Kabataan Partylist - UP Diliman

Kabataan Partylist - UP Diliman

Share

Kabataan Partylist - UP Diliman is a local chapter of Kabataan Partylist, the first and only youth party-list group in Philippine Congress.

Be a full-fledged member: tinyurl.com/KabataanPL-UPD Kabataan Partylist is the first and only youth party-list group in Philippine Congress today. Kabataan is a large network of energized and pro-active young people who are leaders in various organizations, formations and barkadas. Our members from across the regions represent diverse interests, backgrounds and social status, tied by a common visi

02/06/2026

AYAN NA NAMAN SILA! 🤩🔥

HANDA NA BA KAYO? ABANGAN ang unang banat sa ika-25 anibersaryo ng Kabataan Partylist! 🌞🥳

Salubungin ang magaganap na GRAND YOUTH TROOPING kung saan hindi lamang magtitipon ang mga kabataang kundi bibitbitin ang boses ng milyun-milyong kabataan! Pormal na ihahain sa Kamara ang iba't ibang House Bills at Resolutions na magsusulong ng mga pangunahing interes ng kabataang Pilipino sa edukasyon, trabaho, karapatan, at kabuhayan.

Huwag ring palampasin ang mga talakayan kasama si House Assistant Minority Leader at Kabataan Rep. Atty. Renee Co sa kung ano nga ba ang pangkasalukuyang kalagayan ng mga kabataan sa ating bansa!

Kabataan, patuloy tayong tumindig at makibaka para sa tunay na pagbabago! Kita-kits, mga Pag-asa ng Bayan! ✊



📌 BE A KABATAAN PARTYLIST MEMBER!
bit.ly/JoinKABATAAN

📌JOIN THE MESSENGER CHANNEL NOW:
www.messenger.com/channel/kabataan

Photos from Kabataan Partylist - UP Diliman's post 24/05/2026

PARA SA TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYANG KONSEHO!

Pinagpupugayan ng Kabataan Partylist-UP Diliman ang mga miyembrong kumandidato at naihalal sa konseho nitong University Council Elections na sina...

𝐅𝐚𝐭𝐢𝐦𝐚 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚
Vice Chairperson ng University Student Council - Elect

𝐊𝐚𝐭𝐡𝐫𝐲𝐧 𝐇𝐞𝐫𝐫𝐚𝐬
CSWCD Chairperson - Elect

𝐉𝐡𝐚𝐞𝐥𝐨 𝐀𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚
CSWCD Social Work Representative - Elect

𝐏𝐚𝐮𝐥 𝐂𝐚𝐥𝐥𝐨𝐫𝐢𝐧𝐚
NCPAG Socio-Academic Affairs Administrator - Elect

𝐑𝐡𝐨𝐧 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐞𝐫𝐨
NCPAG Media, Arts, and Culture - Elect

𝐌𝐚𝐢 𝐌𝐚𝐠𝐛𝐮𝐭𝐚𝐲
NCPAG Ways and Means Administrator Candidate na nakakuha ng 163 Votes

𝐌𝐚𝐫𝐜𝐨 𝐅𝐚𝐛𝐫𝐨𝐬
NCPAG External Affairs Administrator Candidate na nakakuha ng 156 Votes

Saksi ang organisasyon sa kanilang sikhay at tapang sa pagkilos at pagbitbit ng panawagan ng masa kasama ng kapwa Iskolar ng Bayan. Kaya't buo ang aming loob na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang husay at paglilingkod sa sambayanan habang patuloy nilang isinasapuso ang mga prinsipyo at adhikain ng Kabataan.

Ngunit hindi natatapos ang ating laban sa eleksyon. Patuloy tayong magmulat, mag-organisa, at kumilos upang wakasan ang bulok na sistemang nagpapahirap sa sambayanan. Mga Pag-asa ng Bayan, sama-sama nating ipagpatuloy ang laban! Sumama sa KPL-UPD!

