Philippine Information Agency

Philippine Information Agency

Share

The Official page of the Philippine Information Agency (PIA).

The Philippine Information Agency was created by virtue of Executive Order 100 dated December 24, 1986. It is tasked to establish and maintain regional and provincial information centers to identify community needs for use in planning and providing communication programs and services; plan and implement information programs of national scope; and provide assistance to government agencies through c

01/06/2026

Nakakatakot talaga kapag dumating na ang bill ng kuryente, lalo na kapag sobrang taas ng singil. Kaya gawing habit ang pagtitipid sa kuryente para iwas-gulat at .


01/06/2026

Edukasyon, abot-kamay ng batang Pilipino

Kahit nasaan mang bahagi ng Pilipinas, tinitiyak ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas maraming mag-aaral ang may access sa kaalaman at teknolohiya.

Sa pamamagitan ng libreng Wi-Fi sa mga paaralan, lalo na sa mga liblib at malalayong lugar, mas napapalapit ang edukasyon sa bawat batang Pilipino at mas nabibigyan sila ng pagkakataong matuto at umunlad.



01/06/2026

| Mayroong 21,000 metrikong tonelada ng LPG ang dumating sa Pilipinas mula sa Estados Unidos. Ito ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapalakas at matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng LPG para sa mga Pilipino sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

01/06/2026

Handa ang pamahalaan sa inaasahang epekto ng El Niño

Inilahad ni Usec. Claire Castro ang El Niño Action Plan ng pamahalaan alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nakatuon sa food security, sapat na suplay ng tubig at enerhiya, proteksyon sa kalusugan, at kaligtasan ng publiko upang masigurong handa at matatag ang bawat komunidad sa anumang epekto ng panahon.

01/06/2026

Higit na pinalalakas ng Pilipinas at Vietnam ang kanilang pagtutulungan sa seguridad at depensa sa pamamagitan ng isang bagong kasunduan na magpapalalim sa ugnayan ng dalawang bansa at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kooperasyon sa hinaharap. 🇵🇭🇻🇳

01/06/2026

Pinalakas na ugnayan ng Pilipinas at Vietnam

Ipinahayag nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Pangulong Tô Lâm ang kanilang matibay na kumpiyansa sa mga kasunduang nilagdaan ngayong araw na magpapalalim sa kooperasyon ng Pilipinas at Vietnam.

Layunin ng mga kasunduang ito na isulong ang kapayapaan, katatagan, at pag-unlad ng ekonomiya para sa kapakinabangan ng mamamayan ng parehong bansa.

Photos from Philippine Information Agency's post 01/06/2026

2026 NATIONAL KIDNEY MONTH

The National Kidney and Transplant Institute (NKTI) officially launched the celebration of the 2026 National Kidney Month, June 1, 2026, at the NKTI Main Building Atrium in Quezon City, carrying this year’s theme: “Tunay na Bughaw ang Buhay, Kung ang Bato ay Masiglang Tunay.”

In his keynote address, Department of Health Secretary Teodoro J. Herbosa reported the growing burden of kidney disease in the country, noting that more than 64,000 Filipinos underwent dialysis treatment in 2024, a figure that reflects the continuing rise in patients requiring renal replacement therapy.

He emphasized the Department of Health’s commitment to advancing Universal Health Care through its 8-Point Action Agenda by expanding access to preventive health services, strengthening disease screening programs, and bringing essential healthcare services closer to communities.

The launch was attended and supported by NKTI executives and employees, along with representatives from partner organizations and institutions, reaffirming a shared commitment to promoting kidney health and improving the well-being of every Filipino.

Pursuant to Proclamation No. 184, s. 1993, the National Kidney Month is celebrated every June to raise public awareness on kidney health and the prevention of renal diseases. This year’s theme underscores the importance of maintaining healthy kidneys as a foundation for a productive, healthy, and meaningful life.

Photos by: Josephine Babaran/ PIA-PMD

01/06/2026

President Ferdinand R. Marcos Jr. and His Excellency Tô Lâm, General Secretary of the Central Committee of the Communist Party and President of the Socialist Republic of Viet Nam, deliver their keynote messages during the Viet Nam–Philippines Business Forum at the Diamond Hotel in the City of Manila on June 1, 2026.

