PNP RMFB NCRPO

Call Directions Website Contact the organization

PNP RMFB NCRPO Ang RMFB NCRPO ay patuloy sa pagpapatatag ng ugnayan ng Pulis At Mamamayan

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔Sa paggunita natin sa Undas, mahalagang pairalin ang disiplina, pag-iingat, at pagiging responsable upa...
31/10/2026

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔

Sa paggunita natin sa Undas, mahalagang pairalin ang disiplina, pag-iingat, at pagiging responsable upang matiyak ang ligtas at maayos na pagdalaw sa ating mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Ang RMFB-NCRPO ay nagpapaalala sa publiko na sundin ang mga safety reminders, tiyakin ang seguridad ng tahanan bago umalis, at maging mapagmatyag habang nasa loob ng sementeryo.

Sama-sama nating gawing ligtas, payapa, at maayos ang paggunita sa Undas.

Maging Ligtas. Maging Alerto. Maging Responsable.

“𝑩𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝑷𝑵𝑷 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔: 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒃𝒊𝒍𝒊𝒔, 𝑻𝒂𝒑𝒂𝒕, 𝒂𝒕 𝑵𝒂𝒓𝒂𝒓𝒂𝒎𝒅𝒂𝒎𝒂𝒏”

C-ommitment to the CPNP’s Program Thrust of Organizational Reform
E-quality for all
L-aw enforcement without fear or favor
S-ervice to God, Country and People
O-rder in the Community








UNDAS 2026, TUTOK SA SEGURIDAD! RMFB NCRPO RED TEAM, NAG-INSPEKSYON MULA GABI HANGGANG MADALING-ARAW!  Nagpatuloy ang se...
30/10/2026

UNDAS 2026, TUTOK SA SEGURIDAD! RMFB NCRPO RED TEAM, NAG-INSPEKSYON MULA GABI HANGGANG MADALING-ARAW!



Nagpatuloy ang security inspection ng RMFB NCRPO Red Team sa Muntinlupa, Pasay at Taguig mula gabi ng Oktubre 30 hanggang madaling-araw ng Oktubre 31, 2026, bilang bahagi ng pagbabantay para sa Undas 2026.

Pinangunahan ni PCPT RHINE HART P DULADOL ang team sa ilalim ng pamumuno ni PCOL CELSO M RODRIGUEZ, Force Commander, RMFB NCRPO.

Kabilang sa mga ininspeksyon ang Alabang Central Market sa Muntinlupa City, Pasay Catholic Cemetery at EDSA–Evangelista sa Pasay City, at The Heritage Park sa Taguig City.

Nakatuon ang pag-iinspeksiyon sa pagsusuri ng police presence at kalagayan ng seguridad sa mga lugar na binabantayan. Layunin nitong makatulong sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na paglalakbay at pagdalaw ng publiko ngayong Undas.

📸 Photo via RMFB NCRPO via Pat Morgia



SEGURIDAD SA UNDAS 2026, TINUTUKAN! RMFB NCRPO RED TEAM, NAG-INSPEKSYON SA NASASAKUPAN NG SPD!  Nagsagawa ng inspeksyon ...
30/10/2026

SEGURIDAD SA UNDAS 2026, TINUTUKAN! RMFB NCRPO RED TEAM, NAG-INSPEKSYON SA NASASAKUPAN NG SPD!



Nagsagawa ng inspeksyon ang RMFB NCRPO Red Team sa pangunguna ni PMAJ JEORGE DARWIN L UY noong Huwebes, Oktubre 29, 2026, bilang bahagi ng paghahanda sa seguridad para sa Undas 2026 sa nasasakupan ng Southern Police District (SPD).

Sa ilalim ng pamumuno ni Force Commander PCOL CELSO M RODRIGUEZ, isinagawa ang aktibidad upang suriin ang kahandaan ng mga personnel na nakatalaga sa pagbabantay para sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Katuwang ang SPD, nakatuon ang hakbang sa maayos na deployment, pagpapanatili ng police visibility at kahandaang tumulong sa mga mamamayang maglalakbay at dadalaw sa mga sementeryo.

📸 Photo via RMFB NCRPO via Pat Siobal




SEGURIDAD NG PUBLIKO, BANTAY-SARADO
30/10/2026

SEGURIDAD NG PUBLIKO, BANTAY-SARADO

UNDAS 2026, BANTAY-SARADO! RMFB NCRPO AT SPD, MAGKATUWANG SA PAGBABANTAY NG SEGURIDAD



METRO MANILA — Walang preno ang pagbabantay ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB NCRPO) “Bahay Agila” sa limang lungsod na sakop ng Southern Police District (SPD), sa pamamagitan ng random inspection at police visibility operations mula gabi ng Oktubre 29 hanggang madaling-araw ng Oktubre 30, 2026.

Kabilang sa mga binantayang lugar ang Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Makati at Taguig City. Sinuri rito ang kahandaan at presensya ng mga pulis na nakatalaga sa mahahalagang lugar, transport terminal at mga lugar na dinarayo ng publiko.