tinyurl.com/KabataanPL-UPD
tinyurl.com/KabataanPL-UPD
tinyurl.com/KabataanPL-UPD

Photos from Kabataan Partylist - UP Diliman's post 18/05/2026

TUNAY NA PAG-ASA NG BAYAN SA KONSEHO!💙💛

Ikinagagalak ng Kabataan Partylist - UP Diliman ang pagpapahayag ng suporta at tiwala sa lahat ng kasapi ng Sulong Tayo! Coalition at ang kasama nitong Daluyong CSWCD Coalition para sa UPD Regular Student Council Elections 2026.✊🏼🔻

Sa panahong pabigat nang pabigat ang pasanin ng mga kabataan at Iskolar ng Bayan, mas nangangailangan tayo ng konseho ng buong-tapang na pangungunahan ang hamon sa atin ng lipunan. 🔥🌻

Mula sa sariling mga kolehiyo, sinanay at hinubog ang mga kandidatong ito palabas sa piling ng masa. Patunay ang mga lider-estudyante na ito na ang tunay na kakayahan sa pamumuno ay pinapanday ng karanasan sa pakikipamuhay sa mga ordinaryong Pilipino.❤️‍🔥😁

Ang Sulong Tayo! Coalition ay binubuo ng mga pangmasang organisasyon at mga partido ng mga TUNAY, PALABAN, at MAKABAYANG mga estudyante.💥❤️❤️

IBOTO SINA:

University Student Council
🔻STANDARD BEARERS
USC Chairperson
Moira “Emi” Alfonso

USC Vice Chairperson
Fatima Mendoza

🔻USC COUNCILORS
Rommer Publico
Gaia Amri "Geya" Mauricio
Sergio "Gio" Biglaen
Angel Lopez
Eimeevelle Basco
Lorenz Sy
Ayen Yonzon
Wilbert "Wil" Pillos
Gianna Geronimo
Thirdy Tolentino
Elaina Salvador

College of Social Work and Community Development Student Council
🔻CHAIRPERSON
Kathryn Herras

🔻CSWCD REP. TO THE USC
Julia "Dyul" Avila

🔻SOCIAL WORK REP
Jhaelo Angara

🔻COMMUNITY DEVELOPMENT REP.
Savitri San Juan

Narito ang 5-point Sulong Tayo! Agenda:
https://tinyurl.com/SulongTayoAgenda2026

Sa labas o loob ng konseho, patuloy nating ipaglalaban ang kampanya ng mga Iskolar ng Bayan at ng Sambayanan!

Sumali sa KPL-UPD! tinyurl.com/KabataanPL-UPD



Photos from Sulong Tayo Coalition's post 18/05/2026
18/05/2026

DOON TAYO SA MAY NASIMULAN NA! ✅

Nitong nagdaang taon, kabi-kabilang development aggression ang inilunsad ng UP Diliman na nagdudulot ng matinding panganib sa katiyakan sa pamumuhay at paninirahan sa komunidad nito. Isa na sa mga proyektong tinutulak ng UP Diliman ay ang SDG Park kung saan nanganganib na mapalayas ang mga magsasaka at residente sa Pook Aguinaldo at karatig komunidad.

Sa harap nito, tumindig at nagkapit-bisig ang tunay, palaban, at makabayang konseho ng UP Diliman kasama ang nagkakaisang komunidad ng UP Diliman upang tutulan ang pagpapatayo ng SDG Park.

🌾 Sama-sama nating nilabanan ang harassment, intimidasyon, at iba pang operasyong naglalayong magpalayas sa komunidad.
🌾 Muling binuhay rin ang BahAGUI Nating Isko Volunteer Network na katuwang ng mga residente at magsasaka sa laban kontra sa development aggression.
🌾 Itinulak ang pakikipag-dayalogo ng administrasyon sa komunidad upang matiyak ang kanilang kabuhayan at paninirahan.
🌾 Nakipagtulungan sa komunidad sa pagtinindig ng samahang masa sa Area 17 at Pook Malantik.

Ngunit, hindi rito nagtatapos ang laban dahil nagpapatuloy pa rin ang banta sa komunidad at pagpapatupad ng mapanirang mga proyekto. Kaya naman sa paglaban sa komersyalisasyon sa pamantasan!

Vote straight para sa SULONG TAYO COALITION!

Photos from Fatima Mendoza for USC Vice Chairperson's post 18/05/2026
Photos from Fatima Mendoza for USC Vice Chairperson's post 18/05/2026

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Quezon City
1101