Barangay Baybayin Updates

Call Directions

Barangay Baybayin Updates Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Baybayin Updates, Government Organization, Brgy. Baybayin, Los Baños.

2nd Quarter Barangay Assembly Day 2026Matagumpay na isinagawa ang Ikalawang Kwarter na Barangay Assembly noong Oktubre 2...
01/11/2026

2nd Quarter Barangay Assembly Day 2026

Matagumpay na isinagawa ang Ikalawang Kwarter na Barangay Assembly noong Oktubre 25, 2026, sa Caesar P. Perez Memorial Stadium, sa pangunguna ni Kapitang Rading Lanuzo at ng Sangguniang Barangay ng Baybayin.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong, nagbigay ng suporta, at sa ating mga kabarangay na dumalo at nakiisa.


ISANG PAGPUPUGAY SA IPINAGMAMALAKING BAYBAYIN! 😇Malugod na binabati ng Barangay Baybayin si Mrs. Eden Lanuzo sa kaniyang...
26/10/2026

ISANG PAGPUPUGAY SA IPINAGMAMALAKING BAYBAYIN! 😇

Malugod na binabati ng Barangay Baybayin si Mrs. Eden Lanuzo sa kaniyang matagumpay na paglahok sa Senior Pageant Night na ginanap sa Trace College noong October 24, 2026.

Buong pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang kaniyang pagkakamit ng 4th Runner-Up at Most Creative Wear awards! 🏆

Bilang isang aktibong miyembro ng Samahan ng mga Senior Citizen sa ating barangay at Presidente ng Samahan ng Kababaihan, patuloy niyang ipinakikita na ang edad ay hindi hadlang upang ipamalas ang talento, tiwala sa sarili, at kakayahan.

Taos-pusong pasasalamat din ang ipinapaabot ni Mrs. Eden Lanuzo sa lahat ng kaniyang kapwa senior citizen at mga kabarangay na nagbigay ng suporta, inspirasyon, at pagmamahal sa buong panahon ng kaniyang paghahanda at paglahok.

Ang tagumpay na ito ay tagumpay rin ng buong Barangay Baybayin! 💚

Muli, congratulations, Mrs. Eden Lanuzo! Patuloy kang maging inspirasyon sa ating komunidad! 🌟

25/10/2026

🎃📢 TRICK OR TREAT 2026: IMPORTANT UPDATE! 👻🍬

Mga batang 12 years old pababa, good news! Maaari na kayong sumali sa ating Trick or Treat sa October 31, 2026, ganap na alas-4:00 ng hapon! 🎃

👨‍👩‍👧 Paalala: Kinakailangang may kasamang magulang o nakatatanda ang bawat bata para sa kanilang kaligtasan.

Kita-kits, mga batang Baybayin! Ready na ba kayo sa trick-or-treat adventure? 🍭👻

24/10/2026

📢 ANUNSYO SA LAHAT NG KABARANGAY!

BARANGAY BAYBAYIN, LOS BAÑOS, LAGUNA

Inaanyayahan ang lahat ng mga residente ng Barangay Baybayin na makiisa at dumalo sa IKALAWANG KWARTER NA BARANGAY ASSEMBLY NG TAONG 2026.

📅 Petsa: Oktubre 25, 2026 (Linggo)
⏰ Oras: 2:00 ng hapon
📍 Lugar: CPP Memorial Stadium and Evacuation Center

Tema:

“Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”

Ang Barangay Assembly ay isang mahalagang pagkakataon upang maibahagi ang mga programa, proyekto, gawain, at mahahalagang usapin ng ating barangay. Ito rin ay pagkakataon upang marinig ang inyong mga saloobin, mungkahi, at rekomendasyon para sa patuloy na kaunlaran ng ating pamayanan.

Kaya naman, hinihikayat ang bawat kabarangay na maglaan ng oras, makilahok, makiisa, at maging bahagi ng mga talakayan at pagpapasya para sa ikabubuti ng ating komunidad.

Ang inyong presensya, tinig, at pakikilahok ay mahalaga!

Sama-sama nating isulong ang isang maunlad, nagkakaisa, at aktibong Barangay Baybayin!

