PNP QCPD Police Station 6 Batasan Hills

Call Directions Contact the organization

PNP QCPD Police Station 6 Batasan Hills This is the Official FB Page of BATASAN POLICE STATION (PS 6) QCPD.

13/11/2026




13/11/2026
13/11/2026
13/11/2026

Mark your calendars. đź“…

The 49th ASEAN Summit and Related Summits run 15 to 17 November.

Under Proclamation No. 1447, 16 to 18 November are special non-working days in Metro Manila.

13/11/2026
13/11/2026

₱509.49-MILYONG ILEGAL NA DROGA NASAMSAM NG PRO6 SA LOOB NG 10 BUWAN! 1,663 DRUG SUSPECTS ARESTADO SA 1,330 OPERASYON SA WESTERN VISAYAS!



Umabot sa ₱509.49 milyon ang halaga ng hinihinalang ilegal na droga na nasamsam ng Police Regional Office 6 (PRO6) mula Enero hanggang Oktubre 2026.

Sa kabuuang 1,330 anti-illegal drug operations, 1,663 drug suspects ang naaresto, kabilang ang 578 High-Value Individuals (HVIs) at 1,085 Street-Level Individuals (SLIs).

₱509.39-M SHABU, NASAMSAM!

Batay sa ulat, umabot sa 74.91 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱509.39 milyon at 823.71 gramo ng ma*****na na nagkakahalaga ng ₱98,845 ang nakumpiska.

ILOILO, NANGUNA SA DRUG HAUL!

Nanguna ang Iloilo Police Provincial Office (IPPO) na may ₱240.51 milyong shabu at 507 arestado.

Sinundan ito ng Iloilo City Police Office (ICPO) na may ₱123.33 milyon at 718 arestado, habang nakapagtala ang Regional Police Drug Enforcement Unit 6 (RPDEU6) ng ₱111.42 milyon at 111 arestado.

Binigyang-diin ni PBGEN RANDULF T TUAÑO, Regional Director ng PRO6, na ang mga accomplishment ay bunga ng pinaigting na intelligence-driven operations, koordinasyon ng mga police unit at pakikipagtulungan ng publiko.

Patuloy ang PRO6 sa kampanya kontra ilegal na droga sa ilalim ng PNP Focused Agenda sa pamumuno ni PGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, Chief, PNP.

Ang mga naarestong suspek ay itinuturing na inosente hangga't hindi napatutunayang nagkasala sa hukuman.

“Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

SOURCE/COURTESY: PNP-RPIO6
PNP Police Regional Office 6



13/11/2026

₱160-MILYONG SIGARILYO AT V**E BISTADO AT TIMBOG SA CIDG! CHINESE NATIONAL ARESTADO SA MALABON, M**F COMMANDER HIMAS REHAS!


Nasamsam ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang ₱160 milyong halaga ng hinihinalang ilegal na sigarilyo at hindi rehistradong v**e products noong Nobyembre 11–12, 2026.

Arestado ang Chinese national na alyas “Ching” matapos makumpiska ang 1,120 master cases ng sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱78 milyon at 635 kahon ng v**e na nagkakahalaga ng ₱82 milyon. Narekober din ang dalawang truck.

MAGUINDANAO DEL NORTE — Sa hiwalay na operasyon noong Nobyembre 10, naaresto sa Datu Odin Sinsuat ang isang M**F base commander na alyas “Kumander,” na may warrant of arrest sa kasong arson kaugnay ng umano'y pagsunog sa bahay at motorsiklo ng isang barangay kagawad noong 2025.

Pinuri ni CIDG Director PMGEN ROBERT AA MORICO II ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon, alinsunod sa kampanya ng PNP sa pamumuno ni Chief, PNP PGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR.

Source: CIDG PIO | November 11–12, 2026
PNP Criminal Investigation and Detection Group




13/11/2026

20 WANTED PERSONS TIMBOG NG NPD! BABAE SA 68 COUNTS NG QUALIFIED THEFT, ARESTADO; ₱2.68-M PIYANSA!



TEAM NCRPO || CAMANAVA — Umabot sa 20 wanted persons ang naaresto ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na Warrant Day operations noong Nobyembre 10 at 11, 2026, sa pamumuno ni PBGEN BENLINER L CAPILI, District Director ng NPD.

Kabilang sa mga naaresto ang 2 Top Most Wanted Persons, 4 Most Wanted Persons at 14 Other Wanted Persons.

Sa San Juan City, timbog ang isang 30-anyos na babae na nahaharap sa 68 counts ng Qualified Theft na may kabuuang inirekomendang piyansang ₱2.68 milyon.

Sa Malabon City, naaresto ang No. 5 Station-Level Top Most Wanted kaugnay ng paglabag sa RA 10591 o batas sa armas. Nadakip din ang mga wanted persons sa Caloocan at Navotas na nahaharap sa magkahiwalay na kaso sa ilalim ng RA 9165 at mga kasong may kaugnayan sa acts of lasciviousness.

Sa hiwalay na operasyon noong Nobyembre 9, isang Most Wanted Person sa kasong Lascivious Conduct ang naaresto sa Manila.

Patuloy ang kampanya ng NPD sa ilalim ng NCRPO OIC PBGEN CHRISTOPHER N ABRAHANO at Chief PNP PGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR. para sa mas ligtas na komunidad.

SOURCE/COURTESY:
PNP Northern Police District







Address

IBP Road
Quezon City
1126

Telephone

+6329316470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP QCPD Police Station 6 Batasan Hills posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP QCPD Police Station 6 Batasan Hills:

Shortcuts

Share