Pinangunahan ni PCPT ALLAN Y BACCAY ang RMFB NCRPO Red/Inspection Team, sa pangangasiwa ni PMAJ JEORGE DARWIN L UY at sa ilalim ng pamumuno ni PCOL CELSO M RODRIGUEZ, Force Commander, RMFB NCRPO.

Isinagawa ang aktibidad alinsunod sa direktiba ni PBGEN CHRISTOPHER N ABRAHANO, Officer-in-Charge ng NCRPO, na nagbibigay-diin sa aktibong police visibility, mabilis na pagresponde at kahandaan ng kapulisan.

Layunin ng operasyon na matiyak na may mga pulis na handang umalalay sa mga biyahero, pamilya at mamamayang bumibisita sa mga sementeryo ngayong Undas.

Mapayapang naisagawa ang inspeksyon at walang naiulat na hindi kanais-nais na insidente.

Patuloy ang pagtutulungan ng RMFB NCRPO at SPD upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa Metro Manila.

Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman!

Source/Courtesy: RMFB NCRPO / via PIO | PCMS Ruiz, PAT Bulao (BCAS F5)






SEGURIDAD SA LIMANG LUNGSOD NG SOUTHERN POLICE DISTRICT, TINUTUKAN PARA SA UNDAS 2026!  TEAM NCRPO || Patuloy ang pagbab...
29/10/2026

SEGURIDAD SA LIMANG LUNGSOD NG SOUTHERN POLICE DISTRICT, TINUTUKAN PARA SA UNDAS 2026!



TEAM NCRPO || Patuloy ang pagbabantay ng RMFB NCRPO “Bahay Agila” matapos magsagawa ng random inspection at police visibility operations sa limang lungsod na sakop ng Southern Police District (SPD) bilang bahagi ng pagpapanatili ng seguridad ngayong Undas 2026.

Mula gabi ng October 29 hanggang madaling-araw ng October 30, 2026, inikot ng RMFB NCRPO Red/Inspection Team ang ilang mahahalagang lugar sa Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Makati at Taguig City upang tiyaking nananatiling alerto at handang tumulong sa publiko ang mga personnel ng RMFB NCRPO, katuwang ng SPD.

Pinangunahan ni PCPT ALLAN Y BACCAY ang operasyon, sa pangangasiwa ni PMAJ JEORGE DARWIN L UY, sa ilalim ng pamumuno ni Force Commander PCOL CELSO M RODRIGUEZ.

Isinagawa ang aktibidad alinsunod sa command guidance ni OIC NCRPO PBGEN CHRISTOPHER N ABRAHANO, na nagbibigay-diin sa kahandaan, disiplina at aktibong presensya ng kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng publiko.

Kabilang sa mga binisita ang Putatan at Alabang sa Muntinlupa; San Dionisio at Pascor Drive sa Parañaque; Baclaran LRT Station at Ceres Bus Station sa Pasay; Ayala Triangle, San Lorenzo at The Rise Makati; at The Heritage Park sa Taguig City.

Layunin ng operasyon na matiyak ang patuloy na police visibility at kahandaan ng mga nakatalagang personnel, lalo na sa mga lugar na dinarayo at dinaraanan ng publiko ngayong Undas.

Mapayapang naisagawa ang buong operasyon at walang naiulat na hindi kanais-nais na insidente.

Patuloy ang pagbabantay ng RMFB NCRPO “Bahay Agila,” katuwang ang SPD, upang makatulong sa ligtas, maayos at mapayapang paggunita ng Undas 2026.

📸Photo: PIO/PNN PCMS Ruiz, PAT Bulao (BCAS F5) at PAT Bermudez (F4).

“Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”





TINGNAN: PULISYA, 24 ORAS NAKAALERTO SA MUNTINLUPA! SEGURIDAD NG PUBLIKO NGAYONG UNDAS 2026, TUTUTUKAN!  MUNTINLUPA CITY...
29/10/2026

TINGNAN: PULISYA, 24 ORAS NAKAALERTO SA MUNTINLUPA! SEGURIDAD NG PUBLIKO NGAYONG UNDAS 2026, TUTUTUKAN!



MUNTINLUPA CITY || Nananatiling nakaalerto ang mga pulis ng RMFB NCRPO “Bahay Agila” sa Putatan, Muntinlupa City, bilang bahagi ng 24-oras na pagbabantay upang matiyak ang seguridad at kaayusan ngayong Undas 2026.

Sa pamumuno ni Force Commander PCOL CELSO M RODRIGUEZ, katuwang ng Southern Police District (SPD) sa ilalim ni District Director PBGEN RODEL A PASTOR, nakahanda ang mga personnel na tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng publiko.

Ang pagbabantay ay alinsunod sa command guidance ni OIC NCRPO PBGEN CHRISTOPHER N ABRAHANO na tiyaking maayos at ligtas ang paggunita ng Undas.

Patuloy ang presensya ng kapulisan upang makapagbigay ng agarang tulong sa mga mamamayang nangangailangan.