Mabuhay ang Barangay Baybayin!
Tayo na sa Barangay Assembly!

Noong October 15, 2026, isinagawa ang Seminar tungkol sa Family Mid- Upper Arm Circumference ( Family Muac) na pinamunua...
17/10/2026

Noong October 15, 2026, isinagawa ang Seminar tungkol sa Family Mid- Upper Arm Circumference ( Family Muac) na pinamunuan ng Punong Barangay Kgg. Conrado V. Lanuzo, Committee on Health, Barangay Nutrition Scholar ( BNS) and Barangay Health Worker ( BHW).

Layunin ng Seminar na ito na mapalawak ang kaalaman ng mga dumalo sa tamang pagsukat ng Mid- Upper Arm Circumference ( MUAC) bilang gabay sa pagtukoy ng posibleng Malnutrisyon sa mga bata at sa pagpapalakas ng programa ng Barangay para sa Kalusugan at Nutrisyon ng Pamilya.



💙 ALAGANG BAYBAYIN, PARA SA KALUSUGAN NG ATING MGA BATA! 👶💊Sa pangunguna ni Kapitan Rading Lanuzo, patuloy ang ating bar...
16/10/2026

💙 ALAGANG BAYBAYIN, PARA SA KALUSUGAN NG ATING MGA BATA! 👶💊

Sa pangunguna ni Kapitan Rading Lanuzo, patuloy ang ating barangay sa pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng ating mga kabarangay.

Taos-puso po tayong nagpapasalamat sa ating sponsor sa pagbibigay ng Tempra Paracetamol para sa mga sanggol na may edad 0–12 buwan. Maraming salamat po sa inyong malasakit at suporta sa ating komunidad! ❤️

📌 Paalala sa mga magulang: Kumonsulta muna sa pediatrician bago magbigay ng gamot sa sanggol at sundin ang tamang dosage ayon sa payo ng doktor.

📩 Para sa mga nais kumuha, maaari lamang pong makipag-ugnayan kay Kagawad Chona Palacpac, Committee Chairperson on Health, o sa ating mga Barangay Nutrition Scholar (BNS) at Barangay Health Workers (BHW).



16/10/2026

🎃🍬 CALL FOR SPONSORING HOUSEHOLDS | BARANGAY BAYBAYIN TRICK-OR-TREAT 👻🍭

Magandang araw po sa ating mga minamahal na kabarangay!

Bilang bahagi ng ating nalalapit na Trick-or-Treat Activity, kami po ay magalang na nag-aanyaya sa mga kabahayan sa Barangay Baybayin na nais makiisa sa ating aktibidad sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga batang lilibot at pamamahagi ng kendi, treats, o munting sorpresa sa kanila. 🎃🍬

Kung kayo po ay interesado at bukas-palad na nais maging bahagi ng ating Trick-or-Treat route, maaari po kayong magpadala ng mensahe sa ating page o makipag-ugnayan sa sinumang opisyal ng Barangay Baybayin.

Ang inyong pakikiisa ay malaking tulong upang makapaghatid ng saya at makabuo ng masasayang alaala para sa ating mga bata. Anumang munting handog ay tiyak na ikatutuwa nila. ❤️

Maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob at patuloy na pakikiisa sa mga programa ng ating barangay!

**Sama-sama po nating gawing mas masaya at makulay ang Halloween para sa mga batang Baybayin!** 👻🧡

14/10/2026

𝙱𝙰𝚈𝙱𝙰𝚈𝙸𝙽 𝚃𝚁𝙸𝙲𝙺 𝙾𝚁 𝚃𝚁𝙴𝙰𝚃 2026
𝙾𝙲𝚃𝙾𝙱𝙴𝚁 31, 2026, 4:00 𝙿𝙼
𝔹𝔸𝕐𝔹𝔸𝕐𝕀ℕ 𝔻𝔸𝕐 ℂ𝔸ℝ𝔼 ℂ𝔼ℕ𝕋𝔼ℝ
4-12 𝚈𝙴𝙰𝚁𝚂 𝙾𝙻𝙳

𝙼𝙶𝙰 𝙱𝙰𝚃𝙰𝙽𝙶 𝙱𝙰𝚈𝙱𝙰𝚈𝙸𝙽, 𝚝𝚊𝚛𝚊 𝚗𝚊 𝚊𝚝 𝚜𝚞𝚖𝚊𝚕𝚒 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚞𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚃𝚁𝙸𝙲𝙺 𝙾𝚁 𝚃𝚁𝙴𝙰𝚃!

