POSO Los Baños

POSO Los Baños

Share

The Public Order & Safety Office (POSO)-
Municipality of Los Baños is committed to promoting peace, public safety, and discipline within the community.

11/06/2026

Kaisa ang 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 & 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐎𝐒𝐎) 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬 sa pagdiriwang ng 𝒊𝒌𝒂-128 𝒏𝒂 𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔, bilang pagpupugay sa kabayanihan, katapangan, at sakripisyong ipinamalas ng ating mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan at kasarinlan ng ating bansa.

Sa makasaysayang pagdiriwang na ito, ating ginugunita at pinahahalagahan ang kanilang mahalagang ambag sa paghubog ng isang malaya at matatag na sambayanan.

Nawa’y magsilbi itong paalala sa bawat Pilipino na patuloy na mahalin ang bayan, igalang ang ating kasaysayan, at gampanan ang ating tungkulin bilang responsableng mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng ating bansa para sa susunod na henerasyon.




11/06/2026

📢 🚧 ADVISORY | TEMPORARY ROAD CLOSURE 🚧

Alinsunod sa Executive Order No. 44, Series of 2026, ipinababatid sa publiko na pansamantalang isasara ang isang bahagi ng Lopez Avenue, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna, mula sa kanto ng F.O. Santos Street hanggang sa kanto ng Halcon Street, sa Hunyo 12, 2026 (Biyernes), mula 2:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi.

Ang pansamantalang pagsasara ng nasabing kalsada ay kaugnay ng pagdaraos ng Indak Makiling Street Dancing Competition, bilang bahagi ng selebrasyon ng Ikatlong Makiling Festival ng Barangay Batong Malake.

🚗 Mga Inirerekomendang Alternatibong Ruta:
• Ang mga sasakyang patungong University of the Philippines Los Baños (UPLB) ay maaaring dumaan sa El Danda Street patungong F.O. Santos Street.
• Ang mga sasakyang patimog (southbound) at mga patungo sa Junction Road at Crossing Area ay maaaring dumaan sa Demarces Road (Oregano Street) patungong Bangkal Street.
• Ang iba pang traffic rerouting measures ay ipatutupad alinsunod sa rekomendasyon ng Los Baños Traffic Management Office (LBTMO), Philippine National Police (PNP), at iba pang kinauukulang ahensya.

Hinihiling namin ang inyong pang-unawa at pakikipagtulungan upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at ligtas na pagdaraos ng nasabing aktibidad. Inaasahan din ang pagsunod ng lahat sa mga ipatutupad na traffic advisories at mga tagubilin ng mga awtoridad.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.




Photos from POSO Los Baños's post 11/06/2026

Nirespondehan nina 𝐆. 𝐀𝐫𝐧𝐨𝐥𝐝 𝐃𝐞𝐥 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐢𝐨 𝐚𝐭 𝐆. 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐒𝐨𝐛𝐞 𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 & 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐎𝐒𝐎) – 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐟𝐟𝐢𝐜 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐋𝐁𝐓𝐌𝐎) ang isang road crash accident na kinasasangkutan ng isang truck, kotse, at motorsiklo. Naganap ang aksidente bandang alas-1:37 ng hapon nitong Hunyo 11, 2026 sa kahabaan ng Agapita Road, Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna.

Matapos maisagawa ang mga kinakailangang hakbang sa lugar ng insidente, maayos na naiturn-over ng mga LBTMO enforcers ang mga sangkot sa aksidente sa mga tauhan ng pulisya sa pamumuno ni G. Tamayo para sa kaukulang imbestigasyon.





Photos from POSO Los Baños's post 11/06/2026

🏍️𝐈𝐍𝐀𝐁𝐀𝐍𝐃𝐎𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑𝐒𝐈𝐊𝐋𝐎, 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐆𝐏𝐔𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐆𝐈𝐋𝐈𝐃 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐒𝐀𝐃𝐀❌

Inaksyunan ng 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 & 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐎𝐒𝐎) – 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 (𝐒𝐎𝐆) ang isang tawag ng 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (𝐎𝐩𝐂𝐞𝐧) kaugnay ng isang motorsiklong natagpuang nakaparada sa gilid ng kalsada sa Brgy. Bambang, Los Baños, Laguna, bandang alas-12:50 ng madaling araw noong Hunyo 10, 2026.