Red Team led by: PCPT ALLAN Y BACCAY
October 29, 2026 | 9:03PM

📸P*S | RMFB NCRPO via PCMS Ruiz / Pat Bulao







TINGNAN: RMFB NCRPO “BAHAY AGILA,” KATUWANG NG SPD SA SEGURIDAD SA HERITAGE PARK PARA SA UNDAS 2026!  TAGUIG CITY || Kai...
29/10/2026

TINGNAN: RMFB NCRPO “BAHAY AGILA,” KATUWANG NG SPD SA SEGURIDAD SA HERITAGE PARK PARA SA UNDAS 2026!



TAGUIG CITY || Kaisa ang mga pulis ng Regional Mobile Force Battalion, NCRPO (RMFB NCRPO) – “Bahay Agila” sa Southern Police District (SPD) sa pagbibigay ng seguridad sa Heritage Park Memorial Cemetery, Taguig City, ngayong October 29, 2026, bilang paghahanda sa Undas.

Sa pamumuno ni Force Commander PCOL CELSO M RODRIGUEZ, nakatalaga ang mga personnel ng RMFB NCRPO upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga bumibisita sa sementeryo.

Ang pagbabantay ay bahagi ng paghahanda ng SPD sa pamumuno ni District Director PBGEN RODEL A PASTOR, katuwang ang RMFB NCRPO, alinsunod sa command guidance ni OIC NCRPO PBGEN CHRISTOPHER N ABRAHANO.

Patuloy na nakaalerto ang kapulisan upang matiyak ang ligtas, maayos at mapayapang paggunita ng Undas 2026.

📸: RMFB NCRPO P*S via PCMS Ruiz | Pat Bulao







MASAYANG TRICK OR TREAT! RMFB NCRPO “BAHAY AGILA,” NAKISAYA KASAMA ANG MGA BATA!  TEAM NCRPO || Puno ng saya at ngiti an...
29/10/2026

MASAYANG TRICK OR TREAT! RMFB NCRPO “BAHAY AGILA,” NAKISAYA KASAMA ANG MGA BATA!



TEAM NCRPO || Puno ng saya at ngiti ang mga bata sa isinagawang Trick or Treat activity ng NCRPO, nakiisa ang personnel ng Regional Mobile Force Battalion, NCRPO (RMFB NCRPO) – “Bahay Agila.”

Sa ilalim ng pamumuno ni Force Commander PCOL CELSO M RODRIGUEZ, nakisaya ang mga pulis sa mga bata at nakibahagi sa pagbibigay ng masayang karanasan sa mga munting kalahok.

Ang aktibidad ay kaakibat ng pagsusulong ng OIC NCRPO PBGEN CHRISTOPHER N ABRAHANO ng maayos at magalang na pakikitungo sa komunidad, lalo na sa mga bata at kanilang pamilya.

Hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad nakikita ang serbisyo ng kapulisan, kundi maging sa mga simpleng pagkakataong nakapagbibigay ng saya at ngiti sa mamamayan.

Sa Bahay Agila, ang malasakit at pakikipagkapwa ay bahagi ng tunay na serbisyo publiko.

October 29, 2026
NCRPO, Camp Bagong Diwa Bicutan Taguig City






RMFB NCRPO “BAHAY AGILA,” NAKIISA SA MONDAY FLAG RAISING AT AWARDING CEREMONY NG NCRPO!   TEAM NCRPO || Nakiisa ang mga ...
26/10/2026

RMFB NCRPO “BAHAY AGILA,” NAKIISA SA MONDAY FLAG RAISING AT AWARDING CEREMONY NG NCRPO!



TEAM NCRPO || Nakiisa ang mga personnel ng Regional Mobile Force Battalion, NCRPO (RMFB NCRPO) – “Bahay Agila” sa isinagawang Monday Flag Raising and Awarding Ceremony ngayong October 26, 2026, alas-7:00 ng umaga, sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ang seremonya ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni OIC NCRPO PBGEN CHRISTOPHER N ABRAHANO, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng disiplina, pagkakaisa at propesyonalismo sa hanay ng kapulisan.

Sa pamumuno naman ni Force Commander PCOL CELSO M RODRIGUEZ, nakibahagi ang mga personnel ng RMFB NCRPO sa aktibidad bilang pagpapakita ng paggalang sa watawat ng Pilipinas at katapatan sa sinumpaang tungkulin.

Bahagi rin ng programa ang pagbibigay-parangal sa mga natatanging personnel bilang pagkilala sa kanilang mahusay na pagganap, dedikasyon at tapat na paglilingkod sa publiko.

Kaakibat ng aktibidad ang patuloy na pagsusulong ng Team NCRPO sa pamantayang “Marunong, Maagap, Magalang, at Maayos” upang higit pang mapahusay ang serbisyo ng kapulisan sa mamamayan.

Patuloy na naninindigan ang RMFB NCRPO “Bahay Agila” sa disiplina, pagkakaisa at propesyonalismo bilang bahagi ng tapat at maaasahang paglilingkod sa bayan.

24/10/2026

PNPA CADET ADMISSION TEST
Pulis News Network - PNN

Address

Camp Bagong Diwa
Taguig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP RMFB NCRPO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP RMFB NCRPO:

Shortcuts

Share

Nearby government services