𝙼𝚊𝚐𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚔𝚊𝚕𝚊𝚑𝚘𝚔 𝚜𝚊 𝙾𝚔𝚝𝚞𝚋𝚛𝚎 31, 2026 𝚋𝚊𝚐𝚘 𝚖𝚊𝚐 𝚒𝚔𝚊-4 𝚗𝚐 𝚑𝚊𝚙𝚘𝚗 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 DAY CARE CENTER (Purok 3) 𝚜𝚞𝚘𝚝 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚝𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚗𝚊 𝚌𝚘𝚜𝚝𝚞𝚖𝚎
(𝚙𝚊𝚊𝚕𝚊𝚕𝚊: 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚒𝚗𝚐𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚐𝚊𝚖𝚒𝚝 𝚊𝚝 𝚙𝚊𝚐𝚐𝚊𝚠𝚊 𝚗𝚐 𝚌𝚘𝚜𝚝𝚞𝚖𝚎, 𝚐𝚞𝚖𝚊𝚖𝚒𝚝 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚝𝚎𝚛𝚢𝚊𝚕𝚎𝚜 𝚘 𝚖𝚐𝚊 𝚋𝚊𝚐𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚜𝚊𝚜𝚊𝚖𝚊 𝚜𝚊 𝚋𝚊𝚕𝚊𝚝 𝚘 𝚔𝚊𝚕𝚞𝚜𝚞𝚐𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚔𝚊𝚕𝚊𝚑𝚘𝚔)

𝙸𝚗𝚊𝚊𝚜𝚊𝚑𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚠𝚊𝚝 𝚔𝚊𝚕𝚊𝚑𝚘𝚔 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚢 𝚔𝚊𝚜𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚞𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚘 𝚐𝚞𝚊𝚛𝚍𝚒𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚊𝚊𝚕𝚊𝚕𝚊𝚢 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊 𝚜𝚊 𝚘𝚛𝚊𝚜 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐-𝚒𝚒𝚔𝚘𝚝 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚋𝚊𝚑𝚊𝚢-𝚋𝚊𝚑𝚊𝚢.

𝙰𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚠𝚊𝚝 𝚔𝚊𝚕𝚊𝚑𝚘𝚔 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚐𝚍𝚊𝚍𝚊𝚕𝚊 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚢𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐
𝚕𝚊𝚕𝚊𝚐𝚢𝚊𝚗 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚞𝚔𝚞𝚑𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚔𝚊𝚒𝚗 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚐-𝚒𝚒𝚔𝚘𝚝 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚛𝚊𝚗𝚐𝚊𝚢.

For registration, kindly message or look for any BCA officers, or Baybayin Officials.

Thank youuuu!

📢 BATAS NA! RESPONSIBLE FEEDING ORDINANCE NG BARANGAY BAYBAYIN! 🐶🐱Opisyal na naipasa at naisabatas na ang Barangay Respo...
13/10/2026

📢 BATAS NA! RESPONSIBLE FEEDING ORDINANCE NG BARANGAY BAYBAYIN! 🐶🐱

Opisyal na naipasa at naisabatas na ang Barangay Responsible Feeding Ordinance na naglalayong mapanatili ang kalinisan, kaayusan, kaligtasan, at responsableng pangangalaga sa mga hayop sa ating barangay.

Ipinagbabawal ang pagpapakain sa mga aso at pusang gala sa mga kalsada, daanan, at iba pang pampublikong lugar, at may kaukulang parusa sa mga lalabag sa ordinansa.

Sama-sama nating isulong ang responsableng pagpapakain at pangangalaga sa mga hayop para sa isang malinis, maayos, at ligtas na Barangay Baybayin! 💙

Address

Brgy. Baybayin
Los Baños
4030

Telephone

+63498319175

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Baybayin Updates posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share