Ayon sa ulat ng BPSO Bambang, ilang araw nang nakaparada ang nasabing motorsiklo sa lugar. Napag-alaman din mula sa isang tindera ng bulaklak na malapit sa pinangyarihan na nakita umano niya ang may-ari ng motorsiklo na sumakay sa isang pampublikong sasakyan at iniwan na lamang ang motorsiklo.

Pinayuhan ng POSO-SOG ang BPSO Bambang na gumawa ng blotter report upang maitala ang insidente. Ipinaalam din sa kanila na kung hindi babalik ang may-ari upang kunin ang sasakyan, dapat itong iulat sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon sa ilalim ng kasong “abandonment of vehicle” upang maisagawa ang nararapat at legal na aksyon.





10/06/2026

‼️𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 ‼️

𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄𝐃 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐑𝐔𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍

ACTIVITY HOURS/DATE: June 11, 2026, 10:00 PM hanggang June 12, 2026, 04:00 AM

AFFECTED AREAS:
LOS BAÑOS:
Brgy. Maahas

Pinapayuhan ang lahat na mag-imbak ng sapat na tubig upang may pansamantalang magamit sa oras ng aktibidad.
Samantala, kung kayo po ay may mga katanungan at nais ipagbigay alam, maaari kayong tumawag sa aming customer service hotline o di kaya ay mag private message sa aming page.

Maraming salamat po sa patuloy na pangunawa.

Los Banos Office - 09985853723/09190616163
Calauan Office - 09988875310

via Laguna Aquatech

For more details:

https://www.facebook.com/photo?fbid=122124973851234161&set=a.122103566649234161

Photos from POSO Los Baños's post 07/06/2026

🚧🚖𝐃𝐢𝐬𝐢𝐩𝐥𝐢𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐬𝐚𝐝𝐚, 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐢𝐛𝐢𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭❗️✅

Patuloy ang kampanya ng 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 & 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐎𝐒𝐎)–𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 (𝐒𝐎𝐆) laban sa iligal na pagparada ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada.

Ang tamang paradahan ay tanda ng disiplina at paggalang sa kapwa. Ang iligal na pagparada ay hindi lamang paglabag sa batas, kundi nakaaapekto rin sa maayos na daloy ng trapiko, kaligtasan ng mga motorista at pedestrian, at sa pangkalahatang kaayusan ng ating komunidad.

Magtulungan tayo para sa mas ligtas, maayos, at disiplinadong kalsada para sa lahat.





Photos from POSO Los Baños's post 07/06/2026

Natagpuan ng 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 & 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐎𝐒𝐎)–𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 (𝐒𝐎𝐆) ang ilang menor de edad na nasa lansangan pa dis-oras ng gabi sa kabila ng umiiral na curfew katuwang ang mga pulisya sa pagbabantay sa buong komunidad sa bayan ng Los Baños.

Hinihikayat ang mga magulang at tagapag-alaga na gabayan at bantayan ang kanilang mga anak upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Ang pakikiisa at kooperasyon ng bawat pamilya ay mahalaga upang mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga kabataan at mapanatili ang kaayusan sa ating pamayanan.





Photos from POSO Los Baños's post 07/06/2026

🚨🚑𝐏𝐎𝐒𝐎-𝐒𝐎𝐆 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐂𝐑𝐀𝐒𝐇 𝐈𝐍𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓🚨

Mabilis na rumesponde ang 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 & 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐎𝐒𝐎)–𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 (𝐒𝐎𝐆) sa isang road crash sa Brgy. Mayondon, Los Baños, Laguna, bandang alas-10:00 ng umaga noong Hunyo 6, 2026, matapos makatanggap ng tawag mula sa 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (𝐎𝐩𝐂𝐞𝐧) 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬.

Pagdating sa lugar, agad na nagbigay ng paunang lunas ang grupo sa biktima dahil tumusok ang bakal sa bandang binti matapos itong sumalpok sa isang sasakyan. Kinailangan pang putulin ang bakal dahil sa sobrang haba nito. Matapos mabigyan ng paunang lunas, agad itong isinugod sa ospital para sa agarang gamutan.

Nakipag-ugnayan din ang POSO-SOG sa kapulisan para sa kaukulang imbestigasyon at iba pang kinakailangang aksyon kaugnay ng insidente.




Want your business to be the top-listed Government Service in Los Baños?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Municipal Hall, National Highway, Brgy. Timugan
Los Baños
4030