20/01/2026
📢 PABATID SA PUBLIKO 📢
Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 2026-2465, pinalawig ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang deadline para sa renewal ng Mayor’s Permit at Business Permit, kabilang ang pagbabayad ng business taxes nang walang penalties at surcharges hanggang Enero 23, 2026 (Biyernes).
Ang pagtanggap at pagproseso ng mga aplikasyon ay patuloy na isasagawa sa Municipal Activity Area/ Taxpayer’s Lounge sa itinakdang oras ng operasyon ng tanggapan.
Inaanyayahan ang lahat ng negosyante na samantalahin ang pinalawig na palugit upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na operasyon ng kanilang mga negosyo, habang patuloy na pinaiigting ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pagbibigay ng maagap, episyente, at inklusibong serbisyong diretso sa tao.
09/11/2025
📣 PUBLIC ADVISORY | Municipality of Los Baños
Dahil sa epekto ng Bagyong Uwan, alinsunod sa Malacañang Memorandum Circular No. 106, walang pasok sa lahat ng antas sa buong CALABARZON Region sa Nobyembre 10–11, 2025 (Lunes–Martes).
Ang mga tanggapan ng pamahalaan ay ipatutupad naman ang alternate work arrangements sa Nobyembre 10, 2025 (Lunes).
🌧️ Maging maingat po tayong lahat, mga Los Bañense! Patuloy na magbantay sa mga anunsyo ng sa ating lokal na pamahalaan at iwasang lumabas kung hindi kinakailangan.
Manatiling ligtas at alerto laban sa Bagyong Uwan.
09/11/2025
‼️EMERGENCY NUMBERS‼️
Emergency hotline of every Brgy and other agency of Los Baños
Brgy San Antonio
0960 576 0044
Brgy Mayondon
0906 783 7773
0956 721 7127
0939 298 8166
Brgy Batong Malake
0945 544 2954
0919 254 4257
Brgy Lalakay
0908 890 9125
Brgy Tadlac
0921 526 3893
Brgy Bayog
0926 963 4402
Brgy Maahas
0929 285 2720
Brgy. Bambang
0906-725-9232
Brgy. Malinta
09069345752
Brgy. Tuntungin-Putho
0962 077 4706
0970 736 3270
Brgy. Anos
0917 146 9167
LOS BAÑOS MUNICIPAL ACTION CENTER
530-2953
09267170718 (Globe)
MDRRMO LB 0977 204 9641
LB Fire Station 0939 432 5837
LB PNP 530-2954
0998 598 5649
LARC Customer Service
0998-585-3723
0919-061-6163
31/10/2025
Join us this November 1 & 2 at the Gen. Paciano Rizal Park, Brgy. Baybayin, Los Baños and be part of a soulful weekend filled with music, art, and community.
✨ November 1 (Saturday)
Performances by Mindset, Bernova, and 2nd Jam
🎸 November 2 (Sunday)
Catch Bernova, Hardrules, Bathala, Muddspring, and Buskers as they light up the stage under the sunset sky.
Let’s come together to celebrate life, love, and the beauty of remembrance — only here at Sunset at the Park.
̃oslaguna
18/02/2025
📢 PABATID SA PUBLIKO: PANSAMANTALANG PAGSASARA NG NATIONAL HIGHWAY 📢
Mga Ka-LB, bilang bahagi ng pagpapatayo ng Bagong Los Baños Modern Boundary Marker, magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng National Highway sa boundary ng Los Baños at Calamba mula 11:00 PM ng Pebrero 19, 2025 hanggang 4:00 AM ng Pebrero 20, 2025.
🚗 ALTERNATE ROUTE PARA SA MGA LIGHT VEHICLES:
➡️ Maaring dumaan sa Lakewood Subdivision bilang alternatibong ruta.
Pinapayuhan ang lahat ng motorista at mananakay na maglaan ng sapat na oras para sa biyahe at sundin ang mga itinakdang rerouting upang maiwasan ang abala. Maaaring tingnan ang nasa larawan.
💡 Mahalagang Paalala:
✔️ Kapag natapos ang lifting works, bubuksan muli ang kalsada upang mapanatili ang tuloy-tuloy na daloy ng trapiko.
Paumanhin sa abala at maraming salamat sa inyong pang-unawa.