Bringing together about 600 business leaders and representatives, the Forum serves as a venue for discussions on trade, investment, innovation and economic cooperation — further strengthening bilateral relations and fostering mutually beneficial partnerships between the two countries.

Viet Nam has become a significant partner of the Philippines in trade and investment. In 2025, it ranked as the country’s 11th largest trading partner, with bilateral trade reaching US$7.17 billion.

01/06/2026



LIVE l Ang Chronic Kidney Disease ay isa sa mga krisis pangkalusugan sa buong mundo na kinakaharap ng maraming Pilipino. Ano ba ito? May solusyon pa ba sa sakit na ito? 'Yan ang pag-uusapan natin ngayon kabilang ang selebrasyon ng National Kidney Month dito lang sa Impormasyon at Aksyon!

Hatid ng Philippine Information Agency ang isang oras na puno ng kaalaman kasama si PIA-NCR Regional Head Emver Cortez, Ms. Jenny Red, at ang resident puppet na si Enggoy!

Sa episode na ito, let’s talk about kidney health and the National Kidney Month celebration kasama si Dr. Ernesto L. Gerial Jr. ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Kaya mga ka-PIA, sabay-sabay tayong makinig at manood ngayong Lunes, 3:00–4:00 ng hapon! Mapapakinggan tayo sa Radyo Pilipinas 738 AM, at live n’yo ring mapapanood ang IA sa Channel 45-49 ng Affordabox, Channel 3 ng TV Plus, at syempre sa official pages ng PIA at Radyo Pilipinas. Kaya tutok na at makiisa sa ating makabuluhang talakayan!

| l | | | | |

01/06/2026

Narito ang mga mahahalagang detalye mula sa ginanap na Malacañang Press Briefing ngayong araw, Hunyo 1, 2026, kasama si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro:

-Pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas at Vietnam: Sa pagbisita ni Vietnam President Tô Lâm sa Pilipinas, itinaas nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Pangulong Tô Lâm ang ugnayan ng dalawang bansa sa antas ng ‘Enhanced Strategic Partnership,’ na sumasaklaw sa masiglang kalakalan sa agrikultura, kooperasyon sa mga rehiyon, at ang paglagda sa isang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation upang paigtingin ang seguridad sa pagitan ng dalawang bansa.

-Pagsuporta sa alyansang Pilipinas at Estados Unidos: Sa isang pag-uusap sa telepono sa pagitan nina Pangulong Marcos Jr. at U.S. Secretary of State Marco Rubio, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa West Philippine Sea. Ang kanilang talakayan ay nakatuon din sa mga kooperasyon sa ekonomiya, enerhiya, at teknolohiya, na nagpapatunay sa lalim ng halos walong dekadang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

-Komprehensibong paghahanda para sa "Oplan Balik-Eskwela": Sa pangunguna ng DepEd, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor, inilatag ang mga plano para sa ligtas at maayos na pagbubukas ng klase sa ika-8 ng Hunyo. Tinitiyak ng mga hakbang na ito ang sapat na suplay ng kuryente, maayos na trapiko, komunikasyon, at suporta para sa mga mag-aaral na lubos na nangangailangan.

-Paglikha ng trabaho sa pamamagitan ng malalaking imprastruktura: Mahigit sa 31,000 na oportunidad sa trabaho ang nabuksan para sa mga manggagawang Pilipino dahil sa North-South Commuter Railway at Metro Manila Subway Project. Ang mga proyektong ito ay hindi lamang naglalayong pabilisin ang paglalakbay sa Luzon, nagpapakita rin ng tiwala ng pamahalaan sa kahusayan at kakayahan ng mga lokal na inhinyero at arkitekto.

-Mas maigting na kampanya laban sa smuggling: Alinsunod sa direktiba ng Pangulo, pinaigting ng Bureau of Customs, katuwang ang DOJ at NBI, ang pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad sa bansa, kabilang ang matagumpay na pagharang sa mga smuggled na sigarilyo sa Davao na nagkakahalaga ng mahigit P156 milyong, na bahagi ng determinasyong panagutin ang lahat ng sangkot sa smuggling, maliit man o malaking operasyon.

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Visayas Avenue, Diliman
Quezon City
1128

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm
Saturday 7am - 5pm
Sunday 7am - 5pm