19/10/2026
MAHALAGANG ANUNSYO, MGA KABARANGAY!
Inaanyayahan po ang lahat ng mga residente ng Barangay Muzon West na dumalo sa ating BARANGAY ASSEMBLY DAY – 2ND SEMESTER, CY 2026 na gaganapin sa darating na Oktubre 31, 2026 (Sabado), ganap na ika-9:00 ng umaga sa Barangay Covered Court, Feliciano Subdivision, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Tema:
“Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”
Ito po ay pagkakataon upang malaman ang mga programa, proyekto, gawain at mga ulat ng ating barangay.
Gayundin ang makapagbahagi ng inyong mga saloobin at mungkahi para sa patuloy na pag-unlad ng ating pamayanan.
Ang inyong pakikilahok ay mahalaga! Sama-sama po nating palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa isang mas maunlad at maayos na Barangay Muzon West.
Kita-kits po tayo, mga kabarangay!