Department - Quezon City's post 14/03/2026

Marami ang nagtatanong kung bakit vertical (multi-storey) housing ang iminungkahi para sa mga residente ng NIA Road sa halip na house-and-lot.

Ang kabuuang sukat ng lupa sa NIA Road ay humigit-kumulang 21,098.51 square meters, ngunit mahigit 2,232 pamilya ang kasalukuyang naninirahan dito. Kung hahatiin ang lupa upang gawing house-and-lot para sa bawat pamilya, hindi ito kakasya para sa lahat, lalo na’t kasama sa programa ang mga matagal nang RENTERS at SHARERS na nakapaloob sa Census Masterlist ng HCDRD.

Bukod dito, may sinusunod na batas sa paggawa ng subdivision, ang Batas Pambansa Blg. 220, na nagsasaad na 30% ng lupa ay kailangang ilaan sa mga kalsada, eskinita, parke, at iba pang pasilidad ng komunidad, habang 70% lamang ang maaaring gamitin para sa residential lots. Dahil dito, lalo pang nababawasan ang lupang maaaring paglagyan ng mga bahay.

Dahil sa limitadong lupa at sa dami ng pamilyang kailangang matulungan, ang vertical housing (multi-storey) ang nakikitang legal at praktikal na solusyon upang mas maraming pamilya ang mabigyan ng maayos, ligtas, at legal na tirahan, habang nananatili sila sa loob ng Quezon City, malapit sa kanilang trabaho, paaralan, at komunidad.

Layunin ng pamahalaan na makapagbigay ng disenteng pabahay na ligtas, abot-kaya, at may sapat na imprastraktura para sa kapakanan ng lahat ng residente.

Photos from Housing, Community Development and Resettlement Department - Quezon City's post 11/03/2026

Nagkaroon ng maayos at positibong pag-uusap ang Lungsod kasama ang mga residente ng NIA Road Community na naapektuhan ng malaking sunog upang ipaliwanag ang pangmatagalang plano para sa kanilang pabahay.

Nilinaw ang kanilang mga concerns at naipresenta ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaang lungsod upang matiyak ang kanilang kaligtasan at kinabukasan.

Bilang agarang tulong, magbibigay ang pamahalaan ng accumulated financial assistance bilang rental subsidy upang makatulong sa pansamantalang paninirahan ng mga pamilyang naapektuhan habang inaayos ang mga susunod na hakbang para sa kanilang pabahay.

Kasabay nito, tiniyak ng pamahalaan na isusulong ang pangmatagalang pabahay para sa mga residente, na inaasahang matatapos sa loob ng 18 buwan, sa pakikipagtulungan sa National Housing Authority (NHA) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Patuloy nating pagtutulungan ang pagbuo ng ligtas, disente, at abot-kayang pabahay para sa bawat pamilyang QCitizen.

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm